Chapter 33

832 19 4
                                    

Kris' POV

Nakapasok din ako sa bahay nina Joyce. Akyat bahay gang lang ang trip ko. Bahala na talaga! Kasuhan na nila ako ng trespassing pero kailangan kong matiyak na nasa mabuting kondisyon sina Joyce. Nagmamasid muna ako baka may makahuli sakin. Sumilip ako sa loob. Nakita kong nakagapos si Lexi at Joyce, sila pala yung sumisigaw kanina. 

Lexi: Kung sino man diyan, Tulungan niyo kami!!!

Joyce: Tulong!! Tulong!!

Tracy: Kawawa naman kayo. Kasalanan kasi ng Daddy niyo eh. Bakit ba kasi ang laki ng bahay niyo? Hindi kayo tuloy marinig sa labas.

Nagulat ako ng makita ko si Attorney na kasama ni Tita Tracy. Anong ginagawa niya? Kapag minamalas ka nga naman oh! Hindi ko alam ang gagawin ko. Papasok ba ako? Pero hindi dapat pa dalos dalos. Bigla na lang may humawak sa balikat ko.

Kris: (nagulat) Derrick?? Bakit ka nandito?

Derrick: Shhhh....

Kris: (pabulong) di ba nasa ospital ka? 

Napatingin ako sa braso ni Derrick, dumudugo yung sugat niya.

Kris: Pare, (turo sa braso ni Derrick)

Derrick: Wala yan. Galos lang yan. Kailangan natin silang iligtas.

Kris: Dapat nasa ospital ka pa.

Derrick: Kaya ko na eh.

Kris: Pero...

Derrick: Huwag ka nang makulit. So, anong plano mo?

Kris: Tumawag ng police??

Derrick: Wala akong phone eh. Kinuha ni Attorney.

Kris: Sige, ako na lang ang tatawag.

Agad naman akong tumawag sa mga police.

Joyce's POV

Mas lalo pang gumugulo ang sitwasyon. Nang may nagdoorbell akala ko, maliligtas na kami. Pero hindi pa pala.  Kainis! Hindi man lang kami makapalag.

Tracy: Ano? Na permahan na ba?

Mr. Cruz: Hindi pa eh. Nagmamatigas pa sila eh.

Tracy: Ganun ba??

Biglang kinaladkad ni Tita Tracy palayo si Lexi. Pinaglayo niya kami, pagkatapos tinutok niya ang baril kay Lexi.

Tracy: Ayaw niyo sa paki-usap namin? Pwes, magkamatayan na tayo dito!

Joyce: Huwag!!! Maawa kayo!! AKo na lang.

Tracy: Ah.. ganun? Gusto mo ikaw? Nagpapaka hero ka? Ganun?

Nagtinginan lang kami ni Lexi. Lumapit sakin si Tita Tracy, pagkatapos tinutok ang baril sakin.

Tracy: Gusto mo talagang maging hero??  Ikaw Lexi, pumirma ka na! Kung ayaw mong mamatay ang kapatid mo.

Lexi: Bakit ko naman gagawin yun?? Ayaw ko siyang mabuhay. Inagaw niya sakin ang lahat. Ang daddy ko, si Kris, pati ang atensyon ng mga taong mahal ko.

Joyce: Lex??? Anong sinasabi mo? Hindi totoo yan.

Tracy: Dito pa ba kayo magda drama??

Lexi: Sige. Patayin niyo siya! Wala akong paki-alam. Magpapasalamat pa nga ako eh. 

Tracy: Ano ba? 

Mas lalong idiniin ni Tita Tracy ang baril sa ulo ko.

Lexi: Sabi na ayaw ko eh. Umaarte lang ako na gusto ko siya. Pero ang totoo niyan, galit na galit ako sa kaniya! Send her to hell! I don't care kahit mamatay pa siya. Just shoot!!

Hindi ko alam ang pinagsasasabi ni Lexi. Pero nasasaktan ako. Totoo ba yun? Pinapaniwala niya lang ba ako? Sa dami ng pinagsamahan namin? 

Joyce: (napaiyak) Walang hiya ka! 

Lexi: Ikaw naman kasi eh. Napaka-uto uto mo. Ang dali mong lokohin. Paniwalang paniwala ka naman? Sa tingin mo ba, itinuring kita na kapatid? NO!!! 

BANG!!!!!!

Derrick's POV

 Narinig ko ang lahat ng sinabi ni Lexi. Nasaktan ako. At kitang kita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Kris. Hinding hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Sa tuwing kasama ko siya, nakikita ko naman yung sincerity niya na magbago. I can feel na nagpupursige talaga siya na maging mabait. Totoo ba yun? O umaarte lang siya? 

Kris: Pare, hindi na ako makapaghintay sa mga pulis. Si Joyce na ang napapahamak dito.

Papasok na sana si Kris, nang biglang nagpaputok si Tita  Tracy.

Tracy: Ano ba?? Sabi ng permahan niyo na eh. Kahit hindi niyo gusto ang isa't isa, wala na akong paki-alam.

Joyce: Iputok mo na! 

Nagulat na lang ako nang....

Kris: Huwag!!!!

Hindi na nakapagtiis si Kris. Napatingin sa kaniya ang lahat.

Derrick: Anong ginagawa mo?

Kris: (pumasok sa loob ng bahay) Huwag!!! 

Joyce/Lexi: Kris??!!

Tracy: Ooooh... Isa na namang bayani? Bilib din naman ako sa tapang niyo ah.

Kris: Sumuko ka na!

Pati tuloy si Kris, nadamay. 

Joyce: Umalis ka na dito.

Mabuti na lang at....

Policeman 1: Itaas niyo mga kamay niyo!

Mr. Cruz: ANong?? Paano??

Kris: Sumuko na kayo. 

Tracy: Hindi pwede! Hindi ako makukulong! (sabay tutok ng baril kay Joyce) Kung makukulong ako, mamatay muna siya! 

Policeman 2: Ibaba mo yang baril mo. Mapipilitan kaming barilin ka.

Tracy: Patayin niyo ako, at siguradong isasama ko sa impierno ang babaeng 'to!!

BANG!!!!!!! (gunshot)

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon