[THALIA's POV]
Iwinaksi ko sa isipan ko ang mga nararamdaman ko, kung anuman ang bagay na iyon. Dahil wala na dapat akong maramdaman sa lalaking nang-iwan at pinagpalit ako sa ibang babae, limang taon na ang nakakaraan.
Shit. Five years! Five years ko siyang pilit na kinalimutan. Five years akong nagtiis sa sakit. Kaya ngayon, hindi dapat ako matuwa ngayong nakita ko na siya, ngayong nasa harap ko na siya, kasi sobra akong naghirap nang iwan niya ako. Sobra sobra. Akala ko nga hindi ko makakaya pero puso ko lang ang pinatay niya at hindi ang buong pagkatao ko. Okay na ako. He's just a heartbreak to me.
Humalukipkip ako para ibalik ang composure kong nawala saglit ng makita ko siya. Hindi dapat ako magpaapekto dito. Matagal na siyang wala sa sistema ko.
"Kamusta ka na?" He's looking at me like he didn't break my heart before.
Asshole!
I eyed him, "Been good. Much better pa nga kaysa noon." I really emphasize the word noon para malaman niyang okay ako kahit na wala siya sa buhay ko.
Okay ka nga lang ba?
Oo! Okay ako! Argh. Pati sarili kong isip, kinakausap ko na!
"That's good then." Ngumiti pa ito sa akin.
Napamata siya dito. Despite the matured look, he still have that smile that will melt your heart. Ang ngiti nitong hindi na para sa akin. Minsan talaga, ang tadhana, nakakagago e. Bakit kung kailan mahal na mahal ko na siya noon, saka pa umeksena ang ex nito. Bwiset diba? Lalo na 'yang mga exes na singit sa eksena!
"Daddy, who is she?"
Nagawi ang tingin ko sa batang kanina lang ay nakyukyutan ako. Ngayon, naiinis na ako. Why? Dahil anak siya ng babaeng umagaw sa lalaking mahal ko. Oo na, bitter na kung bitter pero 'yun naman ang totoo e. At nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Alam kong walang kasalanan ang bata pero hindi ako plastik. Argh.
"She's Aunty Thalia. A childhood friend of mine." Tumingin sa akin si Cj, "Thalia, this is my son, Teero."
"Hi. I'm Teero. I am five years old." Pinakita pa nito ang limang daliri nito sa akin habang nakangiti sa akin.
Gusto ko ding ngumiti pero pinigil ko ang sarili ko. Peste. Bakit ba ang cute ng batang ito? "Wala na ba kayong sasabihin? Medyo nagugutom na din kasi ako e. At mukhang tapos na din naman kayo. Pwede na kayong umalis." Gumilid pa ako para makadaan sila. Baka lang kasi humaharang pala ako sa dinaraanan nila diba kaya hindi sila makaalis?
Mukhang nagulat si Cj sa inasal ko pero hindi naman ito nagsalita, bagkus ngumiti lang ito sa akin. "Teero, say bye to Aunty Thalia. She's kinda not in the mood for a talk so we should not be a nuisance to her." Natamaan naman ako sa sinabi nito. Nakakainis. Kailangan bang sabihin niya iyon sa bata?
"Okay. Mommy said don't be an annoying person so that no one will hate you." Hinawakan ni Teero ang kamay ko tapos nilagyan iyon ng chocolate candy. "Smile, Aunty Thalia. Mommy said that beautiful girls should always smile." Ngumiti pa ito, at katulad na katulad ng ngiti nito, ang ngiti ng ama nito. Tsk. May pinagmahan ang loko. Pero sweet.
'Yung candy.
"Thanks." Ngumiti na ako. Nakakahiya naman kasi sa bata kung hindi ko susuklian 'yung ngiti niya.
"Ayan, you look more beautiful when you smile Thalia. Namiss ko 'yan."
Sinamaan ko ng tingin si Cj. Ano bang gusto niyang palabasin? Na namiss niya ako? Sino bang niloko niya? Tss. Hindi ko magpapauto sa mga kalokohang pinagsasabi niya. At saka hindi naman siya ang nginitian ko. 'Yung anak niya.

BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Non-FictionLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...