Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 5
Nagising ako nang bumagsak ako sa sahig mula sa kama. Aray! Pumungas-pungas pa ako para tingnan kung nasaan ako. Ang huli kong naaalala, magkasama kami ni Peter sa dalampasigan kagabi, pero ngayon nandito na ako sa loob ng kwarto ko. In-absorb ko muna ang lahat bago gisingin ang diwa ko.
Palabas na ako ng kwarto nang makita ko ang sulat sa table.
‘To my most beautiful daughter,
Nak, pasensya na kung hindi man lang kami nakapagpaalam sa iyo ng papa mo but don’t worry we’ll call you time by time para i-check ang kalagayan mo. Since matagal-tagal na kaming hindi nagkikita nila Tita Carol mo, alam mo naman hilig naming apat ang pagpasyal.
Pasensya na rin pala kung hindi namin kayo isinama ni Peter dahil gusto rin naming ma-enjoy niyo ang summer vacation niyo. May laptop si Peter, mag-skype nalang tayo tuwing gabi, okay? Free ka na from your parents this vacation but don’t forget what I always told you, ‘kay?
Love, maganda mong mama.’
Ngumiti ako bago inilapag ulit ang sulat. Mula sa ibaba, naaamoy ko ang ginisang bawang at sibuyas, mukhang may nagluluto. Sinuklayan ko muna ang buhok ko at nag-ayos bago lumabas ng kwarto at bumaba.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan, naririnig ko ang mahinang kuwentuhan at tawanan sa loob. Para mas marinig ko ang mga nag-uusap, lumapit pa ako para pakinggan.
“Talaga? Nahalikan mo siya?”
“Oh, pare ang lakas mo talaga sa chicks! Tsk, ang bilis mong napaibig ‘yung inosenteng kababata mo!”
“Talo na ba tayo Jade?”
“I guess.”
Hindi ko namalayang unti-unti nang bumabagsak ang mga luha ko habang pinakikinggan sila. Isang boses ng babae at isang boses ng lalaking nag-uusap. Sa paraan palang ng pagsasalita ng babae, mabilis kong nakilala na kay Shatrine ang boses na ‘yon. Hindi ko narinig na nagsalita si Peter—teka, ano ba ‘yung pinag-uusapan nila?
“Oh, panalo ka sa pustahan. ‘Yan na ‘yung pusta ko.”
“Hay, kung bakit kasi ang daling nahulog nung babaeng ‘yun. Ang kati-kati kasi niya.”
Napalunok ako sa narinig ko. ‘Yung halik kagabi, ‘yung surpresa ni Peter—lahat iyon, planado? Parang natigil ang lahat at hindi ako makapaniwala. Napahawak ako sa labi ko habang inaalala ang halik kagabi. Pinigilan kong mapalakas ang pag-iyak ko kaya tinakpan ko ang bibig ko. Pinagpustahan lang nila ang halik namin ni Peter? Ayoko pa sanang maniwala pero iyon na ‘yon. Narinig ko na ang katotohanan.
Nang makahugot na ako ng lakas, nauna ang galit sa sarili ko kaya binuksan ko ang pinto. Nakita ko kung paanong tinanggap ni Peter ‘yung perang inabot nung isang lalaking hindi ko pa kilala habang si Shatrine naman ay todo-hawak sa braso niya. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Peter pero bago pa man siya makapagpaliwanag, inunahan ko na siya.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Teen FictionOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...