Author's Note: Aww, nakakatuwa naman mga feedbacks sa previous chapters. Keep it up guys! :)
Sa mga hindi pa nakaka-FOLLOW sa 'kin, please FOLLOW me para made-dedicate ko sa inyo ang susunod na chapters. :)
Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 17
2 weeks later…
Bella’s Point of View
Umupo ako sa tabi ni Peter sa kama. Hinihintay naming sagutin nila Tito ang tawag namin sa skype. Napagdesisyunan kasi naming sabihin na sa kanila ang relasyon namin.
Nitong mga nagdaang araw, naging maayos na ang lahat sa ‘min ni Peter. Mas tumatag ang tiwala namin sa isa’t isa sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa ‘ming parehas—at kahit gaano pa kabigat ang mga ‘yon, natuto kaming parehas.
Nagkatinginan kami ni Peter nang tumigil ang beep tone na ibig sabihin lang ay sinagot na nila Tita Carol ang tawag, sabay kaming napangiti. Umakbay sa ‘kin si Peter habang ang isang kamay niya naman, nakahawak sa mga kamay ko.
“Dapat na ba natin sabihin sa kanila ‘to?” tanong ko. Napag-usapan na naman namin ‘to, nasa wastong edad na rin naman kami para sa relasyong ganito kaya naman ayos lang siguro kung sasabihin na namin ‘to sa mga magulang niya pati na kila mama. Ang pinag-aalinlangan ko lang, ‘yung sasabihin nila.
“'Di ba mas maganda naman kung wala tayong tinatago sa kanila?” Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Binigyan niya ko ng ngiti na ikinakumportable ng pakiramdam ko kahit na papa’no.
Lumabas na ang camera nila Tita Carol sa kabilang linya. Nakaupo silang apat sa couch na parang alam na kung ano ang sasabihin namin ni Peter. Napakagat ako sa labi na medyo natatawa.
“Tito, Tita… Ma, Pa,” pagsisimula ni Peter. Tumingin muna siya sa ‘kin saka tumingin sa screen ng laptop niya. “May sasabihin po sana kami ni Tinker sa inyo.” Naramdaman ko ang pagpapawis ng kamay niya.
Pare-parehong naningkit ang mga mata nila Mama at nila Tita Carol. Nanatili lang silang tahimik habang nakahalukipkip. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
“K-Kami na po ni… Tinker.” Pumikit ako at hinintay ang magiging reaksyon nila Mama’t Papa. Ilang sandali lang ang lumipas, nakarinig ako ng ingay ng torotot at tambol. Nang buksan ko ang mga paningin ko, laking gulat ko nang makita sila Mama at Papa na nagpapalakpakan at sobrang laki ng mga ngiti sa labi.
T-Teka, ano’ng ginagawa nila?
“TALAGA?!” sabay-sabay nilang bigkas. Sa gulat, marahang pagtango lang ang ginawa namin ni Peter. Nagkatinginan pa kami, parehong nagulat sa reaksyon nila.
Lumapit si Peter sa tenga ko. “Ano’ng nangyari? Parang nakahanda na ‘yung mga torotot at tambol sa tabi nila. Ibig sabihin kaya, okay lang sa kanila?” bulong niya sa ‘kin. Halos hindi ko ‘yun marinig sa ingay nila Mama sa laptop.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Novela JuvenilOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...