Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 19
“Saan mo ba kasi ako dadalhin?” tanong ko kay Peter.
Nakahawak siya sa balikat ko, nasa likod ko siya at inaalalayan niya ‘kong maglakad. Sabi niya kasi, may surpresa daw siya sa ‘kin. Nakapiring pa ‘tong panyo sa mga mata ko kaya dilim lang ang nakikita ko.
“Ssssh. Ako na ang bahala. Relax ka lang d’yan,” sabi niya. Sinunod ko na lang ‘yon at hinintay na sabihin niyang okay na. Pagkatapos ng ilang hakbang, huminto kami sa paglalakad. “Nandito na tayo,” bulong niya malapit sa tenga ko.
Humugot muna ‘ko nang malalim na paghinga. Dahan-dahang inalis niya ang piring sa mga mata ko. Una kong napansin ang malaking mapa na nakalatag sa sahig. Tinapunan ko si Peter ng nagtatanong na tingin. Kasalukuyan siyang nagbibihis ng putting uniporme at pagkatapos niyang ilagay ang pilot cap, naglakad siya palapit sa ‘kin. Nakauniporme siyang pang-piloto.
“Naaalala mo ba nung huling beses na tinanong mo ‘ko kung ano’ng course na gusto kong kunin?” tanong niya. Tumango ako bilang tugon. “Someday, gusto kong maging pilot kaya ito ang gusto kong kuning kurso sa college.” Tumingin siya sa malaking mapa at tumingin din ako do’n. Nagtataka ako kung para saan ‘yon.
“Nagtataka ka siguro kung bakit may gan’on?” Inginuso niya ‘yung mapang sobrang laki. Mabuti naman at hindi na niya hinayaang ako ang magtanong tungkol doon.
“Uhmm… medyo. Wala kasi akong ideya kung bakit may ganyan,” sagot ko. Nginitian ako ni Peter bago niya ‘ko giniya na lumapit doon. “Ano’ng gagawin natin?” pagtataka ko.
“Isa sa mga pangarap kong maisakay ang kababata at pinakamamahal kong tao sa mundo sa eroplano ko at lilibutin namin ang buong mundo.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Kaya… lilibutin natin ang buong mundo ngayon.”
Muntikan na akong matawa pero pinigilan ko ‘yon. “Wait. Teka, paano naman natin maiikot ang buong mundo? D-Diyan?” pagtataka ko habang nakaturo ang daliri sa mapa. Iniligid ko ang mata ko sa paligid, walang masyadong tao ngayon sa beach bukod sa ilang turistang naliligo.
“Ah, basta. Trust me, maiikot natin ang buong mundo.” Umupo siya sa harapan ko. “Sakay na sa eroplano,” sabi niya na sinenyasan pa ‘kong sumakay sa likod niya. Napatawa na lang ako saka sinunod ang sinabi niya. “Flight to America is now ready to take off. Ms. Bella Garcia, please fasten your seatbelt.”
Tumayo na si Peter na buhat ako sa likuran niya. Naririnig ko ang pareho naming pagtawa. Naglakad siya sa malaking mapa, papunta sa America. Sinabayan pa niya ng tunog ng eroplano na mas nagpatawa pa sa ‘kin.
Parang bumagal ang oras—naging mabagal ang lahat. Minsan, kahit ang mga bagay na imposible, kayang gawin basta’t gusto mo. Tulad na lang ng ganitong mga sandali, nagawa ni Peter na libutin namin ang buong mundo gamit ang malaking picture ng mapa ng mundo.
Marami pa kaming sunod na mga bansang pinuntahan, nanatiling nakasakay pa rin ako sa likod ni Peter. Hindi na halos mawala ang ngiti ko sa labi simula pa nang dalhin niya ‘ko rito.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Fiksi RemajaOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...