Chapter 10

1K 23 2
                                    

Joyce's POV

Kakagising ko lang. Bababa sana ako sa kusina para tumulong sa paghanda ng almusal. Pababa pa lang ako ng  makita kong busy ang lahat. Ano kaya ang mayroon?? Hmmm... Dun ko lang naalala, kaarawan ko nga pala ngayon. So, alam nila na birthday ko????

Pumunta ako ng garden para hanapin si Derrick. Nakita ko siyang, busy na namimitas ng bulaklak.

Joyce: Hoy!!! 

Derrick: Ay butiki!!!! Bakit ka ba nanggugulat?

Joyce: Bakit busy yata ang lahat ng tao ngayon?

Derrick: Hindi mo ba alam??

Joyce: Ang alin?

Derrick: Birthday ngayon ni Ma'am Lexi. Nagpapahanda si Sir Charles. Syempre, malaking handaan 'to, kaya kailangan talagang maghanda.

Kaarawan din pala ng kapatid ko ngayon? Anga tanga ko!! Bakit ko naman iisipin na ipaghahanda nila ako? Eh, sampid lang naman ako sa pamamahay na 'to.

Biglang dumating si Tatay...

Mr. Montemayor: Oh, Derrick? Hindi naman ako nagpapapitas ng mga bulaklak ah. Para saan yan?

Derrick: Po? (nahihiya at namumula) Wala po. Ilalagay ko po sa vase.

Mr. Montemayor: Ah... ganun ba? Sige. Joyce, hija.... Kamusta stay mo dito?? Okay lang ba? Nagkakasundo na ba kayo ni Lexi? Birthday niya kasi ngayon eh.

Joyce: Ah... Okay lang naman po kami. SIge, po. tutulong muna ako sa kusina.

Umalis ako, bigla kasi akong nalungkot eh. Pero diba dapat masaya ako? Hindi naman kasi maiiwasan, kasi isipin ko pa lang na sarili kong ama hindi alam ang birthday ko masakit na. Sakit na tanggapin, na si Lexi lang ang tinuturing niya na anak. Sa loob ng maraming taon, hinangad ko na makasama ang tunay kong ama, pero ngayon nasasaktan lang ako.

Derrick: Bakit malungkot ka??

Joyce: Ah... wala yun.

Derrick: Ano ba nagpapalungkot sayo??

Joyce: Wala..

Derrick: Sabihin mo na..

Joyce: Wala sabi eh. Ang kulit mo!

Derrick: Sinungaling!!!! Hindi man masabi ng mga bibig mo na malungkot ka, eh, ang mga mata mo naman ang sumisigaw na nalulungkot ka!

Joyce: (sigh) Alam mo ba yung feeling na walang may nakakaalam sa birthday mo?

Derrick: Don't tell....

Joyce: Wala man lang may bumabati.

Derrick; Tek...

Joyce: Ang lungkot kaya nun! Wala man lang akong mapagsabihan kasi... sino ba naman ako sa bahay na ito?

Derrick: Pwede ba....

Joyce: Isa lang naman akong sampid sa bahay na ito.

Derrick: Pwede na ba akong magsalita?

Joyce: AH??? Eh, sorry. 

Derrick: Happy Birthday! Hindi ka man lang nagsasabi. Paano ka namin mababati niyan?

Joyce: Nakakahiya. Ayaw kong makisawsaw sa birthday ni Lexi.

Derrick: Sus! Gusto mo ipagsigawan ko pa eh.  HA..... (pinigilan ni Joyce)

Joyce: Ano ka ba? Nakakahiya.  Makatikim lang ako ng pagkain sa handaan mamayang gabi, masaya na ako.

Derrick: Sus!! Loka loka!

Lexi's POV

Today's my birthday!! I'm just so happy that my dad could make it.  Hindi naman ito ang first time na makakasama ko siya for my birthday. Simula nang mamatay si mama, todo suporta talaga si Dad. Sana nga lang everything will be okay..

Kinagabihan... sa party....

Therese/Gabby: Happy Birthday!!

Lexi: Well.... Thank you!

Therese: Nice party!!

Gabby: The party's great...

Lexi: Yeah, I know!

Gabby: I will sure enjoy this night

Therese: Me too.

Kris' Mom: Hello Lex, happy birthday.

Lexi: Thank you po tita. Si Kris po?

Kris' Mom: Andun oh. (tinuturo ang direction kung nasaan si Kris)

Kasama ni Kris, sina Joyce at Derrick. Grabe! Hindi niya mang lang ako binati? Nakaka-insulto ha! Nilapitan ko sila...

Joyce: Happy Birthday Lex.

Derrick: Happy Birthday po Ma'am Lexi. Para po sayo. (sabay bigay ng flowers)

Lexi: Ano yan? Flowers sa garden namin? Haha! Magbibigay ka na nga lang ng bulaklak, pagmamay-ari pa namin??

Kris: Happy Birthday Lex.

Lexi: Oh, Hi Kris!!

Nag-iba na yung pakikitungo sakin ni Kris. Bakit kaya??

Kris: Ang dami mong bisita oh. Asikasuhin mo muna..

Tinataboy niya ba ako???

Lexi: Ah... Oo nga. Enjoy kayo.

Umalis na muna ako. Nagmukha kasi akong tanga. Inasikaso ko muna yung mga bisita.

Mr. Montemyor: Are you having fun, anak??

Lexi: Opo! So much po! (hug sa papa niya)

Mr. Montemayor: Teka lang. Kukuha muna ako ng pagkain sa loob ha. Dami mo kasing bisita eh.

Lexi: Haha! Opo! Dalian niyp po ha! I'm waiting for you.

Mr. Montemayor's POV

 I'm busy for Lexi's Party. Kukuha sana ako ng pagkain sa kusina nang marinig kong nag-uusap sina Derrick, Kris at Joyce.

Sa Kusina...

Derrick: Pare, alam mo ba?

Joyce: (tingin ng masama kay Derrick)

Kris; Ang ano??

Joyce: Wala yun. Gumagawa na naman ng kwento yang si Rick.

Derrick: Sabi mo kaya malungkot ka kasi walang bumabati sa birthday mo!

Kris: Birthday mo???

Birthday ni Joyce??? Ngayon?? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kaarawan din pala ng isang anak ko. Bakit nga ba hindi ko natanong sa kaniya?? Naku!! 

Hindi ko namalayan na nakita pala nila akong sumisilip at nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Joyce: (napatayo) May iuutos po ba kayo??

Mr. Montemayor: Huh???

Para akong pipi, walang masabi. 

Mr. Montemayor: Ah.. wala naman. Bakit hindi mo sinabi na birthday mo rin?

Derrick: Eh paano po......

Joyce: Ikaw ba ako??? Ako kaya tinatanong.

Kris: Mag-away ba???

Joyce: AH... Hindi po naman kasi kailangan na malaman ng iba ang kaarawan ko. Nakakahiya naman po kung ipagsisigawan ko na kaarawan ko rin. 

Mr. Montemayor: Dapat sinabi mo, para pinaghanda ka rin namin. Wala ng hiya hiya.

Lexi's POV

Medyo natagalan na yata si Papa ah.... Kukuha lang ng pagkain, ang tagal tagal pa. Pumunta na din ako ng kusina para hanapin si papa. Nakita ko silang nagkekwentuhan nina Joyce, Kris at Derrick. Halatang masaya si papa. Mas masaya pa ba siya kapag kasama niya si Joyce? Kainis!!! Bakit ba kailangang makihati??? Dapat ako lang!!! Inagaw na nga niya si Kris sakin, pati ba naman papa ko aagawin niya?? Napakawalang hiya talaga!!!! Kris?? Bakit ba ako apektado sa pagkakalapit ng loob nila ni kris? Ano ko ba si Kris? Grrrrrr!!!!!!!!!!!! Ang gulo!!! Mahal ko na ba si Kris?? Bakit ba hindi mawala wala ang problema??? Can somebody help me??

MagkapatidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon