Chapter 2

14.5K 391 8
                                    

Gwen's POV

"Hey, panget gising na, may pasok tayo!"
Ang lakas nga naman ng boses ni kuya.

"Ah ayaw mo ata gumising, di bale akin na lang lahat ng bacon sa baba. Wahaha."
Tumakbo naman agad si kuya pababa at agad naman akong bumangon para hindi ako maubusan.

Pagkababa ko nakita ko si kuya na isusubo yung bacon pinigilan ko siya.

"waaaaaaaaaaag!!"
ang lakas ng pagsigaw ko, yung akala mong di ka na talaga makakakain ulit.

"Akala mo naman kakainin ko lahat yan, syempre bakit ko naman uubusan ang baby sis ko este baby damulag wahaha."
ang daming tawa ni kuya dun sa mga sinabi niya na akala mo nakakatuwa.

Kumain ako ng kumain at naligo at tska kami umalis ni kuya sa bahay papuntang university.

Buong biyahe namin papunta dun ay walang imikan, nakakarindi na ang katahimikan sa aming dalawa, kanina lang kasi ang lakas man trip tapos ngayon sobrang tahimik.

"Uuwi na daw si Kuya James."
pagbabasag ni kuya sa katahimikan.
Omgee, uuwi na ang astig at model kong kuya.

Si kuya James ay ang panganay sa amin susunod si kuya Nico tapos si kuya Enrico at ako, ako yung bunso at pinaka kawawa kapag nadyan silang tatlo.

Nagtatrabaho si kuya James dito sa Philippines pero nagtrabaho siya ng 1 year sa Korea at ngayon uuwi na siya. Ewan ko kay kuya Enrico pero bakit ganun na lang at malungkot siya.

"Parang hindi ka naman masaya na uuwi na si kuya James."
pagbabasag ko ulit sa katahimikan.

"Kasi sila mama dun muna sa Korea mamamalagi tapos si Kuya James ang uuwi sa atin, kaya mamimiss ko talaga sila mama."
Malungkot na sabi ni kuya. Kahit naman na bad boy si kuya ang sarap parin niya mag mahal.

Dumating kami sa University at agad naman kaming naghiwalay ni kuya kasi dun sa kabilang building yung room nila at section 2 siya doon.

Pagpasok ko sa classroom as usual pinagtitinginan nanaman ako ng mga kaklase kong maldita, akala nila nakakita ng palaka at ganun sila diring diri, eh mas mukha pa nga silang palaka kaysa sakin.

Malapit na akong makarating sa upuan ko ng biglang may umakbay sa akin.

"Hi, my loves."
Nakangiti ng nakakaasar at naka taas ang kilay, ang sarap talaga ahitan ng kilay tong lalaking to, makita ko palang gusto ko ng manipa eh.

"My loves mo mukha mo!"sabi ko with matching irap sakanya. "Mukha ko? Gwapo, oo matagal ko ng alam."nakakaasar pa rin yung ngiti niya. "Lumayo layo ka nga sakin para kang linta, ang dikit kumapit!"

At doon ko napagtanto na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga kaklase kong epal.
Ano nanaman ang ginawa mong katangahan Gwen, hay ewan ko.

Umupo na lang ako sa upuan ko at tumabi sa akin ang unggoy na si Dario.
Nakangiti pa rin siya ng nakakaloko, ang sarap sapakin.

"Ms. Marquez and Mr. Mendes, you have to go." at doon ko naalala na makakasama ko buong araw ang abnormal na lalaking to."
"You're going to be late if you won't hurry."
Sabi sa amin ni maam at tska kami nagmadali papunta dun.

"Mr. Mendes, ride your car and be safe. You too Ms. Marquez, be friendly there."
Nag aalalang sabi sa amin ni Ms. Grace.

Binuksan niya yung pintuan ng kotse at tska naman ako pumasok sa kotse niya.

Ang akward ng buong biyahe namin dahil nakakabingi nanaman ang katahimikan.

"Nakapunta ka na ba sa Aurea University?"
pagbabasag ko sa katahimikan.

Accidentally in love with a bad boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon