Chapter 6

1K 20 1
                                    

Derrick's POV

Nagpupumilit si Kris na sumama sa akin sa bahay nang madatnan namin na pinagtatadyakan ng grupo ni Lexi si Joyce. Nagulat talaga ako sa nakita ko. Alam kong medyo masungit at suplada si Ma'am Lexi pero hindi ko ine-expect na magagawa niyang saktan si Joyce. Dinala muna ni Kris si Joyce sa loob ng bahay. Ako naman kakausapin si Ma'am Lexi.

Derrick: Ipaliwanag mo nga ang nangyari.

Lexi: Bakit naman ako magpapaliwanag sayo? Ano ka ba dito?

Derrick: Alam kong suplada at masungit ka minsan. Pero bakit mo nagawa na saktan si Joyce?

Lexi: Sige!!! Magkampihan kayong lahat! Bahala kayo! 

Halatang takot siya sa interrogation ko. Hindi kasi siya makatingin habang kinakausap ko siya.

Derrick: Ano ba? Tumingin ka nga sakin.

Pero nagmamatigas pa din siya. Hindi pa din siya makatingin, taas noo pa siya.

Derrick: Titingin ka ba o hindi??

Pero hindi pa din siya makatingin.

Derrick: Kapag hindi ka tumingin ng diretso sa akin, hahalikan kita. Hahalikan talaga kita!! Pagbilang ko ng tatlo dapat nakatingin ka na.

Dahan dahan akong bumilang ..

Derrick: Isa..

Pero walang effect pa rin.

Derrick: dalawa...

Wala pa rin. Matigas talaga siya. Medyo inilapit ko na yung mukha ko sa mukha niya.

Derrick: Tatlo.

Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya nang bigla siyang tumingin. Ang lapit lapit ng mga mukha namin, halos maghalikan na kami. Oh Mare!! Kinakabahan ako? Bumibilis tibok ng puso ko!! Nagtitigan lang kami. Para bang huminto ang oras at parang kami lang dalawa ang tao dito.

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon