[12]

202 16 4
                                    

Once Again

-Ian Joseph Barcelon.

 

 

Entry 12

 

 

Nadatnan ko si Peter na nakaupo sa sala, sapo ng dalawang palad ang mukha niya. Kagigising ko lang at bumaba ako para hanapin siya. Marahang sinuklay ko ang buhok ko bago naglakad palapit sa kanya.

 

“Good morning,” sabi ko bago umupo sa tabi niya. Hindi siya gumalaw sa posisyon niya, sa halip huminga lang siya nang malalim. Saka ko lang napansing umiiyak pala siya.

 

Ano’ng nangyari?

 

Hinawakan ko siya sa balikat. “Peter, ayos ka lang? May problema ba?” sabi ko sa gitna ng paghagod ko sa likuran niya. Tiningnan ko siya ng mabuti para usisain ang lagay niya.

 

Tumayo siya na hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Ni hindi rin siya lumingon para tingnan ako at dire-diretso siyang lumabas ng pintuan. Sinubukan kong sundan at tawagin siya pero tumatakbo na siya palayo.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ipinikit ko muna ang mga mata ko para isipin kung ano’ng nangyari kay Peter, kung bakit siya umiiyak at nagkakagan’on. Naiwan akong nakatayo na puno ng tanong.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa. Hindi ko maintindihan, bakit hindi niya man lang ako sinagot at bigla na lang siyang umalis? Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan ang ginawa ni Peter pati ang pag-iyak niya. Ang saya-saya namin kagabi tapos ito ang mangyayari ngayon? Sinubukan ko munang pigilan ang maraming tanong na gustong pumasok sa isipan ko.

Napasulyap ako sa wall clock. Alas nuebe ng umaga. Tatayo na sana ako para hanapin si Peter nang may mapansin akong envelope sa mesa. May ilang litratong nakabaligtad doon.

 

 

***

 

Peter’s Point of View

 

 

“Ahh!” Ibinato ko ang hawak kong bato sa dagat. Sobrang nagagalit ako, sobrang naiinis ako.

Bakit hindi niya man lang sinabi? Gumaganti ba siya dahil doon sa pustahan? Ipinaliwanag ko naman lahat sa kanya! Hindi ko akalaing galit pa rin pala siya dahil doon! Akala ko ba ayos na kami?

Totoo ba ang mga sinabi ni Shatrine?

Pumulot pa ako ng bato at inilagay sa kamay ko. Gaya ng ginawa ko nung una, ibinato ko rin iyon sa dagat. Hindi pa ‘ko nakuntento, pinagsusuntok ko pa ang puting buhangin sa galit. Wala akong nararamdamang ibang emosyon ngayon bukod doon.

Wala akong pakialam kung may makakita sa’kin dito!

Hinihingal akong napahiga sa sahig. Tinakpan ko ng kaliwang bisig ang mga mata kong patuloy pa rin sa paglabas ng luha. Gag*ng luha ‘to!

Quits na ba? Quits na ba kami? Niloko ko siya, gin*go niya ‘ko! Quits na ba?!

 

 

(Flashback)

 

 

Narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya lumapit ako para pagbuksan ‘yon. Hindi ko inaasahang si Shatrine ang makikita ko. Napalingon pa ‘ko para siguruhing wala si Tinker, siguradong magagalit siya.

(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon