[THALIA's POV]
"What the heck?" Sigaw ko kay Jd. Umagang umaga at napakapanget na balita na agad ang ibinungad niya sa akin.
"Mr. Uy wants us to go Acuaverde Resort in Laiya, Batangas if we want him to be back as our investor. And we wanted to have him back." He look at me like he was commanding me. "You knew how others looked at him. Kung babalik siya, pwede ding magbago ang tingin sa atin ng iba. And besides, one week lang naman tayong mawawala."
Nailagay ko ang kamay ko sa ulo dahil parang mas lalong sumakit iyon. Ano bang gustong palabasin ng matandang iyon? "And you knew we have a lot of work to do. Paano ang kumpaniya pag wala tayong dalawa?"
"Our company isn't made of stupid peoples, Thalia. At isa pa, we can always do our work whenever we are. What's the use of internet?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman natatawang itinaas nito ang kamay. "Ayaw mong pumunta dahil makikita naten si Mimi?"
"Sino naman ang may gustong makita ang spoiled brat na 'yun?" Naiinis kong tanong. Hindi naman kami close ni Mimi. Civil kami sa isa't isa. Nagngingitian pag nagkikita. Noon. Pero simula ng maghiwalay kami ni Cj, naging iba na ang tingin niya sa akin. Parang galit siya sa akin na hindi ko maintindihan. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit 'fake' ang tawag niya sa boyfriend ko.
"And why are you looking at me like that?" Tanong nito ng makitang tinitignan ko ito.
"What did you do to Mimi?"
Umiwas ito ng tingin. "Nothing."
"Nothing? You did something to her. I can sense it. She glared at you like you're some criminal."
Nagkibit balikat lang ito. Ni hindi sinagot ang mga paratang ko. Parang may tinatago. Pero wala naman akong alamin. Hindi naman ako interesado sa kakaibigang friendship nila ng spoiled brat na 'yun. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa kung anuman ang inihanda niyang pasabog sa pagdating namin sa resort na 'yun.
~~~*~~~
"Jd!? Where are you?" Tanong ko habang hawak hawak ang cellphone ko. Sinundo ako ng driver nila Mr. Uy. Tutal naman, coding ang kotse ko, pumayag na akong magpahatid. At ngayon nga, nasa resort na ako. Meron pa kasing meeting si Jd kaya pinauna niya na ako kanina."I am sorry babe pero hindi ako makakapunta dyan. I am going now to Hong Kong."
"What?! Anong gagawin mo don?"
"We have a very good investor there. Sinabi ko na kay Mr. Uy na hindi ako makakapunta."
Napapikit ako. So? Ano pang ginagawa ko dito diba? "I am going home." Kung pwede lang lumipad para masakal si Jd, ginawa ko na. How could he left me here all alone.
"No babe. Nakasalalay sayo ang pag-iinvest ni Mr. Uy. Just be there babe. Pag natapos naman ang meeting ko with the investors, pupunta agad ako dyan para samahan ka. I promise."
Bumuntong hininga ako. Ramdam ko naman na sincere si Jd. Of course, hindi niya palalagpasin ang mga investors na pwedeng hikayatin para sa kinabukasan ng LCE. Alam ko naman iyon pero nakakatampo pa din. "See you soon babe." 'yun na lang ang nasabi ko bago ko pinatay ang tawag.
Nandito ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa balkonahe at namangha sa nakita. Maganda ang lugar, actually. Napakascenic at napakapeaceful. Iisipin ko na lang na bakasyon 'to para naman hindi sayang ang pagpunta ko dito. At isa pa, gustong gusto na din ng katawan ko ang magrelax. Pakiramdam ko kasi, nitong mga nakaraang taon, hindi ko binigyan ang sarili ko na magrelax man lang. Sinubsub ko na ang sarili ko sa trabaho. Blessing in disguise na din siguro ito para naman mabawi ko ang pagod ko. Susulitin ko na lang ang isang linggo nang walang inaalala.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Non-FictionLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...