Derrick's POV
May bagong tao sa bahay. Joyce ba yung name?? Katulad ni Joyce, naitulak din ako ni Ma'am Lexi sa pool noong unang araw ko dito. Mabait si Sir Charles, dating tambay ako pero tinulungan ako ni Sir Charles. Nagtatrabaho ako bilang hardenero, kapalit ay libreng pagkain at libreng tuition.Kawawa naman si Joyce. Magiging impiyerno talaga ang buhay niya kapag kasama niya si Ma'am Lexi.
Lexi: Hoy! Ikaw! Anong tinitingin mo? Naaawa ka ha? (sabay tulak) Nakita mo siya? Magsama kayo! Bagay kayong dalawa, mga hampaslupa!!
Derrick: Ang sakit niyo naman pong magsalita.
Lexi: Eh, di umalis ka dito. Para hindi mo marinig ang mga sasabihin ko!
Nilapitan ko si Joyce. Nanginginig siya sa ginaw.
Derrick: Manang Josie, ako na bahala sa kaniya. Pakikuha na lang po ng towalya.Manang Josie: (kumuha ng towalya)
Derrick: Okay ka lang ba?
Joyce: O....o..
Manang Josie: Heto na ang towalya.
Joyce: Salamat po.
Joyce's POV
Mabuti na lang may mabuting tao pa dito sa bahay. Tinulungan ako ng lalaki, he took me to my room.
Derrick: Ako nga pala si Derrick.
Joyce: A..ako.. si Joyce. Sa..sa.la.mat nga pala.
Nanginginig kong sabi.
Derrick: Magbihis ka na muna para hindi ka lamigin. Kung gusto mo ng makakausap, nandiyan lang ako sa kabilang kwarto.
Joyce: Sige!
Derrick: Ah.. siya nga pala.. Huwag na huwag kang papasok sa kwarto diyan sa tapat. Kwarto kasi yan ni Ma'am Lexi.
Pagkatapos kong magbihis, naglibot libot muna ako sa mansion. Ang laki laki talaga. Hindi ako makapaniwala na tatay ko ang may-ari ng mansion na ito. Nakita ko si Lexi nakaupo sa garden. Nilapitan ko siya, kakausapin ko sana kaso..
Lexi: (masama ang tingin)
Joyce: Hi!
Lexi: Anong ginagawa mo dito??
Joyce: Pwede ba kitang maging kaibigan?
Lexi: Yuck!! Ang feeling mo ha!
Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, at hinawakan niya yung mukha ko na parang nanggigigil. Parang gusto niya sirain yung mukha ko.
Joyce: Aray! Masakit!
Lexi: Don't you dare talk to me! Sa school, huwag na huwag mo akong lalapitan!!
Joyce: Pero, ako yung tutor mo?
Lexi: Tutor??
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa mukha ko.
Lexi: Tutor is for dumb people!
Joyce: Bitawan niyo na po ako. Nasasaktan na ako.
Lexi: Nasasaktan ka? Huh?
Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa mukha ko, aalis na sana ako ...
Lexi: (sinabunutan si Joyce) Hep Hep! Saan ka pupunta???
Hindi na ako pumalag kasi mas masasaktan lang ako. Hinihila niya yung buhok ko, ramdam kong unti unting nabubunot ang mga buhok ko sa pagkakasabunot ni Lexi.
Joyce: Sa kwarto po.
Lexi: Haha! Akala mo siguro magiging maganda na yung buhay mo noh? Napakswerte mo naman! Para ka lang nanalo sa lotto! But I can't let that happen! I'll make sure na paghihirapan mo ang paninirahan mo dito! Narinig mo? paghiHIRAPan!!
Binitawan niya na din yung buhok ko at umalis na siya. Hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit kaya ng ulo at pisngi ko. Nandito ako para makilala ang tatay ko hindi para saktan ng kapatid ko. Bakit pa ba ako nagtitiis dito? Pero may karapatan ako dito kasi anak ako.
Biglang dumating si Derrick...
Derrick: Ano na naman ang nangyari sayo? Yung buhok mo gulong gulo na.
Joyce: (inaayos ang sarili) Okay lang ako..
Derrick: Okay?? Eh, umiiyak ka oh!
Joyce: Okay lang ako talaga.
Derrick: Huwag ka na kasing makipagkaibigan.
Pero, kapatid ko siya. Gusto kong magkasundo kami.
Derrick: Maldita talaga yang Lexi na yan eh. Huwag mo na lang siyang lapitan. Sasaktan ka lang niyan eh.
Joyce: Hep! Huwag na huwag mo siya pagsasalitaan ng ganiyan ha!
Naging mabuting magkaibigan kami ni Derrick. Pero may isang bagay lang ako na napansin, ayaw niya ba kay Lexi o nagpapapansin lang siya kay Lexi???
BINABASA MO ANG
Magkapatid
FanfictionBuong buhay niya, naniwala si Lexi na only child lang siya. Pero paano kung dumating si Joyce, ang sinasabing kapatid daw niya. Papayag ba siyang makihati sa pagmamahal ng Daddy niya? Eh paano kung sa puso ng taong mahal niya ay kailangan niyang mak...