[THALIA's POV]
Yes! Sa wakas nandito na kami sa Hacienda ni Lolo. Speaking of my Lolo, the Arthur the great, he's with my ever so loving lola Flor, they're in Guam, I think? Well. Ever since I remember, they always travel around the earth. Baka nga sa susunod sa planetang mars na sila pumunta e. Halos nalibot na yata nila ang buong mundo.
"Huy."
Tumama sa noo ko ang hintuturo ni Cj. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Medyo masakit kaya!
"Ano na namang iniisip mo? Tulungan mo kaya kaming magbuhat dito?" Sabi nito habang buhat buhat ang gamit ko at gamit niya.
"Ayoko nga. Babae ako. Kaya ikaw na lalaki ang dapat gumawa niyan." I crossed my arms and smile at him sweetly.
He just smirk at me. "Kailan ka pa naging babae?"
Pinandilatan ko siya ng mata. Sisipain ko sana siya kaso nakalayo na ito. Kita mo 'yan! Kainis. Naisahan niya ako dun. Hmp!
"But you told me you would come here right? You promised!"
Nilingon ko si Andrea. May kausap ito sa cellphone nito at hindi maganda ang expression ng mukha nito.
"Elvin naman! Uunahin mo pa ba 'yang barkada mo kaysa sa girlfriend mo?! I haven't seen you in weeks because I knew you were busy in your work. Eto na lang 'yung hinihingi ko para magkasama tayo and then you won't come! What the heck was that?"
Lalayo na sana ako ng makita ko si JD na buhat buhat ang gitara nito. Kasama nito si Xandria na may buhat ding gitara. Palapit ang mga ito kay Andrea.
"Trouble again?" Tanong ni JD. Hindi ito pinansin ni Andrea.
Lumapit na ako sa mga ito at baka mag-away pa sila. Medyo mainit pa naman ang ulo ng kapatid ko.
"I'm going home." Si Andrea. Nakatingin lang ito sa phone nitong hawak hawak nito.
"What?" Si Xandria iyon.
"Uuwi na ako." Ulit lang ni Andrea.
"And then what? Pupuntahan mo 'yang boyfriend mo? Argh. Napag-usapan na nating magprapraktis tayo for the company then you're going home just because of your useless boyfriend?"
Argh. Eto na naman. Lumalabas na ang pagkamaldita mode ni Xandria.
"Anong sabi mo? My boyfriend is not useless! Pwede ba? Wag mo akong pagsabihan ng mga bagay na hindi mo alam kasi hindi ka pa naman nagkakaboyfriend!"
Syempre. Papatalo ba ang kapatid ko e siya nga ang reyna ng katarayan? My gosh! Ayokong umawat sa gulo nila. Bahala na sila dyan.
"Excuse me? Kung magkakaboyfriend din naman ako. Hindi katulad ng boyfriend mong mas inuuna pa ang ibang bagay kaysa sayo. At mas lalong lalo nang hindi ako magboboyfriend ng taong sinasaktan lang naman ang feelings ko. Hmp." Matalim na ang mga matang ibinibigay nito kay Andrea. "If you want to go home then go. Hindi ka naman kawalan dito e. Lets go JD." Tapos nauna na itong naglakad.
"You're still a brat Andrea. When will you grow up?" Walang emosyong sabi naman ni JD saka sinundan si Xandria.
Nakita ko naman na parang maiiyak na si Andrea. Argh. She's always like this. A cry baby. Lagi na lang. Kung makikita ito ni CJ, baka mapagalitan niya pa si Xandria. Ganun naman lagi, Andrea was always been his top priority. Nakapagtataka lang talaga at bakit hindi napansin ni Andrea na mahal na mahal siya ni Cj.
"Wag mo nang pansinin si Xandria. She was just excited 'cause we're complete now. At saka icecelebrate pa natin ang pagiging vice president ni JD."
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
NonfiksiLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...