Kris' POV
Masaya na ako na biningyan ako ng chance ni Joyce. This time, hindi ko na siya sasaktan. I will make sure na hindi na siya iiyak this time.
After New Year, balik klase na naman kami. Naglalakad ako sa may lobby nang makita ko sina Derrick at Joyce. Napangiti lang ako.
Kris: (smile)
Joyce: (tingin kay Kris, nagsmile at yumuko)
Natawa lang ako sa ginawa ko. Kinikilig ba ako???
Derrick: Ano yung smile?? Okay na ba kayo??
Joyce: Hindi ko alam.
Derrick: Eh, ano yun??
Joyce: Ewan ko??
Derrick: Kayo ba ni Lexi, may chance ba na magka-ayos?
Joyce: Dadating din tayo diyan. Pero huwag muna ngayon.
Derrick: Bait mo talaga! Sabi mo yan ha.
Joyce: Oo na. Alam ko namang, hindi mo matitiis ang bruha kong kapatid eh.
Derrick: Kung makapagsalita naman....
Joyce: Bakit kasi di mo ligawan??
Derrick: Hello?? Langit siya, lupa ako??
Joyce: Hmmm... Sige. Bahala ka.
Joyce's POV
Isang buwan na ang nakalipas. Marami na ang nagdaan at nangyari. Handa na ba akong magpatawad? Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob. Turo sakin ng nanay ko, kahit anong laki ng kasalanan na tao dapat patawarin. Kasi ang Diyos nga nagpapatawad, ano pa kaya ang tao? Kaya nga siguro, okay lang sa kaniya na nabuntis siya ng tatay ko. Hindi man lang siya nagalit na itinago ako at naghirap. Ganun nga siguro talaga ang buhay.
Ako yung unang tao sa classroom namin ng maabutan ako ng dalawang tuta ni Lexi na sina Therese at Gabby.
Gabby: Oh hi!
Tumabi sila sakin.
Therese: You didn't tell us na you're a Montemayor pala. Sana hindi ka namin nasaktan dati.
Anong sinasabi nila? Mga mukhang pera!!
Joyce: Pwede bang iwan niyo ako??
Gabby: We like you.
Joyce: Bakit? Dahil nalaman niyong mayaman ako?
Therese: Magka-iba talaga kayo ni Lexi noh? Si Lexi masungit yun eh.
Gabby: Oo nga! She's so maarte pa.
Therese: Kung gusto mo ng kaibigan nandito lang kami. Ayaw na kasi namin kay Lexi. Madaling pagsawaan!.
Joyce: Tahimik!!!! Nakaka-inis na kayo ha! Baka nakalimutan niyong kapatid ko siya? Gusto niyo matamaan kayo? Nakaka-irita na kayo ha. Kung maka-insulto akala mo kung sino!!! Para naman ang babango ng ugali niyo! Bulok niyo!! Huwag na kayong lumapit sakin!!
Therese: Fine!! Fine!!
Gabby: Kailangang isigaw? Asal kalye! Maka-alis na nga!
Lexi's POV
Makalipas ang isang buwan at hindi pa rin ako pinapansin ni Joyce. Hindi man lang siya dumalaw ulit dito sa bahay. Bakit ba ako nag-eexpect na papansinin niya ako? Eh, nalagay sa alanganin yung buhay niya ng dahil sakin? Sabi naman ni Derrick tutulungan niya ako eh. Eh, bakit ba nag-aalala ako?Dati naman okay lang sakin na hindi kami nagpapansinan. Dati naman, inaaway ko lang siya. Ang gulo mo Lex! Sobrang gulo!! Eh kasi nga, kapatid ko siya!
Sa School...
Kris: Excuse me? Huwag kang haharang sa daan.
I realized na nakatayo lang ako sa labas ng room namin.
Lexi: Ah. (tingin kay Kris) Sorry. Ah.... Kris??
Kris: Anong kailangan mo?
Lexi: Sorry pala. Sorry sa paggamit ko sayo ... Alam mo naman siguro yung tinutukoy ko.
Kris: Ano ngayon??
Lexi: Pero totoo yung sinabi ko. Mahal kita.
Kris: Iba ang mahal ko kaya huwag kang umasa.
Ouch!! Masakit ha! Nagsosorry lang naman yung tao. Ako na nga yung naglakas ng loob ba magtapat at humingi ng tawad.
Derrick: Lex???
Lexi: Ah.. ano yun??
Derrick: Pasok ka na yata. Magsisimula na 'yong klase eh.
Lexi: Ah. sige. Salamat,
After dismissal..
I was on my way home nang biglang may bumangga sakin. Sina Therese at Gabby.
Therese: You're so kawawa naman. Sino na ang kasama mo ngayon? Ang bad bad mo kasi eh.
Lexi: Ano bang problema niyo??
Gabby: Hindi ano, kundi sino. And it's you.
Umikot ikot sila sakin. Ano ba kasi ang kailangan nila?
Therese: Alam mo ba kung bakit kinaibigan ka namin? Dahil lang naman mayaman ka. Pero ang sama ng ugali mo.
Gabby: Hindi nga namin alam kung paano ka namin pinagtiyagaan eh.
Aalis na sana ako. Ayokong makinig sa kanila, nagbabago na ako. Bigla na lang hinila ni Gabby yung buhok ko.
Gabby: Ano ngayon ang pakiramdam na kinamumuhian ka ng sarili mong kapatid?
Nasaktan ako sa sinabi nila. I tried my best para magbati kami ni Joyce. Hindi ko naman sinasadya lahat ng yun eh.
Lexi: Pwede ba, bitawan mo ako??
Therese: (sampal kay Lexi) Tahimik! Tonta!! Stupida!! Hindi na namin kaya ang pang-aalipusta mo samin. Kami naman ang gaganti ngayon.
Sasampal na sana si Therese at napapikit na lang ako. Hinihintay ko na masaktan ako, pero wala akong naramdamang sampal sa pisngi ko. Narinig ko na lang.....
HUWAG NIYO SIYANG SASAKTAN!! KUNG AYAW NIYO MAKATIKIM!!!
BINABASA MO ANG
Magkapatid
FanfictionBuong buhay niya, naniwala si Lexi na only child lang siya. Pero paano kung dumating si Joyce, ang sinasabing kapatid daw niya. Papayag ba siyang makihati sa pagmamahal ng Daddy niya? Eh paano kung sa puso ng taong mahal niya ay kailangan niyang mak...