[CHOCO JOHN's POV]
Nandito ako ngayon sa presinto. Gusto ko kasing makausap ang mga nanggulo sa branch namin. Akala yata nila maiisahan nila kami, lalo na ako. I've installed CCTV in every branch, 'yung hindi nila nakikita. They can't outwit me.
"Pwede ka nang pumasok, Mr. Andres." Sabi ng pulis at iginiya ako papasok sa loob ng waiting area at meeting area na din para sa mga preso.
Nakaupo na ang tatlong lalaking nakaposas. Umupo ako sa harap nila. May mga gwardyang pulis na nagbabantay sa amin.
"So, kayo din ba ang nanggulo sa ibang branch ko?" Hindi makatingin sa akin ang tatlo. Hindi din nila sinagot ang tanong ko. At ayaw ko nang mag-aksaya pa ng oras at panahon para sa kanila. "Bibigyan ko kayo ng isang chance. Sasabihin niyo sa akin ang lahat lahat, at makakalaya kayo dito. Hindi kayo hahabulin ng kumpaniya ko." I flashed my sweetest smile then my evil smile. "But if you ever don't want to confess, then I'll see to it that you three will rot in here, forever." Mukhang hindi nila ako naintindihan kaya tatagalugin ko na lang. "Pag hindi niyo sinabi sa akin kung sinong mastermind niyo, mabubulok kayo dito habangbuhay. Inuulit ko, habang buhay."
Nagkatinginan ang tatlo.
"S-sir, pag umamin ba kami, palalayain niyo na kami? S-sir, ginawa lang naman namin 'yun kasi.. kinontrata kami. Bibigyan niya daw kami ng malaking halaga basta magulo lang namin 'yun. H-hindi daw kami mahuhuli basta tanggalin namin 'yung mga CCTV. At saka.. saka sir, wala naman pong nasaktan." Sabi ng nasa gitna, mukhang siya ng leader.
"Sino ang boss niyo? Actually, meron na akong sapantaha kung sino siya. Gusto ko lang marinig sa inyo kung tama ba ang hula ko."
"Sir, si Ma'am Eyla po." Sabay sabay na sabi ng tatlo.
Tsk. Sinasabi ko na nga ba.
Tumayo na ako. Biglang hinawakan ng isa ang kamay ko.
"S-sir, tutulungan niyo naman po kaming makalabas dito, hindi po ba? Si.. sir, maawa kayo sa amin. May pamilya pa po kaming dapat suportahan."
Hinila ko ang kamay ko. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko. "Kung alam niyo 'yan, sana hindi kayo gumawa ng krimen. Naghanap sana kayo ng maayos ng trabaho." Kinuha ko ang cellphone ko sa suit ko saka ako naglakad palayo.
Tinatawag nila ako kaya tumingin ako sa kanila. Nagring ang linya ng tinawagan ko. Maya maya pa ay may sumagot doon.
"Attorney, ayusin mo na ang mga dapat ayusin para makalaya ang tatlong 'to. Okay. Aasahan kita." Pinatay ko na ang tawag. Nakita ko naman ang mga ngiti at mga matang may luha habang nakatingin sa akin. "I'm a man with words. Pero pag inulit niyo pa ito, wag niyong asahan na magiging mabait pa ako." 'yun lang at iniwan ko na sila.
Nagpaalam na din ako sa mga pulis na nakaduty doon. Palabas na ako ng presinto ng may tumawag sa akin. Unregistered number. Sinagot ko agad iyon.
"I've been wanting to call you, Eyla."
"There's a hint of anger in your voice, Cj."
Nakarinig pa ako ng nakakainis na halaklak mula dito. "Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong paninira sa kumpaniya ko, Eyla. Alam mo ba kung anong ginawa mo? Nangdamay ka pa ng mga inosenteng tao!" Lumayo na ako sa presinto dahil tinitignan na nila ako. Dumeretso na ako agad sa kotse ko.
"I've told you, I will make you suffer Cj!"
"Do what you want with me and I won't back off. But don't you dare touch my company! You knew me, Eyla. Don't make me bite my fangs on you."
"You wouldn't do that."
"What?"
"Do you want me to show this pictures of you and that Toree to your girlfriend now? These kissing pictures?"
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Non-FictionLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...