Lexi's POV
Naramdaman niyo na ba yung, malapit na magkaibigan na sana kayo. Pero nasira lang. I feel betrayed. Masarap maging kaibigan si Joyce kaso.... bakit ako naiinis sa kaniya??
Ayaw ko ng magpakabait. Kahit maging mabait ako, wala din namang pagbabago eh. Sabihin ko na lang, gaganti ako sa tahimik na paraan.
It's Saturday... Walang tao sa bahay. Mga katulong lang ang kasama ko. Then, nakita kong nagluluto si Joyce,nilapitan ko siya.
Lexi: Anong ginagawa mo??
Joyce: (smiling) Nagluluto. Gusto mong tikman??
Lexi: hmmm.. No thanks!
Hello???? Baka lasunin mo pa ako. Mahirap na.... Ayoko pang mamatay. Wait... Did I say lason?? Hmmm.. I have an idea...
Derrick's POV
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung ginawa ni Ma'am Lexi nung birthday niya. Napakasakit niya talagang magsalita. Itinanim ko pa naman yun, diniligan at pinataba. Pagkatapos babaliwalain niya lang pala.Kung mayaman lang sana ako.... Siguradong papansinin ako ni Ma'am Lexi.
It's Saturday. Walang pasok, obviously. Nasa garden lang ako nang makita ko si Ma'am Lexi. Parang may iniisip siya. Seryoso pagkatapos ngingiti siya. Nababaliw na ba siya?
Derrick: Ano pong nginingiti niyo po diyan?
Lexi: (nagulat) huh??? Paki mo???
Bigla yata syang sumungit ulit. Bakit kaya?? Akala ko pa naman magiging kaibigan ko na siya.
Lexi's POV
Kawawang Joyce. Walang kaalam alam sa mga gagawin ko.
Hapon ng Sabado...
Lexi: Joyce! Kanina pa kita hinahanap. Mabuti nakita kita.
Joyce: Huh? Bakit? Ano bang nangyari?
Lexi: Hmmm... Wala naman. Doon tayo sa dining room. Pinaghanda kita ng meryenda.
Joyce: Talaga???
Ikaw na nga ang pinaghanda , hindi ka pa rin naniniwala? Boba!!!! Stupida!!!
Lexi: Oo! Kaya bilisan na natin.
Pumunta kami ng dining room..
Joyce: (kumakain) Sarap ah.
Lexi: Syempre!
Joyce: Hindi ka ba kakain??
Lexi: Hindi.. Ubusin mo lang yan. Lahat yan para sayo. Ubusin mo ha!
Siguraduhin mong mauubos mo talaga yan.
Joyce: (kamot ng ilong) Nangangati yata ako.
Ayan na... Kawawa talaga siya.
Lexi: May gagawin pa ako ha! Alis muna ako.(umalis)
Huwag kang mag-alala Joyce. Mangangati ka lang naman, magkakarashes at papangit. Tingnan lang natin kung pansin ka pa ni Kris kung namumula na yang mukha dahil sa rashes.
Joyce: (Deep breathing) Teka! (lagay ng kamay sa chest) Ang hirap huminga. Tu....long....
Kris' POV
Pumunta ako sa bahay nina Joyce. Hindi ko kasi siya nabigyan ng regalo kahapon. Hindi naman kasi namin alam na birthday niya din pala, kaya ngayon ako babawi sa regalo ko.
Pinapasok lang ako ng guard.
Kris: Tao po.
Mukha yatang walang tao. Kaya pumasok na lang ako. Ang laki kasi nitong bahay. Ang hirap hanapin ng mga tao dito.
Joyce: Tu....long....
Si Joyce yun ah??? Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses niya. Nakita ko siya sa dining room na parang nahihirapang huminga. Nagulat ako nang tumingin siya sakin kasi parang nagiging kulay blue na siya. Kinabahan ako bigla.
Kris: Tulong!!!! May tao po ba dito??? Tulong po!!!
