Chapter 23

814 30 1
                                    

++++

KENNETH

Halos mapatalon kami sa gulat ng bigla nalang pumasok si Jeth sa tambayan. Galit na galit ito at parang may hinanakit sa mundo.

"Pards, anong nangyari?"

Naghintay kami sa isasagot niya pero padabog itong umupo sa tabi ko at napahilamos sa kanyang mukha. Ano na naman ang problema nito? Si Sunny na naman ba? Ilang araw na ba siyang hindi pinapansin?

"She hates me. She wants me to stay away from me and it kills me! Damn it!"

Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi nito. Kung pangit ang lovelife ko, masasabi kong mas pangit ang lovelife niya. Naiintindihan ko kung bakit nagkahiwalay kami ng Moo ko pero sila ni Sunny, hindi ko alam.

Akala ko okay na sila pero simula noong bumalik si Sunny pagkatapos niyang makidnap ay pinagtabuyan niya na ang kaibigan ko.

"Babae lang ang katapat niyan!" sigaw ni Ryan. Napangisi ako.

"Mukhang kailangan natin ng babae!" panggagatong ko.

"We go to the bar bar and hangout with a sexy girls! Whooo!"

Natawa ako sa sinabi ni Ryan. Yeah. We really need to lie low. Pahinga muna sa pag-ibig. Masyado na kasing nakakasakal.

Kinaladkad namin ni Ryan sina Darryll at Jeth na pumunta sa bar para magliwaliw. Halos mapunit ang bibig ko sa kakangisi. Damn! It's been years since my last f-ck. Nakakamiss rin palang maging hagok sa babae.

"Umupo muna kayo. Kukuha lang ako ng mga babae!" sabi ni Ryan sa aming tatlo. Tumango ako kaya umalis ito.

Napatingin ako kay Darryl, kagaya ko, hindi rin maganda ang relasyon nito kay Mrie. Mga loveless kami ngayon.

"Jeth you okay?" tanong ko ng mapansing sobrang lalim ng iniisip nito.

"I want to drink."

"Yeah. You will, later." I smirked.

****

SUNNY

"Sigurado ba kayo dito sa suot ko? Shit!"

Para kasi akong bayarang babae sa suot ko. Paano ba naman kasi niyaya nila akong magboy hunting! Wala kasi silang magawa kaya heto napasubo ako.

"Sunny girl ano ka ba! Huwag ka ngang OA diyan!"

Napairap nalang ako. Edi fine!

Pumasok kaming apat sa loob at humanap ng bakanting mauupuan. Sumalubong agad sa amin ang maingay na sigawan ng mga tao sa loob. Sobrang ingay din ng tugtog kaya medyo naexcite ako sa ingay.

Habang papasok kami ay may humawak sa bewang ko. Tiningnan ko ng masama ang may gawa no'n.

"Don't touch me!" Tinapik ko ang kamay nito pero ngumise lang ito.

"Dude, walang ganyanan. Girlfriend ko 'to e!" maangas na sabi ni Sabrina. Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito. Ano daw?

"Whoa. Sorry!"

Umalis iyong lalaki sa harapan namin ni Sabrina.

"Ano 'yon?" takhang tanong ko.

"Wala lang, trip ko lang."

Napailing ako. Iba rin ang trip ng babaeng 'to e.

"Upo ka. Iinom tayo!" sabi niya sa'kin. Hinanap ko iyong dalawa, referring to Michael and Justine pero hindi ko makita.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon