Chapter 32

792 22 5
                                    

Kris' POV

Derrick called me. May gusto daw na pumatay sa kanila? Paano naman mangyayari yun? Sino naman kaya ang may plano nito? Mabilis akong pumunta sa mansion ng mga Montemayor. Ngayon na nasa hospital si Derrick, walang magtatanggol  kay Lexi at Joyce. Ako na lang ang maaasahan nila. For sure, pakana ito ng madrasta nila. 

Joyce's POV

Pagdating namin sa bahay, as usual walang tao, madilim. Kung si Tita Tracy man ang may pakana ng lahat ng ito, kailangan talagang mag-ingat kami.

Joyce: Shhhhh..

Lexi: (nod)

Dahan dahan kami na pumasok ng bahay pero....

Tracy: Bakit ngayon lang kayo? Hindi niyo ba alam na gabi na? At hindi niyo rin ba alam na hindi magugustuhan ng daddy niyo ang ginagawa niyo?

Nanginginig sa galit si Lexi. 

Joyce: Tita, sabihin niyo nga ang totoo. Kayo po ba ang gustong pumatay samin?

Lexi: Tinatanong pa ba yan?? Sino pa kaya ang gustong mamatay tayo? Di ba siya lang?

Tracy: (clapped hands) Bravo! Bravo! Sa tingin niyo gusto ko kayong patayin? (sabay tutok ng baril sa dalawa)

Kinabahan kami. Hinawakan ni Lexi ang kamay ko. Pareho kaming takot na dalawa.

Tracy: Oh? Bakit natahimik kayo??

Lexi: Loka loka!

Tracy: Ilang beses mo na yan sinasabi eh. Narinig ko na yan. Kaya pwede ba, huwag kang sirang plaka? 

Joyce: Tita! Ibaba mo yang baril mo.

Tracy: Ano ba kayo? Sa tingin niyo ba papatayin ko kayo? Eh, hindi niyo pa napipirmahan 'to oh. (waving Charle's last will and testament)

Teka?? Paano napunta sa kaniya yan? Hindi pwede... Hindi maaari 'to. Nasa kay.....

Tracy: Have you met Mr Cruz??

Lexi/Joyce: (naguguluhan)

Mr. Cruz: Bakit ganiyan ang reaction niyo??

Joyce: Ano pong ibig sabihin nito?

Tracy: Bobo ba kayo?

Mr. Cruz: I'm sorry mga hija.

Lexi: How could you! My dad trusted you!! And we did too! Paano mo 'to nagawa? Taksil ka!!!

Mr. Cruz: My dear Lexi, sorry ha. Nauto ko kayo.

Tracy: Ano pa ang hinihintay niyo??  Magsimula na tayo.

Joyce: Anong sisimulan?

Mr. Cruz: Maupo kayo. Pag-uusapan natin ang gagawin sa kayamanan ng daddy niyo.

Nababaliw na ba sila? Napaiyak na lang si Lexi. Akala namin may tutulong na samin. How could they talk about the testament? Kakamatay lang ng daddy namin. Parang maiiyak na din ako, pero hindi pwede. Dapat maging matatag kami.

Tracy: Simple lang naman ang condition ko eh. Ito  lang yun oh, permahan niyo 'to. (may dalang papeles) 

May dalang dalawang envelope si Tita Tracy. Yung isa, yun yung last will and testament ni Tatay. Pagkatapos yung isa, pinapapermahan niya.

Tracy: Pepermahan niyo lang naman diba? Para malipat sakin yung pamana ng daddy niyo sakin. 

Joyce: Bakit naman gagawin namin yun?

Lexi: Hinding hindi namin gagawin yun.

Mr. Cruz: Mga hija, kung ayaw niyong masaktan pepermahan niyo yan.

Joyce: Ayaw nga namin diba? Bingi ka ba?

Naisip ko lang, kung nandito si Mr. Cruz, sino ang nagbabantay kay Derrick?? Naku!! Nagkakagulo na sa loob nang biglang may nag doorbell. 

Tracy: Sino pa yang bwisit na yan?

Lumabas si Tita Tracy. Sana kakampi yan.

Tracy: Attorney! Itali mo sila ng hindi sila makaalis! 

Kris' POV

Dumating ako sa mansion ng mga Montemayor. Pero parang walang tao eh. Nanghihinayang ako na mag doorbell. Pero kailangan ako nina Lexi at Joyce.

DING DONG...

Lumabas si Tita Tracy. Kinausap ko siya ng maayos kahit na alam ko na magsisinungaling lang siya.

Kris: Magandang Hapon po!

Tracy: Good afternoon din! Anong ginagawa mo dito Hijo?

Kris: Po? Si Joyce po ba nandiyan??

Halatang magsisinungaling siya. Panay kasi isip niya eh.

Kris: Si Joyce po??? Nandiyan po ba siya??

Tracy: Ah kasi... Wala pa siya eh.

Kris: Sigurado po ba kayo? Nagtext po kasi siya sakin na hinihintay niya ako. May gagawin kaming homework. 

May narinig akong maliliit na boses sa loob. Pero sa tingin ko sigaw na yun eh. Sa laki ng bahay ni Lexi at Joyce, kahit sumigaw sila hindi sila maririnig.

Tracy: Bumalik ka na lang bukas. 

Wala akong magagawa kung ayaw niya akong papasukin. 

Kris: Sige po. Salamat.

Pero hindi ako papayag. Bahala siya, basta papasok ako.

Derrick's POV

Bakit kaya hindi pa bumabalik si Mr. Cruz? Hiniram niya kanina ang phone ko kaya hindi ako makatawag o makatext man lang. Ano na kaya ang nangyari? Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik si Attorney. Sabi niya bibili lang daw siya ng pagkain. Naiinip na ako dito. Bahala na! Ayokong manatili dito!!

Derrick: (tumayo, nagbihis at lumabas ng hospital)

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon