Chapter 4

1K 34 2
                                    

+++++

Askal

Umalis ako ng bahay at pumunta sa rooftop ng building ng SRJ Corporation para mag moment. Nakakapagod kahit wala ka namang ginagawa. Nakakalungkot kasi wala akong kasama. Bakit kasi iniwan ako ni Zenberg?

I shook my head. No. Kailangan ko na siyang kalimutan.

I wiped my tears. Tatlong buwan na pero ang hirap paring tanggapin. Oo, okay nga ako sa harapan ng mga kaibigan ko pero deep inside nangungulila ako sa kanya. I miss him. Gusto ko siyang makita at mayakap.

"Magpakita ka naman Zenberg oh!" sigaw ko sa kawalan.

"ZENBERG! MISS NA MISS NA KIT—"

"Tahimik!"

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko ng biglang may bumato sa'kin. Pagtingin ko ay karton ng sapatos. Shit. Ang sakit no'n ha.

"Problema mo?!" singhal ko.

"Ang ingay mo!"

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking ito. Oo, cute siya! Gwapo? Hindi ko alam! Basta cute siya.

"Sorry ha! Hindi ko alam na may aso pala ditong natutulog!" sabi ko dahilan para magsalubong ang kilay niya. Tumayo ito at lumapit sa'kin dahilan ng pag-atras ko. Damn. He is intimidating.

"Sinong aso?"

"Huh? S-syempre ikaw!"

Alangan naman sino? May nakikita pa ba siyang hindi ko nakikita? May third eye ba siya? Oh my god!

"Ano? Ako aso?"

Paulit-ulit? Alangan naman ako? Siya nga diba? Siya! Ba't ang hina nitong mag catch up? Ang hina ng signal niya ha!

"Oo! Mukha kang aso. Askal na aso!"

Natawa ako. Mukha siyang asong kalye kasi kung saan-saan siya natutulog. Tama ba namang gawing kwarto ang rooftop?

"Askal..." I muttered.

Nanlaki ang mata ko ng hapitin niya ang bewang ko. Napatili ako doon. Pakshit! Hindi ko inexpect 'yon ah!

"Ikaw naman Chow chow," bulong nito dahilan para magsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Ghad, ang lamig ng boses niya at ang lalim.

Itinulak ko siya palayo sa'kin pero ngumise ito. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Bakit ang cute niya kung ngumite? Nagmistulang parang may heart ang mata ko. Alam niyo namang mahilig ako sa mga cute diba?

Hindi ko napigilang kurutin ang pisnge niya.

"Ang cute!"

I giggled.

Sumimangot ito sa ginawa ko.

"Hoy, chow chow!" tawag nito sa'kin. Nanliit 'yong mata ko. Anong chow chow? Ano ako aso?

"Hindi ako aso!" singhal ko dito.

"Hindi rin ako aso!" balik sigaw niya.

Inambahan ko siya ng suntok. At napamura ako ng ambahan niya rin ako ng suntok. Akala ko sasapakin niya na'ko kaya naipikit ko ang mga mata ko. Pero nagulat ako ng tumawa ito.

Weird.

May saltik ba ang lalaking ito?

"Hindi ako nananakit ng babae," biglang sabi niya. Napataas iyong kilay ko.

"Lahat ng lalaki nananaki," I bitterly said. Hindi man physically pero emotionally. Mas masakit pa'yon kumpara sa sinaktan ka ng pisikalan.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon