Chapter Twenty Eight*

127 9 3
                                    

[CHOCO JOHN's POV]

"It's time, kuya. Aren't you ready yet?" Maarteng tanong ni Vanilla habang pinapasadahan ako ng tingin. Nandito ako ngayon sa Villa ng mga magulang ko. Sila muna kasi ang titingin kay Teero lalo na't hindi ko ito maaasikaso dahil grand re-opening ito ng Teero's Bar.

"Not yet." Inaayos ko pa ang neck tie ko habang nakaharap sa human sized mirror. I want to be presentable tonight.

"Kuya, para namang ngayon ka lang nagsuot ulit ng suit." Pang-aasar ni Toffee. He was now a chef assistant at the main Love Cafe branch. And what's more, he is now a man. I don't know what happened that's he became straight all of a sudden.

"I want to be handsome enough that Thalia would look at me." Alam ng kambal ang gusto kong mangyari. Hindi naman nila ako pinipigilan kahit na alam nilang baka masaktan lang ako pagkatapos.

"Oo na kuya. You're handsome enough kaya tama na ang pakikibaka mo diyan sa neck tie mo. Okay na 'yan." Tinapik tapik pa ni Vanilla ang balikat ko. Saka ako tinignan sa salamin. "Gusto mo lang ungusan si Kuya Jd e."

Nagsalubong agad ang kilay ko pagkarinig ko ng pangalan ng pinsan ko. Hindi ko kasi napaghandaan na ang ipapalit sa akin ni Thalia ay ang pinsan ko pa. Nang nasa amerika ako, iniisip ko nang higitan kung sino man ang lalaking pinalit sa akin ni Thalia. Hindi din naman kasi ako nakakasiguro na wala pa siyang boyfriend. Ang alam ko lang, pwede ko naman siyang agawin kung sino mang lalaki ang maging boyfriend niya. Kaya sobra akong nagulat ng malamang si John Drake nga ang boyfriend niya.

Nakapagtataka naman kasi talaga. I never really imagined Jd was interested in Thalia. Diba nga sabi pa nito iyon sa akin noon. Or nagsisinungaling lang ito? Na baka noong una pa lang, may gusto na talaga ito kay Thalia?

"Oh kuya, don't tell me susuko ka na lang? If you really love her then fight for it. Hindi pa naman sila kasal." Pagpapalakas ng loob sa kaniya ni Toffee. "And besides, I can't see love in their eyes when I met them."

Si Toffee kasi ang nagsabi sa akin may relasyon na sila Thalia at Jd habang nasa america pa ako. Nasa america din kasi si Vanilla dahil doon ito nagtratrabaho bilang ramp model. Magkasama ito saka si Keira sa iisang bahay. At ngayon nga, pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni Toffee na hindi mahal ni Thalia si Jd.

Sana nga.

And I'm betting my chances on that.

"Hay naku. Ayoko lang na masaktan ka kuya. Baka hindi mo na kayanin this time. After Toree died, akala namin susunod ka na sa kaniya." Sabi ni Vanilla.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Dahil totoo 'yun. Nang mamatay si Toree, akala ko nawalan na din ako ng purpose para mabuhay. Pakiramdam ko, kulang na kulang ang mga nagawa ko para suklian ang pagmamahal niya para sa akin. Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung naging masaya ba siya sa piling ko. Kung nabigyan ko ba siya ng magagandang alaala na babaunin niya sa kabilang buhay. I was questioning myself that I didn't knew I was drifting away, from myself, from everyone. Hindi pa sana ako magigising sa katotohanan kung hindi pa pinakita sa akin ni Teero ang diary notebook ng mommy nito para sa akin. Nandoon ang bucket list nito na ginaya namin sa Scent of a woman, A koreanovela. Ang kaibahan lang, wala siyang cancer. Lahat ng naisip nitong gawin, o hindi pa nagagawa, o mga kahilingan, ay inilagay nito sa bucket list nito. Na ginawa namin, isa isa.

Nakasulat sa notebook na iyon kung gaano ito kasaya tuwing magagawa namin ang mga bagay na isinulat niya. Na naging masaya siya sa piling ko at magiging masaya siya kahit na kunin na siya ni Lord. At isa nga sa kahilingan nito na maging masaya ako, sa babaeng mahal ko. At alam na alam nito kung sino iyon.

And I am really glad that I had loved Toree because she taught me things to love while I am still alive. Doon ko talaga narealize na ang dami pala akong namissed sa buhay ko. I was top focused on my studies and my goal, to be the president of LCE. Ang dami kong nireject na tao at sinaktan dahil pakiramdam ko, ang galing galing ko. Pero wala e. Hindi talaga ako magaling. I didn't even enjoyed my teenage life. Sobra palang boring ng kabataan ko. Ni hindi ko nga kilala sila oggy and the cockroaches. Na hindi ko malalamang mag-eenjoy pala akong manuod nun kahit na puro naman sila kalokohan.

Love Cafe Series: My LOVE, My ANGEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon