[6]

259 18 7
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

Entry 6

Akala ko magiging maganda ang unang araw ng bakasyon ko, hindi pala.

Sandali pa akong nanatili sa pagkakaupo sa buhanginan bago mapagpasyahang bumalik. Ilang beses ko ring pinag-isipan ang sinabi ni Clifford at na-realize ko na tama siya. Dapat kong marinig kay Peter ang eksplanasyon sa ginawa niya.

Naglalakad ako na ako pabalik nang may mabunggo akong babaeng may hawak na juice. Muntikan pa ‘yong matapos sa kanya.

“Sorry,” paghingi ko kaagad ng tawad.

“No, it’s okay,” nakangiting sabi niya naman. Mabuti naman at hindi lahat ng tao sa lugar na ‘to ay tulad ni Shatrine.

Parang lumilipad ang isip ko habang iniisip ang magiging sagot ni Peter. Nakarating ako sa bahay, nasa balkunahe si Peter at nakupo. Nakayuko siya habang nakakuyom ang dalawang mga kamay niya.

Huminga muna ako ng malalim bago maglakad. Nang mag-angat siya ng paningin at nakita niya ‘kong parating, mabilis siyang lumapit sa ‘kin. Hinawakan niya pa ang kamay ko pero binawi ko iyon.

“Tinker, please. Pakingggan mo naman ang sasabihin ko,” sabi niya, nakasunod lang siya sa likod ko habang papasok ng bahay.

Dumiretso lang ako sa paglalakad at hindi siya pinapakinggan. Bumalik sa isipan ko ang mga narinig ko kaninang pag-uusap nila Shatrine at ng lalaking kaibigan din nila kasabay ng patuloy na pagtawag ni Peter sa pangalan ko.

Hindi ko pa kayang pakinggan ang sasabihin niya. Hindi pa ako handa.

Pumasok ako sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. Ni-lock ko iyon para hindi makapasok si Peter.

“Tinker, please. Sorry, nagkamali ako. Kausapin mo naman ako.” Ilang beses na pagkatok sa pintuan ang sumunod na narinig ko pero pinili kong dedmahin iyon.

Tinakpan ko ang tenga ko at binuksan ang pinto papunta sa terrace. Nagsisimula na namang bumagsak ang mga luha ko. Mahabang sandali ang lumipas bago natigil ang pagkatok at pagtawag ni Peter sa pangalan ko. Nakahinga ako ng maluwag at nakaramdam ng kapayapaan.

Naglakad ako pabalik at humiga sa kama ko. Sinubukan kong blankuhin ang isipan ko para malimutan ang lahat, ang sakit at lungkot na nararamdaman ko—pero iyon na ata ang pinakamahirap na gawin sa oras na ito. Nanghihina ako sa mga nangyari.

Lumipas ang oras hanggang sa dumilim na. Ni hindi man lang ako gumalaw sa pagkakahiga habang nakatingin sa mataas na kisame. Natuyo na rin ang mga luhang bumagsak kanina sa magkabilang pisngi ko. Hindi ako nakaramdam ng gutom o panghihina, parang hindi gumalaw ang oras sa ‘kin.

Tumayo ako sa kama para lumabas ng kwarto at silipin kung nasaan si Peter. Pipihitin ko pa lang ang door knob nang marinig kong magsalita siya.

“Tinker?” tawag niya sa pangalan ko. Tatlong beses na katok ang narinig ko. Kanina pa ba siya nandiyan? Hindi ko sinagot ang pagtawag niya sa ‘kin. “Alam kong nandiyan ka. Please, let me explain about what happened. Nasasaktan ako sa ginawa ko, Tinker. Mali ang ginawa ko.”

Sa sinabi niyang ‘yon, bigla nalang bumagsak ang luha ko. Napaupo ako at napasandal sa pintuan. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig na nasa pintuan lang ako.

“Tinker, pakinggan mo naman ang sasabihin ko, please?” sabi pa niya. Narinig kong huminga siya ng malalim bago magsalita. “I know, it’s all my fault. Sisihin mo na ‘ko pero gusto kong malaman mo na nagkamali ako at alam kong nasaktan kita. Alam ko ring kulang na kulang pa ang sorry na sasabihin ko kumpara sa ginawa ko sa ‘yo.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko nagawa ‘yon, ang paglaruan ang damdamin mo. Alam kong alam mo na hinding-hindi ko kayang gawin ‘yon pero sinira ko ang tiwala mo na hindi ko alam kung maibabalik ko pa. Tinker, ibang Peter ang gumawa no’n, maniwala ka sa ‘kin. Hindi ko na nga nakilala ang sarili ko matapos kong gawin at mapapayag sa pustahan nila Shatrine at Matt. Pero alang-alang sa pagkakaybigan naming tatlo, nagawa ko ang bagay na hindi ko akalaing magagawa ko… at sa kababata ko pa.”

at sa kababata ko pa.

Patuloy lang ako sa pagluha habang pinakikinggan ko ang sinasabi niya. Sinununod ko si Clifford na gamitin ang puso at tainga sa pakikinig. Dahil sa sinabi niya, unti-unting naibsan ang galit ko kay Peter, sa ginawa niya pagkatapos niyang gawin ‘yon. Nagkamali lang siya, alam kong nagsisisi siya sa ginawa niya. Ibang Peter ang gumawa no’n at hindi ang kababata ko. Kilala ko si Peter.

“Tinker, sorry,” sabi niya sa malungkot na tinig.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o hahayaan lang siya sa gan’ong posisyon. Suminghap ako at huminga ng malalim. “Naiintindihan ko,” sa wakas ay nasabi ko.

“Hindi ka na ba galit, Tinker? Pinapatawad mo na ba ‘ko?” tanong niya.

Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang panyong nasa bulsa ko—ang panyong hindi nawawala sa ‘kin saan man ako magpunta. Ang panyong iniregalo sa ‘kin ni Peter noong 8th birthday ko.

“Siyempre hindi pa rin nawawala ‘yung galit ko sa ginawa mo pero kailangan mong buuin ang tiwalang sinira mo kung gustong mong maging maayos pa sa ‘tin ang lahat, Peter. Patunayan mong nagsisisi ka sa ginawa mo at patutunayan mong ikaw pa rin ‘yung Peter na kilala ko. Mahirap buuin ang tiwala,” muling sabi ko. Dapat lang niyang gawin ‘yon para makabawi sa ginawa niya. Sinira niya ang tiwala ko kaya kailangan niya iyong paghirapang ipunin.

“Gagawin ko ang lahat Tinker mabalik lang sa ‘kin ang tiwala mo. Sorry ulit sa ginawa ko.” Naramdaman ko ang galak sa boses niya habang sinasabi ‘yon. “Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita.”

Biglang tumunog ang tiyan ko. Muntikan pa ‘kong matawa pero pinigilan ko ‘yon. “Sige, lalabas na ‘ko pagkatapos kong makapagpalit.”

Bago pa man ako makatayo, narinig kong may salita pa siyang sinabi. “Salamat, Tinker.”

Please leave a comment and vote after reading guys! Thank you so much :)

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon