Chapter 16

956 30 0
                                    

++++

Olivia

"Meron kaming warrant of arrest para kay Jeth Arl Zenberg. Sa salang pagkidnap kay Sunny Myel Sarosa."

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng Pulis sa likod ko. May dala silang warrant of arrest laban kay Zenberg. And guess what, kasama ng mga Pulis si Reige Mondragon.

Reige was smiling as if he won the contest. Nagtatanong na tiningnan ko siya dahil sa kalokohang ginagawa niya. What the hell is he doing? Bakit siya nagdala ng mga Pulis dito? At talagang dito pa sa bahay nina Sabrina?

"Hulihin niyo na po," sabi nito kaya lumapit ang tatlong Pulis kay Zenberg at nilagyan ito ng posas. Ang nagpakunot sa noo ko ay hindi man lang nagreact ang Shitzu. Ni kahit 'what', 'damn' or anything wala itong sinabi. Talagang tinanggap niya ang kasalanang ginawa niya.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Bakit hindi siya umangal? Dapat kumontra siya! Tiningnan ko nang masama si Reige.

"Hoy Askal—"

"Is our child okay?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong child? Akmang babatukan ko na sana siya ng hapitin niya ang bewang ko palapit sa kanya. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya napatili ako.

"What the hell are you doing?!" may diin, pero mahinang saad ko. Pinandilatan ko siya ng tingin.

"Chill, chow chow. I'll explain to you later."

Kahit sinabi niya iyon ay hindi parin ako natinag. Naguguluhan ako sa mga pinaggagawa niya! Why do he need to do this?!

"Don't you f-cking touch my girl!" dumagundong ang boses ni Zenberg sa buong bahay dahil sa ginawa ni Reige. Alam ko kung bakit ganito ang naging reaksiyon niya. Damn! Lagot na lagot talaga!

"Jeth!" pigil ni Justine dito at ng mga Pulis pero masyado siyang galit para gustong upakan si Reige na ngayo'y tumatawa na parang isang baliw sa kanto. Sayang-saya siya sa ginawa niya.

"Touch her again and I will f-cking kill you!" he said aggressively.

Kinaladkad siya ng mga Pulis palabas ng bahay. Ang mata nito ay nanlilisik parin kaya hindi ko magawang tumingin sa kanya ng deritso. Hindi naman sa natatakot ako pero kasi—basta! Hindi ko lang talaga kayang tignan siya.

"Sir, sumama na po kayo sa amin ng matiwasay," rinig kong sabi ng isang Pulis.

Walang nagawa si Zenberg kundi ang sumama. Gustuhin ko mang pigilan ang mga Pulis, pero may nagsasabi sa utak ko na hayaan nalang ito para makatakas ako sa galit niya at hindi niya ako dalhin doon ulit sa bahay na iyon.

Pero kasi ayokong makulong siya. Kahit na gago iyon, mahal ko parin ang shitzu na iyon. Ah, basta, bahala siya!

Shit naman! Naguguluhan ako.

Pipigilan ko ba o hindi? Hahabulin ko ba o hindi? Ano ba talaga?!

Ng tuluyan nang mawala si Zenberg sa paningin ko ay binatukan ko ang lalaking ito sa harapan ko. Siya ang may kasalanan kung bakit naguguluhan ako ngayon. Hindi ko tuloy alam kung pipigilan ko ba ang mga Pulis na hulihin si Zenberg o hindi. Ang laki naman kasing gago nitong Askal na ito. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nagdala siya ng mga Pulis dito? Bwesit talaga siya. Ang sarap niyang ipatapon sa kanal.

"Aray, chow chow!"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" I shouted.

Nakita ko ang pagtawa ng mga kaibigan ko sa gilid kaya binalingan ko sila ng tingin. Anong tinatawa-tawa nila? May nakakatawa ba?!

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon