[Epilogue]

247 12 18
                                    

EPILOGUE

“Ha-ha! Panalo ako!” malakas na sabi ni Peter na halos mabingi ako. Sinundan pa ‘yon ng tawa niya pagkatapos mai-shoot ang bola sa ring.

Okay. Talo ako.

Pumasok kami sa loob at nadatnan si Tita Carol at Mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Nag-unahan pa kami ni Peter na makarating do’n. Grilled cheese and fries pala ang niluto nila.

Kumuha si Peter ng isa do’n at sinubo. Para siyang bata dahil may naiwan pang cheese sa gilid ng bibig niya. Inabot ko ang tissue para punasan ang gilid ng labi niya. Parehas na natawa naman sila mama sa kanya.

Napangiti ako nang maalala ko noong mga bata pa kami ni Peter. Parang ganitong-ganito talaga. Si Mama at Mama ni Peter, naghahanda ng meryenda pagkatapos naming maglaro. Habang sila Papa at Tito Jerry naman, busy sa panunuod ng basketball.

Lumipat sila Peter pabalik dito sa Cavite, sa lumang bahay nila. Magkapit-bahay na ulit kami. Sabi kasi ng mga magulang ni Peter, mas gusto nilang malapit sa ‘min kaya ibinenta na nila ang bahay nila sa Batanes—na magandang bagay dahil malapit na ulit ang pamilya namin sa bawat isa.

 Madalas na kaming magkasama ngayon ni Peter at hindi na namin kailangan pang hintayin ang summer para maging magkasama. Ngayon, araw-araw na naming nakikita ang isa’t isa. Parang noong mga bata lang kami. Parang summer na palagi.

Nagdala kami ni Peter ng plato ng fries at grilled cheese sa itaas. Dala niya ang kahon na ipinakita niya sa ‘kin noon—‘yung kahong may lamang mga sulatan namin, pictures, ilang laruan at drawings. Pumasok kami sa kuwarto ko.

“Bakit mo naman dala ‘yan?” pagtataka ko.

Hindi siya sumagot, sa halip dire-diretso siyang umupo sa kama ko. “May ipapakita ako sa ‘yo,” nakangiting sabi niya.

Lumakad naman ako at umupo sa gilid ng kama. Nang buksan niya ang kahon, wala nang laman ‘yon bukod sa maliit na color blue na box. “Say the three magic words together with my name, baby Tinker,” parang batang sabi niya. Inilagay pa niya ang kamay niya sa tenga at isinenyas na makikinig siya.

Kunwaring napatingin naman ako sa itaas, hawak ang baba ko. “I love you, Peter,” halos pabulong na sabi ko. Pareho kaming natawa.

Itinaas niya ‘yon at nang buksan niya, napatutop ako sa bibig nang makita ko ang dalawang singsing.

Lumapit siya sa ‘kin at kinuha ang kamay ko. “Alam kong maraming nangyari nang mga nakaraang taon. Hindi ako perpekto pero ipapangako kong mamahalin kita hangga’t nabubuhay ako, Tinker. Mamahalin kita, araw-araw kung tatanggapin mo ‘ko.” Sandali siyang tumigil, tiningnan ang mga mata ko. Naramdaman ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko. “Will you marry me after 4 years?”

Nasurpresa ako, at the same time nagulat. Hindi ko inaasahan ‘to. Pero kabisado ko si Peter, mahilig siya sa surprises—pero unexpected ‘to. Natawa na lang ako sa isiping ‘yon. Pa’no nga ba magiging surprise pa kung inaasahan mo na mangyayari?

Napaluha ako at niyakap siya. Ako na mismo ang nagtuloy para ilagay ang singsing sa daliri ko. Tiningnan ko ang singsing saka tumapat ang mga mata ko sa mata ni Peter. “Yes!”

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko  at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya. “4 years from now, hihintayin ko ang araw na ‘yun, Tinker. At sa araw na ‘yon, hindi na mauulit ang nangyari noon. Matutuloy ang kasal nating dalawa.” Ngumiti siya nang napakatamis bago niya ‘ko hinalikan sa labi.

Sabay kaming kumuha ng fries at sinawsaw ‘yon sa cheese at sabay naming binuksan ang mga bibig namin. “Aahh…”

Siya ang kababata ko. Siya ang lalaking una kong minahal at huli kong mamahalin. Maraming bagay akong natutunan sa mga lumipas na taon—at isa lang ang masasabi ko; lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Maaaring hindi mo makikita ‘yon ngayon, pero darating at darating ang oras na mahahanap mo ang sagot.

THE END.

As I've said, simpleng ending lang siya. Hehe! Hope you'd enjoyed reading the whole story and very, very thank you for supporting Peter and Bella's love story. :)

PS. Hmmn, I'm thinking na gawan ng special chapter ang kasalan nila. What d'ya think? Hihi! *waves goodbye* ba-bye! See you on my next stories.

-Ian Joseph Barcelon.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon