[21]

185 13 13
                                    

Author's Note: Super, duper-sorry dahil walang update yesterday. Sira ata 'yung wattpad kahapon kasi di 'ko ma-open e. Pakibasa po ang chapter 20 (since pansin ko, hindi niyo pa ata nabasa). Please leave a comment/vote after reading. God bless! :)

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 21

Sa isang iglap… maraming puwedeng mangyari.

Sa isang iglap… maraming puwedeng mawala.

Sa isang iglap… puwedeng mabago ang lahat.

Nakatayo kami nila Shatrine at Jade habang dinadala si Peter sa emergency room. Wala akong magawa kundi ang umiyak—simula pa kanina. Dinala si Peter ng driver ng sasakyan na nakabangga sa kanya rito sa hospital at tinawagan kami para ipaalam ang nangyari. Nasa presinto na siya ngayon at kausap ng mga pulis.

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Tinakpan ko ang mukha ko at malakas na umiyak. Naramdaman kong lumapit sila Shatrine sa ‘kin at inalalayan akong umupo.

“Kung alam ko lang… kung alam ko lang na mangyayari ‘to… dapat hindi ko na lang tinuloy!” sigaw ko sa gitna ng pag-iyak. Sobrang sakit na makita si Peter na walang malay at puro dugo ang damit. Parang hinihiwa ang bawat parte ng katawan ko.

“Peter’s going to be fine, Bella. Let’s just pray na maging maayos ang lahat,” sabi ni Shatrine habang hinahagod ako sa likuran. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil pakiramdam ko, ito lang ang kaya kong gawin sa mga sandaling ‘to.

Si Jade ang tumawag kina Mama at Tita para pumunta sa hospital. Ilang minuto lang ang lumipas, nakita ko sila na tumatakbo papunta sa ‘min. Sinalubong ako ng yakap ni Mama at Papa.

“K-Kamusta si Peter?” narinig kong tanong ni Tita Carol, namumula na rin ang mga mata at siguradong matapos niyang malaman ang balita, umiyak na rin siya.

“He’s on the emergency room, Tita,” sagot ni Jade. “Ini-exam-in pa ng doctor ang lagay niya. He got hit by a car.”

Sa sinabing ‘yon ni Jade, napahagulhol na si Tita Carol ng iyak. Yumakap siya kay Tito Jerry para humugot ng lakas. Nagi-guilty ako, pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat ng ‘to. Parang simula nang dumating ako sa buhay ni Peter, puro problema na lang ang lahat.

At ngayon… ito.

Humigpit din ang yakap ko kay Mama, si Papa naman ay hinahagod lang ako sa likuran.

Nang mahimasmasan kaming lahat, ikinuwento ko kina Mama at kina Tita ang nangyari. Nagpaalam na rin si Jade at Shatrine na mauuna na sila at babalik na lang dahil naiintindihan nilang kailangan namin ng privacy. Kami. Kaming pamilya at mga magulang ni Peter.

Mayamaya pa, lumabas na ang doctor ni Peter. Kaagad na lumapit sila Tita Carol at Tito Jerry sa kanya.

“Doctor, kamusta ang anak ko?” tanong ni Tita Carol, nanginginig pa ang boses niya.

Tumingin ang doctor sa papel na hawak niya bago tingnan ang mga magulang ni Peter. “Maraming buto ang nabali sa kanya, malakas ang naging impact ng aksidente sa anak ninyo. Sa ngayon, kailangan pa siyang i-confine. Gagawan din namin ng x-ray scan ang katawan niya para masuri nang mabuti ang mga damage sa buto niya.” Nakita kong lumungkot ang mukha ng doctor nang muli siyang magsalita. “He’s on a critical condition. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin to make his condition better.”

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon