[CHOCO JOHN's POV]
"Sir? Why don't you just download the Skout app? Para magkalovelife ka na." Sabi ng secretary kong si Sheena habang inililigpit ang mga documents sa lamesa ko. Ipa-file kasi nito iyon."That app?" Umiling ako. "'Yung mga taong nandoon, naghahanap lang nang makakasex. Then after sex, wala na." I leaned at my chair.
She looked at me while her eyebrows uplift. "Grabe ka sir! Alam mo 'yun? Meron din namang mga wholesome do'n."
"Wholesome? Yeah. Maybe."
"Oh ano? Magda-download na ba ako sir? Isang gwapong picture mo lang, marami nang magchachat sa'yo."
I frowned. "Bakit ba gusto mo na akong magkagirlfriend huh? Ayaw mo na ba sa akin?"
Inikutan niya ako ng mata. "Ay naku sir. Huwag ako ah. Huwag ako."
Hmp. Nakakainis naman 'tong secretary ko. Tss. Hindi na lang maki-gi with the flow.
"Alam mo sir, matanda ka na. Paano na lang kaya kung wala na ako? Sino nang mag-aalaga sa'yo? Ang sungit mo. Ang bilis mo pang mahighblood! Mabuti't nagtyatyaga sa'yo si Ma'am Thalia e."
Tumayo na ako. Lumapit sa kaniya at niyakap siya. "But you will always be here right? Hindi mo naman ako ipagpapalit e."
"Aba e bakit naman kita ipagpapalit? Ang laki ng benefits ko dito. Makikita ko pa ang gwapong boss ko kahit na masungit. Hayy. Ang bait naman si sir Ej at saka ni ma'am Chocola. Pero bakit ikaw? Saan ka nagmana?"
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. "Hindi ko din alam. Pero come to think of it, I don't want to be a kind hearted man at all. Pag naging mabait ka, mawawala lang sa'yo ang mga bagay na gusto mo. Kaya dito ka lang sa tabi ko. Kahit pa sabihing mahal mo siya, hindi kita ibibigay sa kaniya. Kasi hindi ako mabait."
Bigla niya akong sinapok.
"Aray naman! Ikaw lang ang secretary na nanakit sa boss niya! Alam mo 'yun?" Napahawak na lang ako sa ulo kong nagkaroon na ata ng bukol. Grabe lang.
"Hindi naman ibig sabihin na magpapakasal na ako e aalis na ako sa tabi mo."
"Hmp. You're just saying that. You obviously don't want me. Sige. Magresign ka na. Ayoko na din naman sa secretary na lagi akong binabatukan. Tss." Bumalik ako sa swivel chair ko saka nagdadabog na kinuha ang mga documents na inayos niya na.
Lumapit ito sa akin at ngumiti.
"Oh." Inabot nito ang isang gray envelope. "Wedding invitation."
"Tsk."
Hindi ko iyon kinuha.
"Mabait naman si Ruben. Aalagaan niya ako."
"Sinabi mo din 'yan nung nagpakasal ka sa gagong lalaking 'yun noon. Then what did he do to you? When he found out you couldn't bore him a child, he just dumped you like some trash! Tsk. Pasalamat ang gunggung na 'yun at fifteen years old palang ako noon kundi nabugbog ko na 'yun."
Tumawa naman ito. "Mabuti na din 'yun. At least, alam kong hindi siya ang para sa akin."
Tinignan ko siya ng seryoso. "But you love him."
"I did."
"Hindi mo na ba siya mahal?"
"Hindi na. Alam mo kasi Cj, minsan.. kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao.. o gaano pa katagal na mahal mo ang isang tao.. pag napagod na ang pusong umasa.. pag napagod na ang puso mong masaktan, mawawala na lang ang pagmamahal. That's what happened to me."
Hmp. I don't understand that. No. I think I do. But I just don't want to understand it. Because I've been inlove with Andrea for fucking so many years! Minsan nakakapagod pero alam ko balang araw, makikita niya din na ako ang para sa kaniya at siya ay para sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL
Não FicçãoLove Cafe Series **Presents** #6: My Love, My Angel ~ O N G O I N G ~ - If the world falls apart, I would still be inlove with you. Because from the moment I saw you, I swear I will protect you, that I will always love you, even if it means to be br...