Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 16
Pinindot ni Jade ang music player ng sasakyan niya, malakas ang music na tumugtog doon. Nanatili lang na nakatingin ako sa gilid habang pinanunuod ang lugar na dinadaanan namin. Sinusubukan ko pa ring tanggalin sa isipan ko ang nakita kong picture sa camera kanina dahil nararamdaman ko lang ang pag-init ng mga mata ko sa tuwing aalalahanin ko ‘yon.
“Saan mo ba gustong pumunta?” tanong niya ulit.
“Kahit saan,” walang ganang sagot ko sa kanya. Gusto kong mapaglayo kahit sandali lang, para kalimutan ang sakit—kahit na alam kong sa oras ng pagbalik ko, mararamdaman ko ulit ‘yon.
Sinabi ko kay Jade na ilayo niya muna ako sa bahay ni Peter, ayokong makita siya. Bakit ba ganito na lang palagi? Bakit pakiramdam ko puro na lang problema? Bakit hindi ko maramdaman ‘yung saya?
Pagkatapos nang mahabang sandali, huminto rin sa wakas ang sasakyan. Sa isang bakanteng lugar na may playground ako dinala ni Jade pagbaba namin ng sasakyan. Umupo kami sa bakanteng duyan; sa kanan siya, sa kaliwa naman ako.
Kasabay ng pag-upo namin ang pagbagsak na naman ng luha ko. Pilit kong pinipigilang lumabas ‘yon pero sobra akong nasasaktan at hindi ko kayang pigilan. Binigyan ako ni Jade ng oras para ilabas ang nararamdaman ko. Naramdaman ko rin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
Ilang minuto ang lumipas, dama kong namumugto na ang mga mata ko pagkatapos kong umiyak. Suminghap-singhap ako sa tahimik na sandali sa pagitan namin ni Jade.
“Ano ba’ng nangyari? May ginawa ba si Peter sa ‘yo?” pagsisimula ni Jade nang makita niyang tapos na akong umiyak. “Nasa loob ba siya kanina?”
Umiling ako. Sa tanong niya na ‘yon, parang gusto ko na namang umiyak. Pinilit kong magsalita na hindi lumuluha. Humugot muna ako nang malalim na paghinga para pakawalan ang bigat sa dibdib ko.
“W-Wala siya sa loob…” Napakagat ako sa labi at binalingan ng tingin si Jade. Napatingin ako sa labi niya at para bang may ibang kaluluwang sumapi sa ‘kin habang nakatingin ako sa kanya. “P-Puwede mo ba ‘kong halikan?” Hindi ko alam kung saan ko napulot at kung bakit ko nasabi ‘yon. Gulong-gulo na ‘ko sa dami ng nangyari ngayong araw.
Napakunot ang noo niya. “Bella ano ba’ng sinasabi m—“
Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita. Ako na mismo ang lumapit para halikan ang mga labi niya. Dama ko na ginantihan niya rin ang paghalik ko pero sandali lang ‘yon dahil hinawakan niya ‘ko sa magkabilang braso.
“This shouldn’t be happening… Bella,” hinihingal na sabi niya bago tumayo ng duyan. Napatingin ako sa ibaba pagkatapos kong ma-realize ang nangyari. “Alam kong naguguluhan ka lang, alam kong masyado kang maraming iniisip, Bella. Masyadong maraming nangyari, mali ‘to.”
Napahawak ako sa labi ko kasabay ng pag-upo ko sa sahig. Muli na namang pumatak ang mga luha ko. “Bakit mo ‘ko pinigilan?” Tiningnan ko si Jade, halatang nagulat pa rin ang ekspresyon niya. Tumayo ako at tinulak siya. “'Di ba ‘yon naman ang gusto mo?! ‘Di ba?!”
“B-Bella hindi ko kayang ituloy ‘yon! Importante ang pagkakaybigan namin ni Peter sa ‘kin.” Lumapit siya at hinawakan ulit ako sa magkabilang balikat. “Simula pa lang sa pustahan, Bella, kasalanan ko na ‘yon kay Peter. Dapat ko pa bang dagdagan? Best friend niya ‘ko, Bella, best friend. Sa tingin mo, tamang gawin ‘yon ng isang tunay na kaybigan?”
