Gwen's POV
Nagising ako at 7:00 na ng umaga, omgee may klase pero masakit talaga ang katawan ko feeling ko saobrang lamig na ewan.
Pumasok si Dario sa kwarto, teka andito pa rin siya?! What?! hindi ba siya papasok? Lumapit siya at hinawakan yung noo ko at napasabi siya ng...
"Your so damn hot!" huh? shet namumula na ata ako, kahit na yung tinutukoy niya eh mainit ako para parin akong kinilig ng nasabihan niya ako ng hot, as in emegesh!
"Sandali kukunin ko lang yung gamot mo." lumabas siya at kumuha ng gamot. My god buti hindi niya napansin na namula ako, ikaw ba namang sabihan ng 'Your so damn hot' ng isang gwapo na bad boy, anu nanaman sinasabi mo Gwen.
Maya maya bumalik na siya at may dalang tubig at gamot, agad ko namang ininom yung gamot para gumaling na rin ako, at para makapunta ako sa group project mamaya.
Pagkatapos kong inumin yung gamot, humiga ako para naman gumaan yung pakiramdam ko, at nakangisi pa siya bago siya lumabas ng kwarto ko
Baka hindi pa niya nakakalimutan yung ginawa niya sa akin. Yung sa pintuan?! hays ayoko na lang maalala...
Fast Forward...
It's already 1:00 in the afternoon.
Agad akong nagbihis at lumabas ako ng kwarto at bumaba, pagkababa ko nadatnan ko si Dario may kausap sa phone at sobrang lawak ng ngiti niya.
Nung nakita niya ako at agad naman niyang binaba yung phone.
"Oh magaling ka na ba? Baka mabinat ka, ako pa pagalitan ng kuya mo!" akala ko pa naman concern tapos yung kuya ko pa idadahilan niya, ewan ko sa'yo!
"Lalabas ako, bibili lang ako ng Coupon Bonds at other stuffs." sabi ko habang palabas na ako bigla niyang hinawakan yung braso ko at..
"Sasama na ako sa'yo." habang nagmamadaling kunin yung phone niya.
Sasakay na sana ako sa kotse ko ng bigla siyang nagsalita. "Dito ka na sumakay at ako na ang magdadrive." alok niya sa akin.
"No thanks, I can handle myself." bungad ko sa kanya habang papasok ng kotse.
Sumakay naman agad siya sa kotse niya at nauna akong lumabas ng bahay, siya na rin ang nagsara ng gate at dumeretso lang kami sa SM north EDSA.
Mabagal lang ako magpatakbo nang bigla kong makita na pinaharurot na niya yung kotse niya kaya binilisan ko kaunti ang takbo ko at naabutan ko rin agad siya at sabay kaming nakarating ng SM.
Nagpark ako at tinabi niya rin yung kotse niya sa kotse ko, para ngang kambal yung kotse namin kasi magkamukha.
"Tara?" tanong niya sakin.
Tumango lang ako at nauna akong naglakad kesa sa kanya.
Nakarating na ako ng NBS at agad ko namang hinanap ang paper sections, mga thirty minutes din ako sa NBS at pagkatapos ko sa NBS dumeretso lang kami sa food court.
"Ako na ang bibili ng pagkain." sabi niya, at least makakalibre ako wahaha.
Napansin ko kanina pang may dalawang lalaking tingin ng tingin sa akin at maya maya lumapit na sila sa akin.
"Hi ate may kasama po ba kayo?" tanong sa kin nung isa at sabay upo nila sa harap ko.
Ngumiti lang ako sa kanila at naghihintay na umalis sila.
"Pwede po bang makuha number niyo, ang ganda niyo po kasi eh." nahihiyang sabi nung isa. Number ko? at sino ba kayo para ibigay ang number ko? aber? hindi naman kasi ako masungit pero pagdating sa ganito, hingian ng number tapos di ko kilala? mukha nila!
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...