Gwen's POV
"Yah! Sasama ka ba o maiiwan ka na lang?!" Isa rin 'tong pinsan ko na 'to lakas makasigaw parang nakalunok ng amplifier, tsk!
"Wait lang!" Bumangon ako sa kama ko at kinusot kusot yung mata ko, at tsaka ko nakita si Bianca na nakatayo sa harap ko.
"Oh ano? Staring contest na lang tayo?" Uuwi na nga lang nagsusungit pa siya.
Mabuti at lumabas din siya, pumunta ako sa CR at naligo, pagkatapos ko maligo nagbihis na ako at inayos yung gamit ko.
"Tara na! Kahit kailan bagal kumilos, tss!" Ba't ba lahat ng tao ngayon HB?!
Pumasok kami sa kotse ni kuya Nico, may field assessment pala siya ngayon doon, inaayos niya kasi yung ilang mga works sa company namin.
Parang hindi nakakapagbakasyon ng maayos si kuya, seven months lang ang vacation ni kuya dito sa pilipinas babalik nanaman siya ng London.
Nag drive thru kami sa isang resto kasi hindi nagluto ng almisal sila kuya, si kuya may aasikasuhin daw sa modeling agency nila tapos si kuya Enrico di pa rin umuuwi.
Kumain. Natulog. Nagcellphone.
Yan lang ang ginagawa namin ni Bianca habng papunta sa Batangas.
After a few hours..
Nakarating din kami! Traffic pa naman kaya medyo nalate si kuya sa field assessment niya, idinaan muna niya kami sa bahay nila tita Arlene tsaka siya pumunta sa Company.
"Tita! Namiss kita!" Niyakap ko ng mahigpit si Tita Arlene.
"Namiss din kita, si Beyang hindi ba pasaway habang nandoon siya?" Beyang ang nick name ni Couz.
"Ma!" Tinawanan lang naman ni tita si Bianca.
"Sandali lang at magkuluto ako ng pananghalian." Tsaka umalis si tita at pumunta ng kusina.
"Ba't parang ang tahimik ng bahay niyo?" Tanong ko kay Beyang.
"Ewan ko kung nasaan si kuya Ron tas yung iba nating pinsan." Si Bianca at si Rianne lang ang close ko na pinsan dito sa Batangas, kasi kami lang naman tatlo ang magkakasing-edad. Pero si Rianne wala dito, minsan lang magbakasyon nasa Cavite kasi sila.
Nagpaalam muna kami ni Bianca na maglilibot muna kasi namiss kong maglibot dito.
"Nakakamiss talaga si Rianne! Yung naghahabulan tayo habang umuulan dito." Sabi ko kay Bianca habang umiinom ng palamig.
"Di na nga siya masyadong nagpaparamdam. No signs of Rianne!" Tumawa na lang kami bi Bianca, siguro si Bianca ang masasabi kong pinaka close ko sa lahat kasi sa kanya ko nasasabi lahat, except yung tungkol kay Miguel, alangan din naman na kina kuya ako mag open up edi mas naloka lang ako.
Habang naglalakad kami, may isang aso kaming nadaanan mabait siya, pero nang natapat kami sa isang gate, biglang may lumabas na aso, tapos nagpipilit na makawala, at ayun nakawala, ewan ko I just found myself running with Bianca, paano ba naman kasi hinila ako edi napatakbo na rin ako.
"Bilis! Gwen! Takbo!" Edi binilisan ko inunahan ko pa nga si Bianca na tumakbo eh pero hindi siya nakatiis at sinigawan ulit ako.
Parang run ng BTS lang ang peg namin ni Bianca.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...