Chapter 20

1K 21 2
                                    

Lexi: Ah... Kulang pala yung juice. Kukuha ulit ako. (umalis)

Derrick: Samahan na kita. (sinundan si Lexi)

Lexi's POV

Hindi ko pa rin pala kaya. Sinabi kong kukuha ako ng juice, pero ang totoo ayaw ko silang makita na magkasama. Lex, don't be selfish. 

Sa Kusina...

Lexi: (huminga nang malalim)

Derrick: May problema?

Lexi: Huh? Ah... Wala naman.

Derrick: Meron kaya. Huwag mo ng itago. 

Derrick's POV

Kaya kong maghintay hanggang sa matutunan akong mahalin ni Lexi. I'll save her from pain. Kaya kong maging tagapagligtas niya. Kung ako sana ay kaya niya ring bigyan ng pag-asa. Kung pwede ko lang sanang sabihin na.. "Ako na lang. Pwede ako na lang ang mahalin mo?" Kung matuturuan lang sana ang puso.

Lexi: Ano yung ginawa mo kanina? Bakit may pahawak hawak ka pa ng kamay?

Derrick: Huh? ah... Eh... alam ko kasing nahihirapan ka eh. Kaya tinulungan lang kita.

Lexi: Ah... tulong pala yun. Salamat.

Derrick: (smile) 

Pabalik na kami sa garden, napahinto na naman siya nang makita niya sina Joyce at Kris. Then I gave her a pat on her shoulder. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako. Then she gave me a smile, para bang ina-assure niya na okay lang siya. 

Lexi: (cheerful tone) Nandito na kami!!

 Si Lexi talaga oh! Magaling umarte. Kaya nagustuhan ko siya eh, kasi fighter siya. 

Joyce: Sobra naman yata ang energy mo Lex!

Ito yung unang beses na nagkasundo kaming apat. This time, alam ko na magiging mabuting magkakaibigan kami. Wala nang lokohan, sakitan at kasinungalingan. Ang alam ko lang puro sayahan. 

Okay na ang lahat. It's a start of something new. As in new talaga. Naging solid buddies kaming apat. Alam naming may nagkakagustuhan, pero hindi muna namin pinapairal ang pag-ibig. Friendship muna. Pero ako, wala pa namang change sa status. UMAASA pa rin sa WALA. Wala nga ba??

It was Saturday afternoon ng makita kong mag-isa si Lexi. Naka-upo lang siya sa tabi ng pool, nakatitig sa tubig.

Derrick: Pwedeng tumabi??

Lexi: Ah... Oo naman.  Why not?

Derrick: Kamusta ka na?

Lexi: Huh? Bakit mo natanong, araw araw naman tayong nagkikita.

Derrick: I mean kamusta na ba yung puso mo? Okay na ba siya?

Lexi: (smiled) Loko ka talaga. (sabay tulak kay Derrick)

Derrick: Ano ka ba? Kapag ako nahulog, isasama kita. Hihilahin din kita!

Lexi: Haha! Ikaw kasi eh.

Derrick: Yan! Dapat sayo tumatawa. Lalo kang gumaganda.

Lexi: (napayuko na parang nahihiya)

Derrick: Alam mo, dati may  isang batang lalaki. Laking mahirap. Ang nanay niya, isang kasambahay lamang at ang tatay niya, isang dakilang lasinggero. Araw araw kapag umuuwi ang tatay niya, lagi itong lasing at sinasaktan ang nanay niya. Isang araw, habang binubugbog ng tatay niya yung tatay niya, hindi niya napigilan ang sarili niya. Inawat niya yung tatay niya. Pero iginapos niya ito. At alam mo yung nangyari?

Lexi: Hindi. Ano bang nangyari?

Derrick: Nakita lang nung batang lalaki kung paano pinatay yung nanay niya. 

Lexi: huh??? (nagulat)

Derrick: Oo, dahil sa sama ang loob ng bata, tumakas siya sa bahay nila. Umalis at nagpakalayo layo. Tumira siya sa lansangan, kumain ng basura at naging palaboy. 

Lexi: Tapos? Anong nangyari sa bata?

Derrick: Doon ako nakita ng daddy mo.

Lexi's POV

What?? Ano daw? Hindi ko maintindihan. 

Lexi; Bakit mo sinasabi sakin 'to??

Derrick: Upang sabihin sayo na huwag ka mawalan ng pag-asa. Hindi ka man mahalin ng taong mahal mo, atleast minahal mo siya. At umasa ka na may liwanag na dadating sayo. Hindi man niya masuklian ang pagmamahal mo, may tao pa rin naman na magiging tapat at laging magmamahal sayo. Katulad ko, hindi man ako minahal ng sarili kong ama. Pero minahal ako ng daddy niyo, tinanggap na parang tunay na anak. Sana naman, tumingin ka sa paligid mo. Malay mo, nandiyan lang ang taong tunay na nagmamahal sayo.

 Ibang klase din pala tong buhay ni Derrick eh. Pwedeng pang pelikula eh. Tama naman siya. Napakaswerte ko pa rin nga, kasi nagkaroon ako ng magandang buhay. Pareho nga kaming namatayan ng nanay, pero mas masklap ang nangyari sa kaniya. I wish I could comfort him also. He's always there for me. 

Tama si Derrick. I shouldn't close my heart. Hindi dapat puro si Kris na lang. I should have thought of myself, of others. Dapat maging mabuting anak, kapatid at kaibigan na ako ngayon. I never realized that Derrick would be my mind opener. I never thought he suffered that much.

Lexi: Thank you.

Derrick: Kung kailangan mo ng advice, kausap, kaibigan.. Just call my name. And I'll be there!!

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon