Gwen's POV
Mga 3:00 na ng hapon nang makauwi ako sa bahay at may bisita ata kami.
Mukhang uulan ata ngayon, makulimlim kasi, kahit nung pumunta ako sa seaside.
Binuksan ko yung gate at ipinark yung kotse sa harap ng bahay, at tsaka ako bumaba at pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko, may mga nagtatawanan at una kong nakita si Bianca, Myghad andito yung baliw na pinsan ko.
"Gweeeeeen! I miss you, couz!" sabay yakap sa akin ng napakahigpit, ganoon din ang ginawa ko sa kanya, yung halos masakal na siya sa higpit kaya agad din siyang kumawala sa yakap ko.
"Ano ba yan Couz, baka gusto mo naman akong patayin." natatawang sabi ni Bianca.
"Namiss lang talaga kita, besh!" at niyakap ko ulit si Bianca.
"Titaaaa! Kamusta po?" tanong ko kay tita Arlene sabay yakap sa kanya.
"Okay lang naman Gwen, uuwi din kami, inihatid lang namin si Bianca dito, magbabakasyon daw muna dito, kasi 2 weeks yung bakasyon nila Bianca." sabi ni tita Arlene, tsaka ko lang napansin si kuya Ron, na nandoon pala sa kusina kasama si kuya Enrico.
"Kamusta, kuya!" panggugulat ko sa kanila, kahit di naman sila nagulat sa akin, hahaha.
"Okay naman, ganoon pa din." Matino naman talagang kausap tong si kuya Ron, lasing lang kasi noon kaya ang hirap kausapin.
"Pero, here's the thing, may fortuner na sila!" Okay, sakanila pala yun hahaha, ang slow ko.
"Si papa naman ang nagbigay, hindi ko binili, regalo lang sa akin." Sabi ni kuya Ron.
"Akyat muna ako kuya, kuya Ron, maliligo lang, ang putik kasi eh, hehe." Nagpaalam ako at tsaka ako umakyat sa taas para makaligo na.
Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba at naabutan ko silang nagaayos.
"Saan lakad natin?" Pagbibiro ko sa kanila.
"Kakain tayo sa labas bago umuwi sila tita Arlene." Sabi ni kuya Nico sa akin pagkababa ko. Tumango tango na lang ako at tsaka bumalik sa taas para kunin yung phone ko.
Mga 7:00 na ng gabi kami lumabas ng bahay, pumunta kami sa isang resto malapit lang sa subdivision at doon kami nagdinner.
Nagkwentuhan kami nila tita habang kumakain kami, mga 9:00 na siguro kami natapos kumain at sila tita ay umuwi na rin sa Batangas kasi may gagawin pa daw sila, pumunta kami sandali sa MOA para magpahangin, naglakad lakad kami sa seaside at tsaka pumunta sandali sa grill bar sila kuya, at kami ni Bianca nagtakeout na lang ng fries sa resto at kinain namin sa seaside.
I miss this crazy girl very much, yung kabaliwan niya nakakahawa pati ikaw mababaliw, napunta pa nga sa lovelife yung usapan namin at ayun pareho pala kaming bokya hahaha!
Mga 11:00 na ata kami nakauwi sa bahay kaya ayun knock-out agad.
**
"Gweeeeeeeen! Gising naaa! Late na tayoooo!" Sigaw ni kuya sa akin kaya agad akong napabangon sa higaan at dumiretso sa CR.
Pagkatapos noon bumaba na ako at naabutan kong kakababa din ni Bianca.
Sabay kaming pumunta sa kusina at kumakain na sila, grabe napuyat ako kagabi, agad kaming kumain ni Bianca, at pagkatapos kumain umakyat ako at naligo at nagbihis na tsaka bumaba ulit ako.
"Gwen! Sama ako!" Nagpuppy eyes pa talaga ang babaitang ito. Tumango lang ako at tsaka kami lumabas.
"Kahit kailan ang bagal mong kumilos, Sissy." Paninisi sa akin ni kuya Enrico.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...