[20]

278 12 2
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 20

Sinuklay ko ang buhok ko hanggang sa makuntento ako sa ayos. Ilang beses kong tiningnan ang hitsura ko sa harap ng salamin, suot ang flower circle headband at simpleng puti na damit hanggang tuhod.

[Flashback]

“Ito, bagay na bagay sa ‘yo ‘to, Bella.” Lumakad si Shatrine na dala ang naka-hanger na damit at puting sandals. “This will really turn you into a fabulous princess tomorrow.” Inilapag niya ang kahon ng sapatos at mula sa kinatatayuan niya, sinukat niya ang damit sa ‘kin.

Nasa kuwarto niya kaming dalawa. Nagplano daw kasi sila ni Jade na magkakaroon kami ng mini-wedding ceremony ni Peter—na hindi naman namin hiniling sa kanila. Sinubukan naming tumanggi ni Peter pero sinabi nilang kung hindi namin tatanggapin ‘yon, ibig sabihin lang ay galit pa rin kami. Kaya wala kaming choice ni Peter kundi tanggapin na lang ang gift of apology nila.

Siguradong kasama ngayon ni Peter si Jade, kagaya ko na kasama si Shatrine dito sa loob ng kuwarto niya. Napahanga ako sa ganda ng damit na hawak niya, at nang sabihin niyang para sa ‘kin ‘yon, gusto kong tumanggi dahil sobra-sobra na ang regalong binibigay niya at ni Jade para sa ‘min ni Peter. Sa totoo naman, hindi kami humihingi ng kapalit ng kapatawarang binigay namin ni Peter, ang gusto lang namin maging maayos na ang lahat.

 

“S-Sa’kin mo ibibigay 'yan?” tanong ko. Tumango lang si Shatrine habang nakatayo at sinusukat sa ‘kin ng damit. “Shatrine, hindi mo naman kailangang gawin ‘to. Sobra na ang regalo niyo sa ‘min ni Peter,” sabi ko sa pinakaseryosong tinig ko.

 

“We’re friends now, right? Isipin mo na lang, ito ang pinakaunang regalo ko sa ‘yo. And what do you think would I feel kung hindi mo tatanggapin ang pinakaunang regalo ko sa ‘yo?” sagot naman niya. Sa puntong ‘yon, wala na ‘kong nagawa kundi tanggapin ang damit na regalo niya. “I’ll be waiting at the church tomorrow. Si Jade ang susundo at maghahatid sa ‘yo,” nakangiting paalala niya.

[End of Flashback]

Naglakad ako palabas ng kuwarto, suot ang ibinigay sa ‘kin ni Shatrine kahapon at ang dapat kong isuot sa mini-wedding ceremony namin ni Peter sa Sabtang Church. Hindi man lang namin nakita ni Peter ang isa’t isa simula pa kahapon dahil doon siya natulog sa bahay ni Jade. Ang pamahiin kasi nila, hindi daw dapat na magkita ang dalawang taong ikakasal—na kung iisipin, hindi naman ito totoong kasalan. Parang early commitment kung tawagin.

Bakit ito pa kasi ang napili ni Jade at Shatrine na gawin para sa ‘min ni Peter?

Paglabas ko ng pintuan, nakita ko si Jade na nakasuot ng pormal na damit habang nakasandal sa gilid ng sasakyan niya. Ngumiti ako nang kawayan niya ‘ko. Naglakad siya para alalayan akong bumaba ng hagdan ng balkunahe. Nararamdaman kong nag-iinit ang kamay ko, malakas ang tibok ng dibdib ko at parang… may mali.

“Kinakabahan ka ata,” sabi niya na nakangiti.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon