Chapter 43

696 19 4
                                    

++++

Again

It was early in the morning when I wake up. The sun still not shine and the place is still so dark. I can't see any single of thing around me but I felt that someone is sleeping beside me. Tumagilid ako para tingnan ang taong nasa aking tabi. And it's indeed my maboy, sleeping so peacefully. I smiled when I heard him snoring. Oh my! Ang cute talaga ng lalaking ito! Sa sobrang gigil ay pinisil ko ang matangos nitong ilong.

He groaned.

"Sorry," I whispered.

Hindi naman ito nagising sa ginawa ko kaya hinayaan ko na lamang siyang matulog muli. I instead moved  a little closer to him and hug him so tight. I missed hugging him like this. Isa ito sa mga namiss ko sa kanya at syempre iyong halikan naming dalawa. Damn. Napailing ako ng maalala ang nangyari kagabi. That was totally embarrassing! Almost. Muntikan na talaga! Mabuti nalang at hindi pa kami gaanong nagsisimula ni Zenberg. Mabuti nalang at hanggang halikan lang ang naabutan nila!

Lahat nagulat sa pagbukas ni Ryan ng pinto. Zenberg was cursing multiple times. He murmured something that I can clearly heard it.

"Remind me to kill them later!"

"Remind me to kill them later!"

Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran para umayos siya. Nanlilisik na ang mga mata ng mga kaibigan ko samantalang iyong mga kaibigan niya ay nakangisi na para bang nasisiyahan sa nangyayari ngayon. Siguro alam nila kung gaano kagustong mangyari ito ni Zenberg pero hindi nga natuloy dahil sa pagpasok nila.

"Sorry ha. Naistorbo yata namin kayo. Pero pwedi ko bang makausap si Sunny?" si Sabrina ang unang nagsalita sa kanila.

Tumango ako at akmang lalapit na kay Sabrina ng pigilan ako ni Zenberg. Nakita ko kung paano tumalim ang mata ni Sab sa akin. Si MIchael naman ay may malisyosong tingin kaya napayuko ako dahil sa sobrang kahihiyan. Pakingtape! Bakit ganyan sila makatingin? Parang ang laki ng ginawa kong kasalanan sa kanila ah?

"May gagawin pa kami."

Namula iyong pisnge ko sa sinabi ni Zenberg. Shocks! At talagang gusto niya pang ipagpatuloy?! Nahuli na kami't lahat-lahat ito pa talaga ang lumabas sa bibig niya?! Walanghiya talaga siya!

"Oo nga naman moo. Hayaa-"

"Shut up Walker! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa'kin?!"

Hindi na naka-angal pa si Kenneth at nagkamot nalang ng ulo. Pinisil ko ang kamay ni Zenberg para sabihing sasama muna ako kay Sabrina pero tiningnan niya lang ako ng masama. Sinimangutan ko siya at napatingin sa mga kaibigan nitong ngayo'y tawang-tawa na habang nakatingin kay Zenberg.

"Damn! Hindi ko alam na ganyan ka katigang pareng Jeth!"

"F*ck you Park. I will fucking kill you!"

Kunot noo kong sinundan si Zenberg papuntang banyo. Padabog nitong isinara ang pinto na ikinagulat ko. What was that? Galit ba siya?

"Anong nangyari don?" takhang tanong ko.

Kibit balikat na umalis si Kenneth ng kwarto samantala si Darryl ay pasipol-sipol na lumabas at si Ryan na natatawa.

Kita ko ang pag-iling ni Sabrina at si Michael naman at Justine ay nagpipigil ng tawa.

"Ano?" I asked Michael.

"Hala ka Sunny girl. Ginalit mo kasi ang sawa kaya hindi nakayanan ng anaconda! Sumabog na!" then he laughed while exiting the room together with Justine.

Huli ko na naintindihan ang lahat ng mga nangyari kagabi kung hindi ko lang narinig si Zenberg na umuungol sa banyo. Kinilabutan ako ng gabing iyon kaya lumabas nalang ako ng kwarto kasama si Sabrina. Damn. Ganoon pala iyon kapag hindi natuloy!

Kaya sabi ko sa sarili ko hinding-hindi na mauulit ang pangyayaring iyon dahil ayokong mabitin si Zenberg. At sisiguruhin kong nakalock ang pinto para walang istorbo gaya ng mga peste kong kaibigan!

Bumangon ako ng makaramdam ng uhaw. Pumunta akong kusina at umupo sa mini bar na hindi gaanong kataasan. Simula kagabi ay ngayon ko lang natingnan ang buong kaanyoan ng bahay at ang desinyo nito. The place is indeed so relaxing while looking at the painting hanging on the wall. At medyo malaki ang bahay na ito kumpara sa tinitirhan namin ni Jelay. And speaking of Jelay, baka nag-aalala na ang babaeng iyon dahil bigla akong nawala sa bayle kagabi! Baka hinahanap na ako no'n! Shit, I need to go home now!

Umalis ako ng hindi nagpapaalam kay Zenberg at sa iba pa. Pero hindi muna ako dumiretso ng bahay. Dumiretso akong palengke at namili nang pweding lutuin para kay Zenberg at sa mga kaibigan ko. Medyo natagalan ako sa pamimili dahil medyo maraming tao ngayon. It's a market day today! Shit, mukhang matatagalan talaga ako ng husto bago makabalik sa bahay.

"Excuse me, excuse me!"

Sobrang siksikan talaga at puno na'ko ng pawis. Dagdagan mo pa iyong mga bitbit ko ngayon na sobrang bibigat. Naku naman talaga! Kung kailan nagmamadali ako ay doon pa ako na stuck dito sa loob.

Tiningnan ko ang relos ko at mag aalas-onse na ng umaga! Sobrang bilis naman. Parang pag-alis ko kanina ay mga alas-sais palang iyon. Pero ngayon magtatanghalian na!

Hindi gaanong umuusad ang mga tao palabas ng palengke kaya lalo akong nahirapan makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi naman ako pweding makisingit dahil baka mapaano si baby. So I don't have a choice but to wait until I can finally get out of here.

"Excuse me!"

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis iyong mama sa harapan ko. Naging okay narin ang daanan kaya nakalabas ako ng palengke. Tiningnan ko ang relos ko at mag-aalas dose na. I sighed heavily. Mukhang sa hapunan ko na maluluto ang mga pinamili ko. At saka nagugutom na'ko.

Hindi muna ako umuwi at saka napagpasyahan na kumain muna sa karenderya. Hindi na yata kakayanin ng tiyan ko at ni baby na maghintay pa hanggang sa makauwi. At saka mabilis lang naman ako. Siguro mga alas-dos ng hapon ay makakarating na'ko sa bahay at makakapagsimulang magluto.

Nag-order ako ng sinigang na baboy at dalawang cup na rice. Mabilis kong naubos iyon sa sobrang gutom. Pero hindi ko aakalain na matatagalan ako dito dahil umorder ulit ako. Shocks. Gutom na gutom si baby. Hindi naman pweding hindi ako kumain.

Napagpahinga muna ako saglit bago tiningnan iyong mga pinamili ko baka kasi may nakalimutan ako. At tama nga ako, nakalimutan kong bumili ng pechay! Kaya bumalik muli ako sa loob at nakipagsiksikan muli.

Hay, naku naman talaga Sunny. Sa dinami-dami ng makakalimutan iyong pansahog pa sa karne!

"Ate bente pesos nga nitong pechay!"

"Ito oh. Isang tompok bente na 'yan."

"Ay sige-sige salamat po!"

Tiningnan ko iyong mga pinamili ko habang papalabas ng palengke. Naka sampong plastic din akong bitbit. May mga pinamili akong buko, sweet corn at iba pang pansahog sa bulalo. Tiyak na magugustuhan ito ni Zenberg!

I was smiling walking the exit door of the market. But I was stunned when I saw Zenberg standing in front of me, revealing his serious and worried face.

"Oh! Nandito ka?" nasabi ko pa dahil sa sobrang gulat. Hindi ko kasi alam na susunduin niya ako dahil hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta akong palengke ngayon.

"Sunny girl! Gosh, nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ni Michael sa likod ni Zenberg.

Nangunot iyong noo ko. Teka, ano? Hinanap nila ako? Bakit naman nila gagawin iyon eh nandito lang naman ako pumunta sa bayan? 

Tiningnan ko si Zenberg. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"You made me crazy again," that was his statement that made my heart fluttered.

And I was like, I made a mistake because he thought I left him again.

.

.

.

😂😂✌🏼✌🏼✌🏼✌🏼

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon