[15]

203 15 5
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 15

Shatrine’s Point of View

Sa totoo lang, wala naman talagang ‘kami’ ni Peter. Oo, nasa akin na nga ang lahat—I’m rich, I have my own car, jewelries, magandang buhay pero aanuhin ko naman ang lahat ng ‘yon kung ang isang taong gusto ko, hindi ko makuha-kuha?

At dahil ‘yon sa kanya.

Nakatayo ako ngayon sa parte kung saan hindi nila ‘ko nakikita. The two of them. Pinunasan ko ang luhang bumabagsak sa mata ko. Masama bang magmahal? Nagawa ko lang naman ang lahat ng ‘to dahil mahal ko siya. I have gone so desperate ‘cause I love Peter. Gusto kong mabawi siya. I don’t wanna see him with that childhood friend of him. Akin lang siya.

I walked my way papunta sa bahay ni Peter, alam kong dito rin naninirahan ang kababata niya. At ang isipin pa lang ‘yon, mas nasasaktan ako. Magkasama sila sa lahat ng oras, magkatabi sa panunuod—the things na matagal ko nang gustong mangyari.

 Kabisado ko na ang bahay ng pamilya ni Peter, sa likod ako dumaan dahil walang lock doon. Pumasok ako sa loob at umakyat sa itaas. Mabilis ko rin namang nalaman kung saan ang kuwarto ng Bella na ‘yon.

I opened the door quietly not leaving any sound. Hinanap ko kaagad ang drawer niya at nang mahanap ko ‘yon, I immediately put the camera inside at tinakpan ko ‘yon ng ilang damit niya. Pinakiramdaman ko kung dumating na ba sila bago ako bumaba.

If this is the only thing to break their bond forever, then I’ll do whatever it takes to bring Peter back to me. Kung hindi man siya magiging sa ‘kin, pwes, walang dapat magmay-ari sa kanya.

Marahan kong pinihit ang doorknob bago lumabas ng bahay.

                                                            ***

Bella’s Point of View

Pagkatapos naming maglaro ni Peter sa beach ng laro na kung tawagin niya ay ‘warrior’s beach fight’ kung saan may hawak kaming kahoy at maglalaro na parang mga mandirigma, nagutom kami kaya nagpasya kaming kumain muna. Sa paboritong restaurant ni Peter kami nagpunta.

Hindi ko inaasahang makikita ko si Jade doon. Namin. Sinubukan kong iwasan ang tingin niya pero hindi ko maiwasang makita ang mga mata niyang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Peter. Medyo naiilang ako sa paligid lalo pa’t naaalala ko ang halik na nangyari sa pagitan namin ni Jade—kahit na alam kong pagkakamali lang ‘yon.

At hindi ko pa sinasabi ang bagay na ‘yon kay Peter.

Nang mapansin ni Peter si Jade na nakaupo hindi kalayuan sa mesa namin, giniya niya rin akong lapitan ang best friend niya. Gusto ko sanang tumanggi pero sigurado namang magtataka siya kung bakit.

“Hey, bro,” sabi ni Peter kasabay ng pagtapik niya sa balikat ni Jade. Parang hindi man lang napansin ni Jade ang presensya namin ni Peter habang nakatingin siya sa ibang direksyon.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon