[4]

284 19 11
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 4

Naglakad-lakad kami, kumain at nagkuwentuhan hanggang sa dumilim na at napagpasyahan na naming maghiwalay ni Clifford. Masaya naman siyang kasama at mas nakilala ko pa siya bilang kaybigan. Mabuti nalang at sinamahan niya ‘ko, hindi ako na-bore kahit na wala si Peter.

Kasama kaya nun si Shatrine?

“See you next time,” sabi sa ‘kin ni Clifford habang kumakaway.

Kumaway rin ako sa kanya habang naglalakad palayo. Magaan ang pakiramdam ko kay Clifford at natutuwa rin ako dahil nagkaroon na ‘ko ng kaybigan sa lugar na ‘to. Bukod sa kuwentuhan, ipinasyal niya rin ako sa ilang tourist spots dito sa Isla. Para talagang paraiso ang lugar na ‘to, masyadong foreign sa paningin ko.

Habang naglalakad, narinig kong may sumisigaw ng pangalan ko. Hinanap ko kung saan galing ‘yon at nakita si Peter na mukhang hinahanap ako.

“Peter!” Kumaway ako para makita niya. Nang makita niya naman ako, dali dali siyang tumakbo papalapit sa ‘kin at yumakap.

“Saan ka ba galing?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

“N-Naglakad-lakad lang,” sagot ko naman. Niyakap ko rin siya at pumikit habang pinakikiramdaman ang sandaling magkadikit ang mga katawan namin.

Nang kumalas siya, hinawakan niya ako sa magkabilang braso. “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala.” Tiningnan niya ako sa mga mata pagkatapos ay ngumiti. “Galit ka ba?”

Napaisip naman ako kung bakit niya tinanong ‘yun saka ko naalala ‘yung kanina… sila ni Shatrine.

“Tinatawag kita kanina pero hindi mo man lang ako nilingon,” parang batang sabi niya.

Hinawakan ko naman ang magkabilang mga pisngi niya. “Sa tingin mo sa dalawang buwan nating pagsasama, dapat pa bang lagyan ng tampuhan?”

Nagtinginan lang kami, parehong nakangiti sa isa’t isa. “Gusto mong pumasyal?” aya niya sa ‘kin.

Naisip kong hindi ko pala siya nakasama kanina ng matagal bukod sa pag-uusap namin sa dalampasigan. Para makabawi sa kanya, tinanggap ko ang alok niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila niya ako habang tumatakbo.

Tumigil kami nang makarating kami muli sa dalampasigan, kung saan niya ako dinala kanina.

“Pumikit ka,” utos niya sa ‘kin.

“Ha? B-bakit naman?” tanong ko.

“Ah, basta.” Lumapit siya sa ‘kin at siya na mismo ang nagtakip sa mga mata ko. “May surpresa ako sa ‘yo,” sabi niya habang inaalalayan niya akong maglakad.

Hindi ako natatakot na madapa o bumagsak sa sahig kapag nasa tabi ko si Peter, dahil alam kong hindi niya hahayaang mangyari ‘yun sa ‘kin. Tumigil kami sa wakas pagkatapos ng ilang lakad.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon