Epilouge
———————————
Gwen's POVSeven years had passed after that incident that broke me into pieces and left me scarred.
I am turning 23 this year and I am now a graduate of Business Administration and working as a Operations Managing Director in one of the biggest company here in the Philippines.
Walang araw na hindi ko siya naalala, miss na miss ko na siya.
* * *
Seven years ago...
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya...
Ang lalaking mahal ko... sigurado na ako sa nararamdaman ko. Umiiyak siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Dayniel sa kaniyang likuran. Ilang beses akong umiling at lalapitan na sana niya ako pero hinila siya ni Dayniel.
"Oh not so fast, Mendes." Hindi ako makasigaw dahil sa tape na nakakabit sa bibig ko. Naglabas siya ng kutsilyo at sinaksak ang walang kamalay malay na si Dario.
Nagpumiglas ako pero wala pa din, inalis niya ang saksak at inangat ni Dario ang kamay niya na may bahid ng kaniyang dugo. Nanlalabo na ang paningin ko pero naaninag kong isang beses niya pang sinaksak si Dario.
Gusto ko siyang sigawan na tama na. Tigilan na niya. Nanghihina ako at tahimik na lang na humikbi.
Sa gitna ng paghikbi ko at sa pagpilit na magsalita ay alam kong hindi niya ito maririnig... ang salitang 'mahal kita' na lumabas sa aking bibig.
Nakarinig pa ako ng ilang putok bago ako nawalan ng malay ng gabing iyon.
* * *
Masakit sa akin ang alalahanin lahat ng nangyari. Pero hindi ko din makakalimutan lahat ng mga alaala namin nung highschool.
Mula sa mapang-asar niyang mukha, sa malungkot niyang mukha, seryoso, maloko, ang ngiti niya, ang pagtawa niya.
Seven years had passed pero hindi ko pa din masasagot kung naghilom na ba ang sugat na dinala sa akin ng nakaraan. Naghilom man pero nag-iwan pa din ito ng bakas na kailanman ay hindi mabubura.
Nandito ako ngayon sa mall dahil lunch break na. Naglalakad ako ng may makabunggo ako at nahulog niya ang kaniyang wallet. Hinabol ko siya at nakita kong nakikipagtalo siya sa isang lalaki.
Naalala ko sila sa amin nung highschool kami. Nagbabangayan silang dalawa at hindi ata napansin nung babae na nahulog niya ang kaniyang wallet na hawak.
"Excuse me, Miss. You drop your wallet." Natigil sila at bumaling sa akin ang babae at ngumiti.
"Thank you po." Sagot niya pero nakabusangot lang iyong lalaki.
"By the way, I'm Gwen." Pakilala ko, she's cute gusto ko malaman yung pangalan niya.
"My name is Gl— V-veanca, at itong katabi ko ay si Raize." Pakilala niya, ngumiti ako pero ngumiti lamang ng tipid yung lalaki.
"Oh, cute names. Ingat kayo, be careful on your wallet, Veanca." Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila.
Pagkatapos ko sa mall ay umuwi na ako sa condo tutal ay half day lang kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...