I palpated her wrist. Mahina na yung pulse rate niya. Walang sumagot sa tulong ko kaya binuhat ko na lang siya. I called for my driver na naghatid sakin dito. I took Joyce to the nearest hospital.
Nang makarating kami sa hospital, tinawagan ko na agad ang papa ni Lexi. Dali dali naman siyang pumunta. Tinawagan ko na din si Lexi, pati na rin si Derrick.
Sa Hospital...
Mr. Montemayor: What happened??
Kris: Allergy daw po. Tinatanong nga po pala ng doctor kung uminom daw po ng antibiotic si Joyce. Allergic po daw siya dun eh.
Kinakabahan ako habang nagkukwento.
Kris: Kanina po kasi...
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naaalala ko yung mukha ni Joyce. Halos di na siya makahinga, kung hindi ko siya naabutan.... Kung hindi ko siya naabutan....... Ano ba ang iniisip ko?? Ayokong mangyari yun. Stop it Kris!!
Kris: Bluish na po kasi siya kanina ng makita ko siya. Hindi ko po alam ang buong kwento.
Derrick: Bakit naman iinom ng antibiotic si Joyce kung alam niya ana allergic siya dun??
Pansin kong tahimik lang si Lexi.
Lexi's POV
Allergic siya sa antibiotic?? Ganun na ba ang epekto ng allergy ngayon? Nakakamatay na ba ang allergy ngayon?? Dati nagka-allergy ako, rashes lang naman yung effect.
Lumabas na ang doctor...
Doctor: You're Joyce's father?
The doctor's referring to my dad.
Lexi: Hi...
Mr. Montemayor: Yes. How is she???
Bakit naman sasabihin ni Daddy na siya ang father ni Joyce? Wala lang reaction sina Kris at Derrick. Halatang si Joyce lang ang inaalala nila.
Doctor: Nagka anaphylactic shock si Joyce. It's the most serious type of allergic reaction. May mga rashes siya, pagkatapos hindi siya makahinga that causes the bluish discoloration. Mabuti na lang at nadala siya sa hospital. Minsan kasi nagdo-drop yung blood pressure at kung hindi naagapan it can lead to death.
Death??? Mas lalong gumuloang isip ko. So what kung ganun ang nangyari sa kaniya? Pero.... Muntik na siyang.... Pero yun naman ang gusto ko diba? Gusto ko mawala na siya. Pero... Pero bakit nakokonsensya ako? Bakit binabagabag ako? Bakit nalulungkot ako?? Minsan kaming naging kaibigan, yun siguro yun?!
Kris: Po????
Tanong ni Kris, na halatang nag-aalala at kinakabahan. Pagkatapos tumingn siya sakin. Tiningnan niya ako ng masama. Hindi kaya..... Hindi kaya... Alam niya na ako ang nagpa-inom kay Joyce ng antibiotic??
Doctor: Don't you worry guys. She's okay . Kaso...
Kris: Kaso ano ho???
Derrick: Pare chill lang.... Huwag masyado mag-alala.
Doctor: Wala kayong dapat ipag-alala. She's under oxygen therapy. Yun yung sasabihin ko. Hindi pa siya nagigising, maghintay lang kayo.
Kris' POV
Thank you Lord at walang nangyaring masama kay Joyce. I know, masama na nga yung nangyari pero okay na rin naman siya diba? Habang naaalala ko ang nangyari, kinakabahan ako. Ngayon ko lang nalaman, hindi ko kayang mawala si Joyce. Paano na lang ako kapag wala na siya?? Pero hindi ko ring maiwasan na pagdudahan si Lexi. Siya nga kaya ang may gawa nito? Pag nagkataon, hinding hindi ko siya mapapatawad.
BINABASA MO ANG
Magkapatid
FanfictionBuong buhay niya, naniwala si Lexi na only child lang siya. Pero paano kung dumating si Joyce, ang sinasabing kapatid daw niya. Papayag ba siyang makihati sa pagmamahal ng Daddy niya? Eh paano kung sa puso ng taong mahal niya ay kailangan niyang mak...