Chapter 13

1K 18 2
                                    

Lexi's POV

Umuwi muna ako ng bahay. Naabutan ko si Daddy na nag-iimpake ng mga gamit ni Joyce.

Mr. Montemayor: Oh? Bakit ka nandito? Hindi mo binabantayan si Joyce?

Bigla kong naalala yung sinabi ni Daddy sa doctor. Sabi niya na siya ang tatay ni Joyce.

Lexi: Dad???

Mr. Montemayor:  Bakit???

Lexi: Bakit niyo po sinabi na kayo ang tatay ni Joyce?

Biglang natigilan si Daddy. Totoo kaya yun??? Kaya ba naging malambot na ako kay Joyce kasi totoong magkapatid talaga kami? Lukso ng dugo ba yun??

Lexi: Dad?? Sorry. 

Napa-iyak ako. Nakokosensya kasi ako sa ginawa ko. At ngayong kinutuban ako na magkapatid kami, mas lalo akong nakonsensya.

Lexi: Dad... I want to tell you something.

Mr. Montemayor: Bakit ka umiiyak??

Lexi: Dad! Ako po yung naglagay ng antibiotic sa pagkain ni Joyce. Sorry po.

Mr. Montemayor: Bakit mo yung ginawa? 

Natakot akong magsalita kaya tahimik lang ako.

Mr. Montemayor: Magsalita ka?? Bakit???

Lexi: Kasi po naiinggit ako sa kaniya. Mas binibigyan niyo siya ng atensyon at kaagaw ko po siya kay Kris. Dad, I'm sorry.

Mr. Montemayor: My God!! Lexi!! How could you do this to your sister??

Lexi: Sister??

Mr. Montemayor: yes, Lexi! Muntik mo ng mapatay ang kapatid mo!! At anong ika-iinggit mo? Buong buhay mo kasama mo ako? Siya?? Itinago ko ng matagal, hindi niya man lang nakuha kahit apelyido ko. You're so selfish. Nung birthday mo, birthday niya din. Hindi ko siya nabati pero okay lang sa kaniya. Hindi siya nagreklamo. Hindi ko alam kung anong mali sa pagpapalaki ko sayo. I'm so disappointed!!!

Mas lalo akong nakonsensya sa mga sinabi ni Daddy. Nasasaktan ako sa katotohanan na kasalanan ko ang lahat. Ako ang mali!!! Tagos sa puso ang sakit!! Grabe!!!

Lexi: Alam ko po. Sorry po.

Mr. Montemayor: Huwag kang mag sorry sakin. Mag sorry ka sa kapatid mo.

Umalis si Daddy na galit sakin. Paano ba ako makakabawi niyan? Does it mean magiging mabait na ako?

Kris' POV

Hindi ako pinatahimik ng konsensya ko. Gusto kong puntahan si Joyce sa hospital pero pati si Derrick galit sakin. Hindi ko alam kung paano ako ulit mag-uumpisa. Basta ang alam ko lang gusto magsimula ulit kasama si Joyce. If only she will give me a chance. Ngayong araw na pala lalabas ng hospital si Joyce. Puntahan ko ba siya? O hindi??

Sa hospital...

Mr. Montemayor's POV

Mahirap at masakit isipin na ang mga anak ko ay nagtatalo dahil lang sa atensyon. Hindi naman ako nagkulang kay Lexi, pero bakit ganun yung iniisip niya?  Pero medyo kampante na ako kasi hindi nagsinungaling si Lexi.

Ngayong araw na pala lalabas si Joyce sa hospital. Si Derrick ang nagbantay sa kaniya. Sinabi ko na kay Lexi ang totoo kaya sinabi ko na rin sa lahat ang katotohanan na si Joyce ay anak ko. Nung una nagulat sila. Hindi daw kasi kami magkahawig. Pero nang kalaunan natanggap na rin nila.

Mr. Montemayor: Derrick, salamat nga pala sa pagbantay mo kay Joyce ha.

Derrick: Wala po yun. Wala naman po akong magawa eh. Pagkatapos, kaibigan ko naman po siya kaya wala pong problema kahit bantayan ko pa siya buong taon. 

Mr. Montemayor: Palabiro ka talagang bata ka.

Joyce: Tay??

Mr. Montemayor:  Hmmm?

Joyce: Kailangan po bang tumira ako sa bahay niyo??

Mr. Montemayor: Bakit??

Joyce: Ayaw ko muna po kasing makita si Lexi. Kung pahihintulutan niyo lang po. Okay lang naman po kung hindi.

Mr. Montemayor: (nod) Sige. Pansamantala lang ha. 

I decided na paghiwalayin muna sina Lexi at Joyce. Ibinili ko si Joyce ng bagong bahay. Doon muna siya hanggang sa maging okay na ang lahat. Ipinasama ko na rin si Derrick para magbantay sa kaniya. Nag-assign na rin ako ng maid at driver para sa kaniya. Nung una tumanggi siya, malapit naman daw kasi ang school nila kaya niya naman daw maglakad. But I insisted. Hindi ko na kayang pabayaan ang anak ko.

Derrick's POV

Nakakaawa talaga si Joyce. Siya na nga ang nawalay sa tatay niya ng mahabang panahon, siya na nga 'yong nasaktan at walang kasalanan pero siya pa rin yung umiiwas. Hindi ba dapat si Lexi ang umiiwas? Kasi dapat siyang parusahan sa ginawa niya kay Joyce at sa ginawa niya sa puso ko. Dinurog niya ng pinong pino, ang sakit sakit. Para niya na rin akong tinadtad ng dahan dahan.

Pagkalabas ni Joyce ng hospital, dumiretso kami agad sa bahay na lilipatan ni Joyce. Marami kasing bahay si Sir Charles. Pinili ni Joyce yung malapit sa school namin para hindi masyadong magastos.

 Joyce: Derrick, may mga nakalimutan  akong gamit sa mansion. 

Derrick: Gusto mo ipadala natin dito?

Joyce: Hindi na. Ako na lang ang kukuha.

Derrick: Sigurado ka??

Joyce: Oo naman. 

Sa Bahay ng mga Montemayor....

Joyce's POV

Sana hindi lang kami magkita ni Lexi... Please??? Yan ang panalangin ko. Pero hindi nagkatotoo eh. Pagpasok ko ng mansion si Lexi agad ang sumalubong sakin. Nilapitan niya ako ng dahan dahan. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko. 

Lexi: Joyce?? Okay ka na ba?? Yaya, pakikuha si Joyce ng juice please.

Joyce: (masakit na tingin kay Lexi) Bakit?? Hinihiling mo ba na mamatay na lang ako??

Yaya: (may dalang juice) ito na po.

Kinuha ko yung juice, inilapit ko sa labi na para bang iinumin pagkatapos bigla kong ibinuhos sa mukha ni Lexi. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Basta isa lang ang alam ko, gusto kong gumanti. Nanggigigil ako sa galit! Gusto ko na siyang sabunutan, nang bigla niyang sinabing....

Lexi: Okay lang. Yaya, ikuha mo ulit siya ng juice.

Yaya: Po????

Kainis ka!! Umalis na ako bago ko pa siya masaktan. Kinuha ko na yung mga gamit ko at umuwi na sa bagong bahay namin.

Lexi's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Joyce. Sasalubungin ko sana siya, hihingi ng tawad pero binuhusan niya lang ako ng juice. Hindi na ba niya ako mapapatawad? Matagal ko ng hinihintay na magkaroon ng kapati pero ngayon na dumating na siya.... Muntik ko pa siyang mapatay? Ang sakit!!! Ang sakit isipin na ang taong pinagseselosan ko ay kapatid ko pala. My very own SISTER....

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon