[CHOCO JOHN's POV]
Sa lahat ng umagang nagdaan sa buhay ko, isa na yata ito sa pinakamaganda. 'Yung makita ang mukha niya sa pagmulat ko, it was simply amazing. I just love what I am seeing right now and will probably love for the rest of my life.
I slowly caressed her hair. Ayoko muna siyang gisingin, alam ko namang napagod siya kagabi. Napatawa ako ng marahan sa naisip ko. Ako pala ang pumagod sa kaniya kagabi kaya dapat lang na hindi ko muna siya gisingin.
I can probably lay down here all day just to see her sleeping face. She really looks like an angel. Kahit na sobrang sungit niya noong mga bata kami, mukha pa din siyang anghel noon. Siguro nga hindi ko lang narealize na siya talaga ang gusto ko at hindi si Andrea. Na gusto ko lang talaga magpakakuya kay Andrea dahil halos sanggang dikit kami noong mga bata pa kami.
I was supposed to kiss Thalia when my phone vibrates. Mabuti na lang at nakasilent iyon kundi magigising ang anghel ko.
Kinuha ko ang phone at tinignan kung sino ang tumatawag. It was my Mom. I answer the phone immediately.
"Hi My.." Bungad ko agad.
"Ang Cj ko.. namimiss ko na ang apo ko. Baka naman gusto mo siyang iuwi muna dito ha?"
Napatawa ako sa sinabi niya, "Mom, apo niyo lang yata namimiss niyo e." I heard a scoff. Probably my dad, listening. "But don't worry, we'll be back sooner than you'll expect it." Marami kasing line up si Mommy na projects sa Pilipinas bilang isang Ambassadress kaya wala itong time para pumunta dito. Kahit na miss na miss niya na ang apo niya.
"Aba siguraduhin mo lang anak. Si Teero na lang nagpapasaya saken." And again, I heard a scoff, probably my Dad again because my mom laughed. "Anyway, anak, Did you received the package I sent to you? Last week ko pa pinadala 'yun, baka nandyan na."
"Package?" Tumayo na ako at kinuha ang wardrobe ko. "The black box?" Dumating 'yun noong isang araw pero hindi ko na nacheck kung ano ang alam dahil naging busy na ako.
"Yeah. I was supposed to give it to you back when you were here but I totally forgot."
Pumunta ako sa mini office ko. Doon ko kasi iniwanan ang black box na iyon. Maliit lang naman 'yun.
"Ano ba 'to My?"
"It was something precious to you anak. Anyway, baka hindi pa gising ang apo ko. Call us later when he wakes up okay? I love you son!"
"I love-" at naputol na ang tawag. "Love you too, mom." Napailing na lang ako. Saka tinignan ang maliit na box na iyon. Something precious to me?
I open the box. Napakunot pa ang noo ko nang makitang isang Flashdrive USB ang nandoon. And here I am, expecting it to be a ring or something. Wala sa loob na kinuha ko ang flashdrive. Binuksan ko ang laptop ko. Napangiti ako ng makitang si Thalia pa din ang wallpaper ko. I really am madly inlove with her.
After I put in the flashdrive, I open it. There is just one file and it was named ANGEL. Dali dali kong inopen iyon para makita kung ano man ang laman ng file na iyon.
Ang laman ay isang video. I don't know what it is but it looks like the wedding of Tito Andrei and Tita Tiffany. No, it was not the wedding. It was the reception after the wedding.
~~*~~
"Bakit ka nagvivideo?" Tanong ng batang si Xandria kay Keib na may hawak na cam recorder. Nakasimangot ang batang babae habang nakatingin sa tatawa-tawang si Keib.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Non-FictionLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...