Chapter 38

6.6K 142 31
                                    



Gwen's POV

Back to normal, school days ulit. This past few days nag-ayos lang ako ng kwarto, nagdikit ng posters, at yung mga merch.

Binilhan pa ako ni papa ng divider para paglagyan lahat ng merch ko. Syempre yung isang BTS poster nilagay ko sa pinto ko.




Tada! Samu't saring mga kpop groups ang nasa kwarto ko.

Habang nag-aayos ako sa salamin, napansin ko yung stuff toy na napanalunan namin nung field trip, yung iba sa mga gamit ko ay galing kay Dario.

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako, bumalik na ulit si kuya James, sila mama at kuya Nico dito daw muna.

"Good morning, ma." Kiniss ko siya sa cheeks at umupo.

Kinain ko agad yung pagkain ko, at tsaka nagpaalam na aalis na ako.

Paglabas ko ng bahay, nakita ko agad yung kotse ni...







Dayne.

"Good morning." Bati niya, nang makalabas ako ng gate.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ang prinsesa." Pumunta siya sa may passengers seat at binuksan ang pinto.

"Di mo naman kailangan gawin ito e, nakabawi ka na nga." Sabi ko habang sumasakay sa passengers seat.

"Baka kasi mamiss mo ko." Automatic akong napalingon sa kanya sa sinabi niya.

"Uuwi ka na?" Tanong ko sa kanya.

"After kong maglaro sa varsity."

"Hanggang first week pa yun ng february ah." Sabi ko.

"Malay mo matalo kami, e di uuwi na agad ako." Sinimangutan ko siya.

"Stay positive, ito naman ang aga aga ang nega mo." Tumawa kami ng mahina.






"Thank you sa paghatid." Sabi ko ng makababa ako sa kotse niya.

"Sure, no problem, bukas ulit ng umaga, I'll pick you up." Tumango na lang ako, paano ko pa siya tatanggihan.

Pumasok agad ako sa school kasi may flag ceremony pa kami.


Natapos ang flag ceremony ay pumasok na agad kami sa mga classrooms namin, at kaklase ko pala si Dario at si Miguel.

As usual katabi ko si Dario tapos nasa likod ni Dario si Miguel. At hindi pa rin mawawala ang mataray look ng mga flower pop girls.

Naglecture si ma'am at halos lahat kami nakikinig, ewan ko lang sa katabi ko na kanina pa tulala.

"Before our dismissal, magbibigay ako ng assignment niyo." Nagbigay ng assignment si Ms. Grace at pagkatapos niyang ibigay ang assignment namin ay umalis na siya ng classroom.

Next class, tinanong kami kung anong nangyari last sembreak, sagot ng lahat nasa bahay. Tapos nagpaseatwork din, walang umiimik parang yung mga utak nasa bahay pa rin at nagbabakasyon.

Accidentally in love with a bad boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon