Chapter One*

614 11 9
                                    

[CHOCO JOHN's POV]
"Nasaan na 'yung tatlo?" Medyo naiinis kong tanong sa kanila. Pero hindi nila ako pinakinggan. Ugh. We're here at my condo pero parang hindi na sa akin 'to.

Si JV naglalaro ng playstation sa TV ko.  Ewan ko kung paanong nagkaroon ako ng playstation e hindi nga ako naglalaro nun.

Si Keib may katext sa cellphone nito dahil kanina pa ito tipa ng tipa sa touchscreen ng phone nito.

Si Xandria naman, ayun, nakikinuod kay JV. Tsk. Alam ko naman wala dun ang atensyon niya.

Tapos 'yung trio, si Keira at sina Vanilla't Toffee John ay nagkwekwentuhan. May sarili silang mundo.

Napabuntong hininga ako. Nakakainis kasi e. Ako ang inatasan nila Tito Andrei sa pag-o-organize ng company anniversary at sa pag-o-organize ng magulong mga batang 'to.

"Excuse me pare pero hindi na kami bata." Singit naman ni Keib na sa wakas ay itinigil na ang pakikipagtext.

"Yet, you still act like one." I said to him, while giving him a glare.

"Haha. Okay okay. But seriously dude!? I'm twenty three years old! Pwede bang out na ako dito? I still have a date. Kanina pa nga nagagalit sa akin e."

Ah. Kaya pala text ng text ito.

"But we do this every year. Our dads count on us. Hindi ba natin sila pwedeng pasayahin ng kahit na isang araw lang?" Ugh.  Ang hirap kasing maging panganay! Ang daming responsibilidad!

"But Jd, Andrea and Thalia wasn't here! Gosh! Don't they know what time is it? I still have my gig!" Himutok ni Xandria.

"Yours wasn't that important so its okay." Singit na naman ni Keib.

"So you're saying na mas importante 'yang date mo sa mukhang zombie na 'yun ganun? Huh!? Kapal mo!" Sagot naman ni Xandria dito na naniningkit na ang mga mata.

"One point for Xandria Cordenas!" Natatawang sigaw ni Keira.

"Huh?! Are you out of your mind? She's not a zombie and if she was a zombie, she's the prettiest zombie of them all." Tinignan ni Keib si Xandria mula ulo hanggang paa, "Nasa kuko ka lang ng zombie na sinasabi mo."

"What the!" Xandria exclaimed.

"One point for Keib Dela Cruz. Tabla na po mga kaibigan." Singit naman ng kapatid kong si Toffee John na halatang nag-eenjoy na sa iringan ng dalawa.

Napapikit ako saka malakas na binagsak ang mga folder sa paanan ko. Malakas ang impact nun kasi marami kaya napalakas din ang tunog ng bumagsak.

"Kayo kasi e.  Ang ingay niyo." Sisi naman ng pinakabata sa aming lahat na si John Vino.

"If you all don't want to participate then you can all go now. Pinasasakit niyo lang kasi ang ulo ko e."

"Sorry Kuya Cj." Xandria apologized and then the room filled with apology.

Ganito kasi talaga ako. Madaling uminit ang ulo. Hindi mahaba ang pasensya ko. Kung ayaw nila, edi wag. Ganun lang yun. Less hassle.

"'Yung mga gustong tumulong, magstay. 'Yung mga ayaw na talaga, pwede na kayong lumabas." I look at them, half smiling. "But I just want to clear something,  If you ever.. need my help, don't expect me to help you because I won't help you."

Pinulot ko ang mga folder na nilaglag ko. "Now, may aalis pa ba?"

"Sus. Makakapaghintay naman 'yung date ko e. Sabi ni Keib na nagsalute pa sa akin saka umupo ng maayos.

"Wala ng aalis kuya. Tinakot mo na kami e." Natatawang wika naman ni Xandria.

"Hahaha. Of course! Ganyan ang kuya ko! Kaya nga siya ang naging president ng Love Cafe Enterprises kasi matalino siya saka nakakatakot siya." Proud na proud naman na sabi ng kakambal ni TJ at syempre, kapatid ko na si Vanilla.

Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon