Chapter 14

983 32 0
                                    

+++++

Plan

Nagpapasalamat ako sa araw na ito dahil nakatakas na'ko sa lintik na pamamahay na iyon. Kung hindi lang ako tinulungan nina Michael, Sabrina at Justine siguro ngayon nakaposas parin ako.

Sa kalagitnaan ng paglublob ko ng katawan sa bathtub kanina ay siya namang pagrescue nila sa'kin. Pinatulog nila iyong tatlong pesteng kaibigan ni Zenberg sa pamamagitan ng syringe. Well, kung hindi nila ginawa iyon siguro ay wala ako dito ngayon sa bahay nina Sabrina.

"Ngayon na nakalaya na'ko, humanda sa'kin ang Zenberg na'yon. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa mga ginawa niya sa'kin," sabi ko sa kanilang tatlo.

Napataas iyong kilay ni Michael na parang hindi naniniwala sa'kin. I pouted my lips unto that.

"At ano naman ang gagawin mo?"

Napakibit balikat ako. Basta. Gagantihan ko siya. Hindi makatarungan ang ginawa niya sa'kin. Sinong matinong lalaki ang gagawa no'n? Maliban nalang talaga kung baliw ito! At nababaliw na nga talaga ang lalaking iyon.

"Pero bago mo gawin iyan, mag-ingat ka muna kay Olivia. Napag-alaman namin na isa itong delikadong tao. She looks innocent outside but inside she is an evil witch. Just for you to know, baka mapahamak ka sa kanya."

I know that Michael. Alam kong hindi basta-bastang babae si Olivia. Naalala ko noong nasa mall nang biglang sumeryoso ang pananalita nito. Doon palang alam ko ng delikado itong babae.

"Alam—"

"Pweding maligo ka muna? Nangangamoy ka na!" biglang sabat ni Sabrina sa usapan. Napafacepalm ako.

Kahit kailan talaga panira siya ng usapan.

Suminghot ako at tama nga ito. Sobrang panghi ko parin kahit na nilublob ko na ang sarili ko sa bathtub kanina na may lamang tubig. Tinatamad na tumayo ako.

"Sorry naman ha? Tsk."

Nakalimutan kong umihi pala ako sa shorts ko kanina. Bwesit kasing Ryan e. Kung tinanggal niya lang sana iyong posas ko edi sana hindi na nangyari iyon.

Naligo ako dahil nakakahiya naman kay Sabrina. Baka kasi mangamoy iyong bahay niya. Napairap ako ng wala sa oras habang nagsasabon. Napatalon lang ako sa gulat ng bigla nalang may kumalabog sa pinto.

What the heck?!

"Hoy naliligo ako!" sigaw ko sa tatlo kong kaibigan. Anong trip nila? May CR naman sa baba kung gusto nilang umihi bakit kailangan pa nila akong istorbohin? Tsk.

Mabuti nalang at hindi na sila nang-istorbo pa kaya mabilis kong natapos ang pagligo ko. Pakanta-kanta pa'ko habang nagpupunas ng buhok. Binalot ko ang katawan ko ng tuwalya bago pumunta sa lababo ng CR ni Sab para mag toothbrush . I really take my time to clean myself. Pakiramdam ko kasi ang dumi-dumi ko.

Sa kalagitnaan ng pagtoothbrush ay may kumatok na naman sa pinto pero this time sobrang kalmado ng pagkakakatok nito— hindi katulad kanina na parang masisira ang pinto. Nangunot iyong noo ko ng hindi ito tumigil sa pagkatok kaya napagpasyahan kong buksan ang pinto.

"What took you so long?"

Naibuga ko ang toothpaste sa bibig ko ng makitang si Zenberg ang nasa harapan ko ngayon. Nanlalaki ang mata ko at hindi makapaniwala. Napakurap-kurap ako ng makitang sa damit niya dumapo ang ibinuga kong toothpaste sa bibig. Shit!

Mabilis kong sinarado ang pinto at nilock ito. Nagmumog ako.

"Damn!"

Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang milyang layo. Hapong-hapo ako sa nakita ko. Pakingtape, anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Hindi niya talaga ako tatantanan?!

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon