[9.2]

205 15 12
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

 

 

Entry 9.2

 

 

 

Hinihila ako ni Peter habang tumatakbo kami papunta sa dagat. Hindi masyadong marami ang tao ngayon sa beach dahil madilim ang kalangitan at siguradong uulan anumang sandali. Pero hindi alintana iyon para sa ‘min ni Peter—o sa kanya lang pala dahil pinilit niya lang naman akong sumama rito.

Napatalikod ako ng biglaan niyang hinubad ang suot niyang t-shirt. Hindi ko pa nakikitang nakahubad ang pang-itaas ni Peter kaya nagulat ako.

 

“Hey? Akala ko ba magsi-swimming tayo?” sabi niya.

 

Nakatakip ang mga mata kong humarap sa kanya. Tiningnan ko siya sa pagitan ng mga daliri ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting t-shirt at ang blue swimming trunks niya na lang ang suot niya.

 

“Ano ka ba? Ito lang naman ‘yung kita, o?” Tinapik niya ‘yung tiyan at braso na parang nagyayabang. “Tara na!” sigaw niya.

 

Huminga naman ako ng malalim bago tinanggal ang mga kamay ko sa mata ko. “Oo na. Pero sa isang kundisyon,” sabi ko sa kanya, naiilang paring tingnan siya.

 

“Ano?” natatawang tanong niya.

 

“Mauuna kang maglakad papunta doon at hindi ka lilingon sa ‘kin,” sabi ko. Parang bata tuloy akong nakikipag-deal sa kapwa batang kalaro. Nakakahiyang makita niya ‘ko na swimsuit bra lang ang suot at maiksing shorts.

 

“Okay,” sabi niya bago tumalikod. Itinaas niya ang kamay niya at isinenyas na sumunod na lang ako. “Maglalakad na ‘ko.”

 

Dahan-dahan kong tinanggal ang suot kong t-shirt. Mabilis na gumapang ang lamig sa katawan ko dahil swimsuit undergarments at maikling denim shorts na lang ang suot ko. Hindi pa naman ako sanay sa ganitong hitsura at suot.

Sumunod din ako kay Peter hanggang sa makarating kami sa tubig.

 

“Marunong ka bang lumangoy?” tanong niya. Hanggang dibdib na naming parehas ang malinaw na tubig dagat.

 

Umiling ako sa kanya. Nakakapag-swimming na ‘ko, pero walang proper training sa paglangoy talaga. Minsan, hanggang 4 o 5 feet lang ang nilalanguyan ko dahil sa takot na malunod.

 

“Tuturuan kita.” Lumapit siya sa ‘kin para gayain ako.

 

“T—Teka! Malalim na kaya d’yan!” sabi ko naman habang takot na tinitingnan ‘yung tubig.

 

“'Wag kang matakot, hahawak naman kita e. May tiwala ka naman sa ‘kin, 'di ba?” sabi niya, seryoso ang mga matang nakatitig sa ‘kin. “Ano?”

 

Wala na akong nagawa kundi kumapit sa leeg niya. Tinuruan niya ako ng basic swimming tips pero dahil takot ako sa tubig, hindi ko nagawa ‘yon ng maayos. Natuto naman ako ng konti sa mga tinuro niya—kahit papa’no.

Pagkatapos niya ‘kong turuan, naglaro naman kami. Siya ‘yung pating habang ako naman ‘yung tao. Sa tuwing mahuhuli niya ‘ko, kakagatin niya ‘ko sa kamay. Pagkatapos ay sinakay niya naman ako sa likod niya habang lumalangoy. Iyon ang pinaka na-enjoy ko sa lahat.

Pagod na pagod kaming umupo sa puting buhangin ni Peter. Hindi pa rin kami tumigil sa kakatawa sa saya ng ginawa namin. Kahit papaano, kailangan mo rin talaga ng break sa buhay. Kahit sandali lang, para malimutan lahat ng problema.

Sa nakalipas na unang linggo naming magkasama ni Peter, ngayon lang ulit kami nakalabas. Ginugol kasi namin ang oras sa kuwentuhan at panunuod. Ang sarap din sa pakiramdam na sa wakas, nakalabas din kami, nakakalanghap ng preskong hangin.

Maganda na ang kulay ng kalangitan pero hindi pa rin mainit. Sakto lang ang panahon. Sabay kaming napalingon ni Peter sa isang lalaking naglalakad papalapit sa direksyon namin. Nakasuot siya ng yellow na sando at swimming shorts, naka-shades pa siya na akala mo ang taas ng sikat ng araw.

 Nakilala ko kaagad ang mukha niya— ‘yung lalaking kasama sa pustahan ni Peter at Shatrine. Naramdaman ko ang galit pero mas pinili kong pakawalan muna ‘yon. Medyo nawala ang pagiging good mood ko at alam kong napansin ‘yon ni Peter kaya hinawakan niya ang kamay ko.

 

“Hey, bro!” sabi nung lalaki bago tinapik si Peter.

 

Sabay kaming tumayo ni Peter pero hindi ko tinitingnan ‘yung lalaki.

 

“Siya ‘yung kababata mo, 'di ba?” narinig kong sabi pa niya.

 

“Oo,” sagot ni Peter, napipilitang ngumiti. Tumingin ako sa mukha niya, parang naiilang siya.

 

“Ako nga pala si Jade.” Tinapunan ko siya ng tingin at tiningnan lang ang nakalahad niyang kamay. Naaalala ko na nung pasikreto akong nakinig sa usapan nila sa kusina, nabanggit nga ni Shatrine ang pangalan niya.

 

Hindi ko pinansin ang pagpapakilala ni Jade at tumingin ako kay Peter. “Peter, mauuna na pala ako. Magpapahangin lang ako,” nakangiting sabi ko sa kanya bago niya pinakawalan ang kamay ko.

Naglakad ako na hindi lumilingon sa kanila. Nagdesisyon muna akong maligo dahil puro buhangin ang buhok ko pati ang balat ko, pagkatapos ay maglalakad-lakad ako para magpalamig. Ang ganda na sana ng mood ko, nasira lang nung dumating ‘yung bwisit na kaybigan ni Peter. Sana lang talaga wala siyang sabihin na kung ano kay Peter dahil matitikman niya ‘yung kamao ko.

Ilang lakad na lang ang layo ko sa bahay nang makita ko ang isang lalaking nakatayo. May dala siyang maleta, nakasuot ng polo summer shirt na kulay blue at may disenyong araw, puting pantalon at sumbrero. Bago ko pa man siya malapitan, nakilala kong si Clifford pala ‘yon.

Bakit siya nandito?

 

 

 

 

Please and please and please don't forget to leave your vote/comments! Thanks guys! :)

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon