Gwen's POV
Nagising ako at narito na ako sa kwarto ko.
Sino kaya ang nagdala sa kin dito?
Tumayo ako at dumeretso ako sa banyo para maghilamos, at tska naman ako bumaba.
Pagkababang pagkababa ko, bumungad sa akin ang tatlong unggoy na barkada ni kuya Enrico.
"Hi, gising na pala si froggie."
Pabungad sa akin ng unggoy na si Dario."Froggie?"
Sabay sabay pa silang tatlo."Sabi siya ng sabi ng palaka at mukha kasi siyang palaka." natatawang sabi ni Dario.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan at...
"Ha Ha Ha Ha Ha Ha Ha Ha!"
imbis na ipagtanggol ako ng mga kapatid ko, pinagtawanan lang nila ako.Nag walk out na lang ako at bumalik ulit sa taas. Umagang umaga naman kasi, nag bibwisit na naman ang unggoy na yun.
Lalabas sana ako ng kwarto, pahawak na ko sa door knob nang bigla itong bumukas at natamaan ang aking ulo. Kaya napa upo na lang ako sa sahig sa sakit na nararamdaman ko.
"Aray!" yan na lang ang nasabi ko sa lakas ng pagkakatama sa akin.
"Hala...uy..um..Enrico..Miguel!"
sigaw ng mokong na to.Pag akyat ni kuya, hinawakan niya agad yung ulo kong natamaan. Pinaupo nila ako sa kama at agad namang hinanap ni kuya yung first aid kit.
"Kailangan nating lagyan ng betadine yan ha."
Omgee BETADINE! ayoko! huhu!Tumayo ako at kumaripas ng takbo pababa, gulat na gulat sila kaya hindi pa pumasok sa utak nila na habulin ako, wahaha! yas!
Pababa na ako ng hagdan pero natapilok ako at mahuhulog na ako dapat sa sahig pero nasalo ako ni...
"Mi..Mig..Miguel."
nautal pa talaga ako sa harap niya. Namumula na naman ata ako, mamaya magmukha akong kamatis.Matagal kong natitigan ang kanyang mga mata.
Ikaw ba naman kasing masalo ng crush mo tapos magkakatitigan kayo, sino ba naman ang di sasabog sa kilig. Pwede na bang mahimatay as in now na? HaHa!Itinayo niya ako at siya namang pagdating ng tatlong asungot.
"Kapag di ka nanaman nasalo diyan, baka ngayon bagok ka na." Nag aalalang sabi sa kin ni kuya.
Lumapit sa akin si Dario at hinawakan niya yung sugat sa ulo ko, pero may dala siyang betadine! Ahhhhhhhhh! Ansakit!!!!!! Wahhhh!
Dinampi at ginamot niya yung sugat ko, hindi na ako nakapalag o naka arte na mahapdi dahil sa kakiligan. FYI hindi kay Dario kay Miguel my prince charming. Waaaaaahhhh!
Nilagyan nila ng Bandage yung ulo ko at doon ko lang napansin na nandito pala yang Luke na yan. Isa pa yan eh, pinagtatawanan ako habang ginagamot ako.
"Andito ka pala, kaya naman pala ako minalas kasi nandito kayo!" pasigaw ko yang sinabi sa kanya.
"Hindi naman ako ang may kasalanan diba? tss mag isip ka kasi, baka naapektuhan na yung utak mo sa pagka untog mo? may nalalaman ka pa kasing pawalk out effect, Ayan!"
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nauntog! Kasi di ka kumakatok! Bwisit!"
Nang gagalaiti na talaga ako sa kanya!"oh sige mag walk out ka, baka mauntog ka ulit." isa ka pa talaga kuya, nakakatulong ka!
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...