Gwen's POV
"Hi Future Girlfriend, wanna go for a date?"
Bago pa ko makapag-react ay hinila na niya ako at pinagbuksan ng pinto at sapilitang pinasakay.
"A-aray naman!" Angal ko, hays wala na akong magagawa pa eh andito na ko sa loob ng kotse niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Ha?" Lumapit siya sa akin at ikinabit ang seat belt ko.
Anak ng tokwa! Naalala ko nanaman nung gabing nagtapat siya sa akin tapos, hinalikan niya ako. Siguro para na akong tuod dito, haysss! Kaya ayoko sa mga flashback flashback na yan.
Alam ko na para makatakas ako at hindi ako kausapin nitong katabi ko, matutulog na lang ako.
Ipinikit ko ang mata ko at nagkunwaring natutulog.
"Traffic nanaman." Narinig kong bulong niya, please sana umusad ka ng traffic ka.
***
Nagising ako ng tumigil ang kotse, at anak ng tokwa!
"Gising ka na pala, my future girlfriend." Sabay kindat sa akin, ang lapit ng mukha ko at mukah niya kaya kaunting galaw ko lang baka mahalikan ko pa siya.
"Bakit mo b-ba kasi ako sinama dito?" Sabay tingin sa labas, nasa Tagaytay pala kami!
"Kasi... I wanna have a date with my future girlfriend. Tara." Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Bakit ka ba ganyan kapogi? Messy hair plus white shirt, with glasses pa. Oo na inaamin ko kinikilig ako sakanya ngayon.
Bumaba ako at nagulat ako kasi sinuotan niya ako ng glasses. Inalis ko yun at tinignan. Talagang parehas pa kami noh?
"Wear that." Sabi ni Dario, "okay na?" Tanong ko sa kanya matapos kong isuot. "Good girl."
Hinawakan ni Dario yung kamay ko at in-intertwine ito.
At hinila ako papunta sa view deck kung saan makikita yung Taal Volcano. Ang lakas ng hangin, wala pa naman akong dalang jacket. Pati rin siya wala siyang dalang jacket.
Umalis na kami doon kasi parang uulan at medyo malamig din kasi. Bumalik kami sa kotse niya at kinulit ko ulit siya kung saan kami pupunta. Sabi niya kakain daw kami.
Dumating kami sa bulalohan dito sa pa rin sa Tagaytay. Kita mo pa rin dito yung Taal Volcano at may veranda pa sila kung saan pwede kang pumunta at magpicture.
Siya na ang nag-order para sa aming dalawa, medyo nasasakal ako, para kasing ang awkward. Ewan ko kung ako lang pero parang naiilang ako sa kanya.
"Hey, naiilang ka ba." Biglang tanong niya. Ako naman ito si masyadong nerbyosa, natuod.
"Ah-- hindi ah, b-bakit naman ako maiilang?" Wala sa sariling sagot ko, kaya itong lalaking ito naman ay tinitigan ako diretso sa mata, kaya napaiwas ako ng tingin.
Mukhang nailang din siya sa ginawa niyang pagtitig sa akin.
"Mag-ccr lang ako, nerdy." Aish, akala ko pa naman babait na siya sakin.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...