Tama si Jade, mali ang ginawa ko. Masyado lang akong naguguluhan.
Napabuga ako ng hangin. Ngayong narinig ko na ang mga sinabi niya, napuno ako ng pagsisisi. Parang pinagtaksilan ko na si Peter sa paghalik ko sa labi ng kaybigan niya. Mas lumala lang ang bigat sa dibdib ko.
“Bella, kalimutan mo nang sinabi kong gusto kita. Ayokong agawin ka kay Peter, mali ‘yon dahil kaybigan ko siya. Matalik ko siyang kaybigan,” sabi ni Jade sa kalagitnaan ng katahimikan. “Kung ano mang dahilan ng pag-iyak mo ngayon, dapat na linawin mo muna kay Peter ang lahat. Trust is the most important in a relationship, Bella.”
Tiwala.
Nahimasmasan ako pagkatapos na sabihin ‘yon ni Jade. Bumalik na kami ng sasakyan. Walang nagsalita sa ‘min sa biyahe pabalik—literal na tahimik lang. ‘Yun din siguro ang gusto niya, na makapag-isip ako at linawin sa isipan ko ang lahat.
Huminto ang sasakyan hindi kalayuan sa bahay. Nanatili lang na nakahawak si Jade sa manibela, walang atang balak na lumabas ng sasakyan.
“Hindi ko na muna siguro kakausapin si Peter ngayon, sa ibang araw na lang. Alam kong mas importante ang oras na ‘to para makapag-usap kayo,” sabi niya saka pinihit at binuksan ang pintuan sa gilid ko. Tumango lang ako bago lumabas ng sasakyan. Pagkatapos kong isara ang pinto, hinawakan pa ni Jade ang kamay ko. “'Wag ka nang iiyak, okay?”
Muli, tango lang ang ibinigay ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa bahay; bukas na ang ilaw sa second floor, siguradong nasa loob na si Peter. Huminga ako nang malalim, pumikit saka pinihit ang doorknob.
Si Peter ang una kong nakita, nakaupo siya sa couch. Nang marinig niyang pumasok ako, napatingin siya sa direksyon ko. Lumapit din ako at umupo sa tabi niya. Binigyan ko siya ng oras para ipaliwanag ang tungkol sa picture.
“Tinker, alam kong nagkamali na naman ako. Pero kung anuman ‘yung iniisip mo, maniwala ka sa ‘kin na mali ‘yan.” Pumatak na naman ang luha sa mga mata ko. “Pakana ni Shatrine ang lahat. Ipinadala niya ‘yung mga litrato mo kasama ng isang lalaki para magalit ako sa ‘yo at nung gabing lasing ako, dinala niya ‘ko sa villa nila. Planado ang lahat, Tinker. Maniwala ka sa ‘kin.” Gumalaw ang kamay niya para hawakan ang kamay ko.
“Mahal na mahal kita, Tinker. Ikaw lang. Hayaan mong bumawi ako. Babawi ako.” Sa bawat salitang binibitiwan niya, mas humihigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Unti-unti ring nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko para harapin siya. Halos maramdaman ko na ang init ng paghinga naming pareho. Dahan-dahang naglapit ang mga labi namin hanggang sa magdikit ‘yon. Para bang nabura ang lahat nang maglapat ang mga labi naming dalawa.
Hindi lang sa halik napunta ang lahat. Dinala ako ni Peter sa kuwarto niya at ni-locked iyon. Marahan niya ‘kong inihiga sa kama. Mas uminit ang halik sa pagitan namin hanggang sa pareho kaming nakulong sa ilalim ng kumot niya.
Kakaiba ang halik na ‘yon kung ikukumpara sa una naming halik ni Peter. ‘Yung pakiramdam na totoo ang lahat at unang beses mo lang naramdaman ang ganitong pakiramdam—alam kong sa kanya ko ibibigay ang sarili ko. Ang lahat sa ‘kin. Dahil mahal ko siya.
***
Well... ehem! Haha. :D
Feedbacks/votes please! Thank you so much :)
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Teen FictionOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...