[10]

199 15 13
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

 

 

Entry 10

 

 

Inalok ko pa si Clifford na pumasok sa loob para magkape pero sinabi niyang hindi na kailangan, sandali lang naman ang pakay niya. Umupo kami sa hagdan, sa balkunahe.

 

“I got this paper kaya nalaman ko ang address mo,” sabi niya ng nakangiti habang pinapakita sa ‘kin ‘yung hawak niya.

 

“Bakit ka pala nandito?” nagtatakang tanong ko.

 

Umupo siya ng maayos at inilagay ang kapirasong papel sa bulsa niya. “Well, you see…” Itinuro niya ang maleta niya bago nagpatuloy. “… I’m not staying here anymore. Tapos na ang training ko as lifesaver dito sa beach, here in this place, and I’m going back to Manila to continue schooling.”

 

Para akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ‘yon. Siguro naman may karapatan pa rin akong malungkot dahil si Clifford ang kauna-unahang kaybigan ko sa lugar na ‘to, tinuruan niya rin ako ng maraming bagay lalo na sa problema ko kay Peter. Kung wala siguro siya, mas magkakabuhol-buhol ang problema ko.

Kahit pa sandali ko lang siyang naging kaybigan, naramdaman ko pa rin ang mabuting tao sa kanya, na parang matagal ko na siyang kilala. Nakakalungkot nga lang, hindi kami masyadong naging magkasama, aalis na agad siya. At nung mga oras na magkasama pa kami, tuwing may problema ako.

 

“Hey, you’re quiet,” sabi niya bago siya lumapit para akbayan ako. “Nalulungkot ka na aalis ako?”

 

“Oo naman, ikaw kaya ang unang kaybigan ko rito,” malungkot na tugon ko naman sa kanya pero pinilit ko pa ring ngumiti kahit na papaano.

 

“Nalulungkot din naman ako e, but don’t worry, magkikita pa naman tayo. Maybe not tomorrow, or the next day, but I know that we’ll meet again one day.” Tinapik-tapik niya ang balikat ko bago niya ‘ko iginayang tumayo. “Trust me. Thanks for being a friend.” Inilahad niya ang kamay niya sa ‘kin at tinanggap ko naman ‘yon.

 

“Salamat din sa pagiging kaybigan.”

 

Niyakap niya ‘ko at niyakap ko rin siya ng mahigpit. “Just remember that life is like a roller coaster, it has its ups and downs. Trust yourself and be strong. I may not be here when you need someone, but I know that there’s someone here will replace me as your friend,” sabi pa niya sa gitna ng yakap namin.

Nag-exchange kami ng goodbyes bago siya naglakad palayo. Hindi ko na napigilang lumuha habang kumakaway sa kanya na naglalakad palayo.

 

“Ingat, Clifford!” malakas na sigaw ko habang kumakaway.

 

Ang sakit sa pakiramdam, sobrang nalulungkot ako. Nadala lang siguro ako sa pagpapaalam ni Peter. Ilang minuto kong inisip ang nangyari bago naisipang pumasok na sa loob at maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng yellow skirt, summer blazer top at pink na t-shirt. Bumaba na ako pagkatapos kong makapag-ayos.

Dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko, napagpasyahan kong pumasyal-pasyal muna para gumaan naman kahit na papa’no ang nararamdaman ko. Tumingin-tingin ako sa mga items stalls ng bracelets, singsing at mga kwintas na gawa ng mga tao rito sa Batanes. Sumunod ko namang pinuntahan ang tinatawag nilang Marlboro Hills dito sa lugar. Maganda sa paningin ang berdeng sahig na nalalatagan ng mga damo at mula rito, matatanaw rin ang light house na pinuntahan namin ni Peter kahapon; makikita rin dito ang dalampasigan at malaking dagat.

May ilang batang nagsasaranggola, ilang turistang nagpi-picture-an at mga taong namamasyal. Doon ako nagpalipas ng mahabang oras at nagmuni-muni. Payapa sa pakiramdam ang lugar na ‘yon kaya naman nakakalibang na pagmasdan.

Naglalakad-lakad ako nang biglang may nakasalubong akong matandang nagbebenta ng mga singsing at kuwintas.

 

“Ineng,” tawag niya sa ‘kin. Kaagad naman akong lumapit sa kanya. “Bumili ka na nito, hindi ka magsisisi. Ibigay mo ang pares nito sa taong iniibig mo at magkakaroon kayo ng maraming masasayang ala-ala,” sabi niya habang ipinapakita sa ‘kin ang dalawang singsing na may simpleng disenyo. May nakaukit na ‘infinity sign’ doon.

 

Hinawakan ko ang singsing para suriin at nagustuhan ko naman ‘yon. “Bibilhin ko po itong pares,” nakangiting sabi ko sa kanya bago iabot ang bayad.

Hindi naman ako mahilig maniwala sa mga kasabihan tungkol sa bagay, pero wala namang masama kung ibibigay ko ‘to kay Peter bilang regalo 'di ba?

Dumaan muna ako sa isang restaurant para kumain. Medyo nagugutom na rin kasi ako. Kaunti lang ang tao roon, siguradong namamasyal pa sila sa oras na ‘to.

 

“Thank you,” sabi ko sa babaeng nagdala ng order ko sa mesa. Ngumiti naman siya bago kuhanin ang table number ko at umalis.

Hindi inaasahan, biglang umupo si Shatrine sa katapat na upuan ng mesa ko. Ang kaninang light mood ko, biglang nagkaroon ng madilim na ulap nang makita ko siya sa harapan ko. Nasa gitna pa lang ako ng pagkain pero mukhang nawalan na ako ng gana nang makita siya. Pagkatapos ng ginawa nila ng Jade na ‘yun, ang lakas pa ng loob niyang magpakita sa ‘kin.

Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko at uminom ng tubig bago tumayo.

 

“'Di ba I told you to get away from my boyfriend?” taas-kilay niyang sabi sa ‘kin.

 

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi niya ‘yon tinanggal. “Ano ba’ng kailangan mo at ano’ng sinasabi mo? Una sa lahat, wala akong inagaw sa ‘yo,” sagot ko na nilalabanan ang mga tingin niya.

 

“What? Don’t deny it you ugly bitch! Kaya hindi na lumalabas si Peter this past few days dahil nasa loob lang siya ng bahay and…” Napapikit siya na parang nandidiri. “… he’s together with you! You’re flirting him, right?”

 

“Napaka-paranoid mo, Shatrine. At isa pa, hindi mo boyfriend si Peter at mas lalong hindi mo siya pag-aari. Ano naman sa ‘yo kung magkasama kami?” sagot ko. Nginitian ko siya para mas mainis siya na tumalab naman.

 

Hindi siya nakapagsalita at dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko. Akala ko matatapos na ‘yon doon pero kinuha niya ang baso ng tubig sa mesa. “You’ll regret this! Akin lang si Peter, tandaan mo ‘yan.” – saka ibinuhos sa ‘kin ang laman no’n.

Naubos na ang pasensya ko kaya naman ginantihan ko siya. Kinuha ko ang natirang cake ko sa mesa, mabuti na lang at maraming icing ‘yon. Nilagay ko sa kanya lahat ‘yon bago naglakad palabas ng restaurant.

 

“Ahh! Pagsisisihan mo ‘tong babae ka!” narinig kong sigaw pa niya. Mula sa labas, nginitian ko siya at dinilaan bago maglakad palayo.

 

 

 

 

***

 

 

Cut! Comments guys! Hehe! Thank you sa mga ate kong best readers. Ate Jenna and ate Cross :)

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon