Joyce's POV
Pansin kong iniiwasan kami ni Lexi. Dahil ba kay Kris? Kung dahil kay Kris, handa akong magpa-ubaya. Mas mahalaga ang kapatid ko. Kakabati lang nga naming magkapatid pagkatapos iiwasan pa niya ako? Akala ko nga okay na kay lexi ang lahat. Kasi okay naman kaming apat nung last few days ng pagiging 3rd year namin. Pero bakit umabot sa iwasan?? Hai....
2nd day of class...
Joyce: Hoy!!! (ginulat sina Lexi at Derrick)
Derrick: Aa...
Joyce: hep!!! Walang aalis. Iiwasan niyo na naman ako eh.
Lexi: Kasi... may gagawin pa kami ni Derrick eh.
Joyce: Ano na naman yang gagawin niyo? Tatakbuhan ako?
Derrick: Si Joyce talaga oh. Mapagbiro. Oh, sige na, mauna na kami. Kakain muna kami.
At ganun lang. Iniwan na naman nila ako. Hindi ko naman kasama si Kris ah.
Joyce: Grabe! Hindi man lang ako niyaya na sumama sa kanila?
Kris: Hoy!
Speaking of Kris, hindi talaga siya nagpahuli.
Kris: Ba't ka nakasimangot diyan? At bakit kinakausap mo sarili mo?
Joyce: Ikaw kasi eh. Pwede bang layuan mo na ako?
Kris: Bakit? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Akala ko ba okay na tayo? Bakit....
Joyce: Alam mong may gusto si Lexi sayo. Ayaw kong palagi niya akong iniiwasan kaya pwede bang lumayo ka muna?
Kris: Pero hindi ko kayang iwasan ka.
Joyce: basta.
Kris: (umalis)
hai.... Ayoko namang iwasan si Kris. Ano ba kasi ang dapat kong gawin? Can somebody tell me what to do??
Kris' POV
Ayoko! Ayokong iwasan si Joyce. Okay na kami ni Lexi ah. Sabi niya nga dati na tutulungan niya ako kay Joyce. Eh, bakit ganito yung nangyayari??
i looked for Lexi. Magkasama na naman sila ni Derrick. Nang makita nila ako, halatang aalis sana sila, pero pinigilan ko sila.
Kris: Lex! Can we talk??
Derrick: Pare, may pupunta...
Kris: (serysong tingin kay lexi) Lex, can we talk???
Lexi: (sigh) okay.
Derrick: Alis na ako, maghihintay na lang ako sa classroom.
Umalis na si Derrick at naiwan kami ni Lexi.
Kris: Is everything alright??
Lexi: Huh? What do you mean?
Kris: Kinausap ako ni Joyce.
Lexi: Lagi naman kayong nag-uusap eh.
Kris: Gusto niyang layuan ko siya. Para SAYO. Pero Lex, alam mong hindi ko kayang malayo sa kanya.
Lexi: (napatingin kay Kris) Bakit? Anong para sakin?
Kris: Iniiwasan mo kasi siya. Dahil ba yun sakin??
Lexi: Kris, I'm trying my best para makalimutan ka. Kaya lumalayo ako. Pero huwag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Ayoko namang maging sagabal sa inyo. I'll do it for you and for myself also. Tama naman kayo eh, paano ako makakapagmove on kung puro iwas lang yung nalalaman ko?
Kris: I know you're a good friend and a good sister. I'm hoping for your help. Thank you.
Lexi's POV
I'll do what I think is right. And that is to move on. Kris is right. I should not avoid them, I should face the truth instead. And be happy for both Joyce and Kris.
Kinagabihan sa bahay ng mga Montemayor...
Lexi: Joyce.
Joyce: Oh??
Lexi: Anong expression ba yan. Bakit parang gulat na gulat ka?
Joyce: (smile) kasi lately parang iniiwasan mo ako eh. Kaya medyo nagulat ako nang pinansin mo ako.
Lexi: Sus! Sorry for that. Uhmmm.. Kris talked to me.
Joyce: Huh??
Lexi: Sabi ko kinausap ako ni Kris. Huwag mo na siyang layuan o iwasan.
Joyce: Lex, kung gusto mo siya handa akong magpaubaya.
Lexi: Yun na nga eh. Ikaw na lang lagi ang nagpapaubaya. Hayaan mo na ako naman ngayon. Kahit na mahal ko siya, eh ikaw naman yung mahal niya diba??
Joyce: (smile) eh, bakit niyo kami iniiwasan? Dinamay mo pa talaga si Derrick ha. Baka naman, dumidiskarte na si Pareng Derrick sayo?
Lexi: (blushed) Huh? Dumidiskarte? Loka! Pwede bang makitulog dito?
Joyce: Oo naman.
Lexi: Tulog na tayo.
The Next Day...
Derrick's POV
We were on our way sa school. Ramdam ko na wala nang iwasang magaganap.Pagdating namin sa school....
Kris: Good Morning!
Lexi: Grabe! Nakabantay ka talaga ha.
Joyce: Good Morning din!
Derrick: Anong nangyayari dito??
Lexi: Wala! Halika na! (hinawakan ang braso ni Derrick at hinila)
Nakatingin lang ako sa braso ko. Kung ano man yung nangyari, mukhang maganda ang kalalabasan.
Lexi: Ay!! May nakalimutan ako sa kotse. Kukunin ko muna.
Derrick: Sige! Samahan na kita.
Joyce: Mauna na kami ha.
Kris: Sumunod kayo!!
Nabigla ako nang bigla akong binangga ni Lexi. Pagkatapos tumawa siya. Naku! Makulit kang bata ka ha! Binangga ko rin siya, medyo malakas ata kaya medyo tumilapon siya. Nasa parking lot ng school na kami, binangga ko ulit siya. Bumwelo pa siya at binangga ako.
CRASH!!!!!
Ramdam ko ang malakas na pagtapon ng katawan ko. Hindi ko namalayan na may dumaan pala na kotse.
Student: Oy! May na aksidente dun oh!!
Narinig kong sinabi ng isang estudyante. Bakit hindi ako makagalaw?
Lexi: Rick? RIck?? (umiiyak) Sorry na. Gumising ka please?? Hoy!!!
Then everything turned BLACK!!
BINABASA MO ANG
Magkapatid
FanfictionBuong buhay niya, naniwala si Lexi na only child lang siya. Pero paano kung dumating si Joyce, ang sinasabing kapatid daw niya. Papayag ba siyang makihati sa pagmamahal ng Daddy niya? Eh paano kung sa puso ng taong mahal niya ay kailangan niyang mak...