MM's NOTE 🌸🌸
➖ Dahil Christmas ngayon kaya sige na nga, mag-update na ako. Haha. One year na din pala 'to. Medyo busy kasi ako noon at ngayon ko lang naharap mag-update. Salamat sa lahat ng nagbabasa neto. Merry Christmas! 💋❤️❤️~~~••~~~
[CHOCO JOHN's POV]
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may dumagan sa tiyan ko. Inaantok pa ako kaya naman hindi ko pinansin iyon. Gusto ko pang matulog. Medyo napuyat din ako kagabi sa pag-aasikaso sa Bar namin.
"Daddddy! Wake up! Wake up!"
Gusto ko pang matulog.
"Daddy daddy! Wakeeeee up!"
Nakaramdam ako ng pingot sa tenga ko pero hindi ko na lang pinansin. Ni ang pagmulat nga ng mata hindi ko magawa. Basta inaantok pa ako. I want to sleep more. And sleep more.
"Daddddddddy! Wake up!"
"Oh my God!" Napabalikwas ako ng bangon. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa batang nasa ibabaw ko ngayon. Pilyong nakangiti ito habang hawak hawak ang isang tabo. "Teero!" Agad kong hinagilap ang remote ng aircon, papatayin ko na ang aircon dahil baka maging ice ako ng wala sa oras. Shit! Ang ginaw!
"And now you're awake." Lumapit ito sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. "Good morning daddy!"
Paano ko pa siya mapapagalitan kung ganiyang naman ang ginawa niya? Hayy. Alam ko nang si Toree ang nagturo dito kung anong gagawin nito.
Nangunot ang noo ko ng makitang para itong may bulate sa puwet kung gumalaw. Daig pang nakalaklak ng enervon. Hype na hype e. Hay. Kung hindi ko lang anak 'to at kung hindi lang magagalit si Toree, baka matagal ko nang pinadala 'to sa mga alien.
"Why are you so excited, Teero?"
Tinignan niya ako na parang nashock sa tanong ko. Nagkamot naman ako ng ulo at tumingin sa mini calendar sa kwarto. Napangiti ako ng makitang may heart pang nakapalibot sa araw na 'yun na siyang araw ngayon. Tumayo na ako habang pinupunasan ang sarili ko. Ipapalaba ko na lang sa maid 'yung kobrekama dahil nabasa na. Tinignan ako ni Teero habang nagbibihis ako. Talon ito ng talon sa kama. Nang matapos ako ay kinarga ko na siya. Even though he's already five years old, nagpapakarga pa din ito. Pag inaasar ito ng auntie at uncle nito na baby bakulaw na daw ito, hindi ito nagagalit. Proud pa nga ito e. Kasi sabi daw ng mommy nito, okay lang daw maging baby bakulaw until he turns eight years old. Halos lahat kasi ng sinasabi ni Toree, sinusunod nito. Well, he wants her mother to be happy.
"Daddy, I'm helping you okay?"
"Hmm.. you sure you can?"
"Daddy, mommy said, never let your father cooks by himself because he can start a wildfire." He said, like it was a matter of fact.
"Hey, I can cook now!" I said proudly. Well, hindi ako sinukuan ni daddy at Toffee hangga't hindi ko naluluto ang iba't ibang putaheng alam nila. May pamilya na daw kasi ako kaya dapat lang na matutununan ko nang magluto.
"Yeah yeah. Thanks to my ever loving papalolo and Uncle Toff." Ibinaba ko na ito at pinaupo sa stool na para dito. "So what's are we going to cook? Can we also bake mom's favorite chocolate cake? And some vegetable salads? Spaghetti? Hmm.. but I like Ice cream too."
Piningot ko ng mahina ang ilong nito. "It's mommy's birthday, not yours."
He pouted. "But I knew mommy wants spaghetti and ice cream."
"Okay. We'll buy some ice cream later okay?" Nagliwanag ang mukha nito. "Now, help me wash this vegetables.."
"Aye aye Sir!" Sumaludo pa ito sa akin at masayang hinugasan ang mga gulay na gagamitin namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/92698560-288-k351049.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Phi Hư CấuLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...