Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 8
Marahang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin. Ilang beses kong tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin suot ang white dress na nakakahon at nakapatong sa kama ko. Ito ang sinasabi ni Peter na suotin ko.
Sumulyap ako sa wall clock, malapit na ang alas sais. Sa pagdaan ng minuto, mas kinakabahan ako sa mga mangyayari. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman ‘to, may dapat ba talaga akong ika-kaba sa mangyayari mamaya? Hindi ko maiwasang kabahan sa tuwing maaalala ko ‘yung halik namin ni Peter kanina, ‘yung biglaan niyang pag-alis at pag-iwan ng sulat na walang salitang lumalabas sa bibig niya—naguguluhan pa rin ako. Ayokong mag-assume ng mangyayari, ayokong mag-expect.
Kinuha ko sa mesa ang round headband na may disenyong bulaklak at inilagay iyon sa ibabaw ng buhok ko. Sa huling beses, tiningnan ko ang sarili ko bago ngumiti.
Ihanda mo ang sarili mo, Bella.
Tumayo na ako sa upuan sa harapan ng salamin at lumabas sa kwarto ko. Dumiretso na ako sa pagbaba ng hagdan. Pakiramdam ko, may mga paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko, ang pintig ng dibdib ko na hindi nagbabago sa lakas ng tibok.
(Music: Maybe This Time cover by Sarah Geronimo)
Two Old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've been
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'Nang buksan ko ang pintuan, nakita ko si Peter, naghihintay. Dama ko rin ang kabang nararamdaman niya. Suot niya ang isang pormal na pang-itaas, itim na coat at maong na pantalon. Sinubukan kong pigilin ang kabang nararamdaman ko para hindi niya maramdamang kinakabahan ako, pero nung lumingon siya, para akong natulala at tumigil ang oras na siya lang ang nakikita ko.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't endMabagal na naglakad ako pababa ng hagdan habang siya naman ay naghihintay na makarating ako sa kanya. Pakiramdam ko, puro kislap ang paligid, at sa bawat lakad ko papalapit sa kanya ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko.
It's the same old feeling back again
It's the one that they had way back when
They were too young to know when love is real
But somehow, some things never change
And even time hasn't cooled the flame
It's burnin' even brighter than it did before
It got another chance, and if they take it...“H-Hi,” kinakabahang bati ko sa kanya, ginagalaw ang dalawang kamay ko para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Hindi siya nagsalita, sa halip ay tiningnan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Teen FictionOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...