Chapter Thirty One*

153 7 1
                                    

[CHOCO JOHN's POV]

Pasipol sipol pa ako habang naliligo. Eto 'yung pakiramdam na parang bumalik ako sa nakaraan. Nung kami pa ni Thalia. Na nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ko. Oh well, nag-enjoy naman kasi ako kahapon. Buong araw ko siyang kasama at kinain niya pa ang niluto ko para sa kaniya.  Napakalaking bagay na nun para sa akin.

Nang matapos ako ay nagtapi lang ako ng twalya. Nakalimutan kong dalhin sa banyo ang mga damit ko. Sana lang wala na si Thalia sa kwarto. Baka kasi pagnasahaan niya ang katawan ko pag nakita niya ako. I was just being considerate.

"Waaaa!! Cj!"

"Huh? Thalia. You're still here?" Nakaupo ito sa kama, tinatakpan ang mga mata.

"Of course! I am here. This is also my room, you jerk! Argh! Put some clothes on!" Sigaw nito habang hindi makatingin ng deretso.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa inaakto nito. Its been five years but she still act likes this. She didn't change. And that's why I like to tease her. I like to see those red cheeks and her shy face. Because even if she's tough, she can still make that face. And it's cute.

Bigla na lang may naisip ako. Lumapit ako sa kaniya. Hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin.

"A-and what do.. you think you're d-doing?" Kandautal na tanong nito. Halata na din ang pamumula ng mukha nito.

Yumuko ako at inilapit ang mukha ko sa kaniya. Inilagay ko din ang magkabilang kamay ko sa kama para hindi siya makaalis sa pagkakaupo niya. Natatakpan pa din ng kamay nito ang mukha nito.

"Thalia."

"What?"

I kiss her lips, though it's her hand that I kissed. She startled that I felt it's wrong to touched her like that.

"Cj...." unti-unti nitong tinanggal ang mga kamay nito. Pero hindi pa din makatingin ang mga mata nito sa akin. She was looking confused.. and maybe hurt.

Did I do something again? Maybe I shouldn't teased her like this. Maybe..

"I really do want to kiss you right now but I'm cold. Inuupuan mo kasi ang damit ko, gusto ko lang kunin. Magbibihis na kasi ako." Tumayo na ako ng tuwid at itinuro sa kaniya ang mga damit kong naupuan niya.

"Ah eh!" Kinuha nito ang mga damit ko kaso biglang nalaglag ang brief ko. Mas lalo itong namula ng pulutin nito iyon saka nagmamadaling iniabot sa akin. "Oh ayan na. Mag.. magbihis ka na!" Nakaiwas na naman ang mga mata nito.

"Okay. Ahm.. do you prefer brief or a boxer?"

Tumingin siya sa akin. Nagagalit ang tingin. "Ano?!"

"And you are looking at me... now." Mukhang nagulat ito sa sinabi ko pero hindi na nagsalita pa. "Hmm, maybe because I am naked huh? Magbibihis lang ako." Saka ako naglakad pabalik sa banyo.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng makapasok ako sa banyo. Okay na sana ang mood pero sinira ko lang. Hindi ko kasi kayang makita ang ekspresyon niyang iyon. Parang.. parang.. Argh. No. Maybe she was just embarassed. Yeah right. That's it.

Iwinaglit ko na lang 'yun sa isip ko. This isn't the right time to think of something negative. I need to prove to her that I was the one who meant for her.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako. Nakaupo pa din si Thalia at mukhang may malalim na iniisip.

"Thalia.."

"Huh?"

"Date tayo?"

Kumunot ang noo nito. "Date?"

Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon