Chapter 31

6.3K 172 21
                                    

Gwen's POV

Hanggang sa makaabot kami ng parking doon na siya natumba.


"Dario! Anong nagyayari? D-dario!" Dinko maiwasang umiyak, inalalayan ko siyang tumayo at pumunta sa kotse niya. Inupo ko siya sa passenger's seat at ako ang pumunta sa drivers seat.

"I-i have a-an allergy." Allergy? S-saan? A-nong allergy? Sh*t sa b-broccoli.

"Ba't di mo sinabi s-sa akin?" Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko.

"I j-just don't want y-you to be upset." Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya, kasalanan ko ito eh.

May kinuha siyang parang gamot at agad itong ininom.

"Iuuwi na kita sa bahay niyo." Pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"W-wag sa b-bahay, w-walang tao doon." Nakakaawa siya, puno na ng pantal ang mukha niya at mainit pa siya.

Nagdrive ako pauwi sa bahay, ayaw naman niya sa ospital. Kahit hindi ko masyadong kabisadong gamitin ang kotse niya nadala ko pa rin siya sa bahay.

Bumaba ako at dahan dahan siyang inalalayan. Dinala ko siya sa kwarto ko at inihiga. Kasalanan ko 'to! Dapat di ko siya pinakain ng broccoli. Ang tanga mo Gwen!

"Ssssh, don't cry. You didn't mean it." Pinunasan niya ang luhang kanina pa tumutulo.

Bumaba ako at kumuha ng tubig, pinagpahinga ko muna siya. Nagluto din ako ng soup para gumaling siya.

Magseseven na at wala pa si kuya, matanda na yun bahala siya sa buhay niya.

Umakyat ako sa taas at mahimbing na siyang natutulog.

Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya matangos na ilong, mahabang pilik mata, manipis na kilay, manipis at mapulang labi.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo, sorry talaga Dario, di ko sinasadya.

"Done checking my features." Nagulat ako, gising pala siya.

"Alam mo kahit may sakit ka, nagawa mo pang magyabang." Napangiti siya, I love seeing him smile, yung dimple niya lumalabas.

"S-sorry, kung hindi ko ginawa yun kanina, wala ka sanang sakit, s-sorry." Bumangon siya at umupo at niyakap ako.

"Sssh, don't be sorry, it's my fault, ako ang kumain nang broccoli wag mong sisihin ang sarili mo." Medyo nawala na rin ang ilang pantal niya pero meron pa din.

Pinakain ko siya ng soup at tsaka ko siya kinuhanan ng t-shirt ni kuya.

"Magbihis ka, pawis ka na oh." Inabot ko sa kanya yung t-shirt at isinuot niya ito.

Humiga siya at natulog, mainit pa din siya at may pantal pantal.

Pumunta ako sa may sofa at nahiga, pero wala pang ten minutes may bumusina sa labas ng bahay kaya bumaba ako, tulog na si Dario.


Bumaba ako at yung kotse ni kuya, binuksan ko yung gate para maipasok ni kuya yung kotse.

Pero laking gulat ng si ate Nami ang bumaba sa driver's seat.

Accidentally in love with a bad boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon