Gwen's POVTwo days na simula ng makabalik kami dito sa Manila, matapos yung GIRLFRIEND Scene na yun, bigla akong nahiya sa kanya, ang dami ko ng kahihiyan sa kanya, una yung kilig sa 'Sakin Ka Lang' na binawi niya, Pangalawa yung kiniss ko siya sa cheeks tapos yung akala kong unan siya tapos yung sa falls.
Kaya itinutok ko ang sarili ko sa panunuod ng k-drama, natapos ko na yung pinapanuod ko in just two days, nakabalik na rin si mama at si kuya Nico dito sa Philippines, di daw muna makakauwi si Kuya James busy daw sa pagrereview.
Kakatapos ko lang magbihis kasi magkikita kami nila Kira at Sheena sa mall, pero bago ako pumunta sa mall dadalawin ko muna si lolo sa sementeryo. Bumaba ako at nadatnan kong nagluluto si mama ng almusal.
"Good Morning ma!" Yumakap ako sa likod niya at hinalikan ang pisngi niya.
"Ano ang kailangan mo, Baby?" Napa-pout ako sa sinabi ni mama.
"Wala naman ma, si mama oh." Yumuko ako pero itinaas niya ang mukha ko para makita ko siya.
"Saan ang punta at bihis na bihis ang aking prinsesa?" Napangiti ako sa sinabi ni mama.
"Pupunta po ako ng sementeryo at magkikita po kami nila Sheena." Paalam ko kay mama.
"O siya, mag-almusal ka muna, at ipapahatid kita sa kuya Nico mo." Umupo ako sa upuan at hinango naman ni mama ang niluto niyang sinangag at ilang sunny side up.
Pumasok naman galing sa garden sila papa at kuya Nico na nagtatawanan.
"O kain na, tapos na ako nagluto, mukhang nagkakatuwaan kayong mag-ama." Umupo si mama sa tapat ko at katabi ko naman si kuya Nico, kabababa lang din ni kuya Enrico na gulo gulo pa ang buhok.
"Good morning ma, pa." Umupo naman siya sa kabilang side ko.
"Good morning."
Kumain kami at nagkwentuhan kung ano ang nangyari nung nagpunta kami sa Pangasinan, kahapon lang dumating si mama at noong nakaraang araw naman si kuya Nico.
Matapos kong kumain nagpaalam ako kay papa at pinayagan naman ako, sa undas na lang daw sila dadalaw sa puntod ni lolo na papa ni mama.
"Saan punta mo, uy!" Pahabol ni kuya ng makalabas kami ni kuya Nico.
"Puntang sementeryo, bakit?" Tanong ko kay kuya Enrico.
"Wala, balik na ko sa loob, ingat." Tuluyang pumasok naman sa loob si kuya, sumakay ako sa kotse ni kuya Nico at agad naman kaming umalis.
"Sayang at hindi ako nakasama nung nagpunta kayo ng Pangasinan."
"Marami kang namiss kuya, ang daming hinanda noon nila tita noong nagpunta kami sa falls." Kwento ko kay kuya.
Maluwag naman ang daanan papuntang sementeryo kaya mabilis kaming nakadating doon, meron ding mangilan ngilan na dumadalaw sa puntod ng kanilang namayapang minamahal.
"Susunduin pa ba kita mamaya?" Tanong ni kuya.
"Kahit wag na, itetext na lang kita kuya kung saan ako pupunta."
"O sige, mag-iingat ka, tawagan mo agad ako kung may problema." Tumago ako at inalis ang seat belt tsaka kumaway kay kuya.
Di naman ako nahirapang pumasok sa sementeryo at medyo madami na ring nagtitinda ng bulaklak kaya bumili ako ng isang bugkos para kay lolo.
Mabilis lang din hanapin ang puntod ni lolo, kaya nakadating agad ako doon.
Namatay si lolo six years ago, ten years old pa lang ako noon, ang dahilan ng pagkamatay niya ay komplikasyon, pero naging close ko si lolo, sa suvdivision din kung saan kami nakatira doon din nakatira si lolo at lola, wala na rin si lola pero ang puntod niya ay nasa batangas, nang mamatay kasi si lolo umuwi na siya ng batangas sinundo siya ni tita Arlene.
BINABASA MO ANG
Accidentally in love with a bad boy
Teen FictionCOMPLETED Highest Rank: #31 in Teen Fiction Ang buong akala ko ay aksidente lang ang lahat ng ito... "Ang Magmahal" Para sa akin ito ang pinakamaganda at ikinatutuwa kong aksidente... Ito rin ang ipinagmamalaki kong aksidente... Ang Mahalin Siya. An...