Chapter 16

7.6K 252 10
                                    

Gwen's POV

Bumalik muna ako sa school kasi sa pinapadala na form nang Aurea, si Dario naman hindi na namansin kaya hindi na rin ako nagsalita, kanina kasi nung nag thank you ako sa kanya, di niya na ako tinignan tapos nagmamadali pang umalis ng Aurea.
Napaka bipolar ng lalaking yun, daming arte.

Pagkababa ko ng kotse may nagbeep sa phone ko.

From: Tita Rissa

Hi, Gwen! Kinuha ko na pala si Trucker kasi namimiss na siya ni Sophie, hehe, thank you sa pagaalaga mo ah.

Okay kinuha na ni tita si Trucker, mamimiss ko yung asong yun, habang naglalakad ako papuntang Faculty, tinabig ako ng isang babae, I mean b*tch. Kasama pa talaga alipores, how pathetic!

"They're you are! I've been looking for you since Yesterday! You are such a slut." Shems! Nanlilisik mata niya, idagdag mo pa na nakaevil smile siya.

"W-wala akong a-alam sa sinasabi m-mo!" Hay Gwen, nauutal ka nanaman!

"Don't act like you do not know!" Sa ilang sandali lumanding na yun kamay niya sa pisngi ko, ang hapdi, napahawak na lang ako sa pisngi ko at nangingilid na yung luha ko.

"She's such a b*tch, you know?! Pati boyfriend ng may boyfriend inaagaw mo!" Sigaw ng isa sa mga alipores niya. Hay, wala ako sa mood makipagsigawan sa mga to.

"Walang akong inaagaw!" Singhal ko sa kanila, na mas ikinalawak ng ngising mangkukulam ni Cheska.

"Your so indenial! And a famewhore!" Galit na galit na lumapit sa akin si Cheska at sa ilang saglit ay nasa sahig na ako nakahiga habang sinasabunutan ako. Hindi naman kasi ako war freak.

"B-bitawan niyo ko!" Nabasag pa nga yung boses ko sa dulo, yung kanina g nangingilid na luha ay umagos ng tuloy tuloy.

"Let her go or else!" Tumigil sila sa pagsabunot sa akin, at mas lumawak ang ngisi ni Cheska, at ako naman ay nakahawak pa din sa pisngi ko.

"Oh look who's here, so pati ba naman si Luke at si Renz ay nasa'yo na, such a slut!" Inirapan niya si Luke at si Renz.

"Sino ba ang slut sa inyong dalawa? Ha!" Sagot naman ni Renz. Tumayo ako at pinulot ang mga nahulog kong form.

"Inagaw niya sa akin si Dee! What do you want me to do! Manahimik na lang!" Lumapit ulit sa akin at tinabig ang dala kong forms.

"Una, si Dario, tapos si Luke at Renz tapos sino isusunod mo si Miguel? Kung hindi mo lang siguro kapatid si Enrico, baka pati siya sinali mo na sa kalandian mo!" Nakayuko na lang ako at akmang sasabunutan nanaman ako sana ni Cheska pero pinigilan na siya ni Luke at ni Renz.

"Tama na! Baka gusto mong makarating 'to kay Dario! Para matigil ka na sa pagdada mo!" Inirapan na lang niya si Luke at hinila na siya ni Renz para umalis hindi pa din naaalis ang evil smile sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos! Tatandaan mo yan! Kakalbuhin kita!" Habang hinihila palayo ni Renz si Cheska.

"Okay ka lang? Such a warfreak and a b*tch" Nang makalayo na ng tuluyan si Cheska, nagpasalamat ako sa ginawa sa akin ni Luke at least hindi na gaya fati na tatawanan pa ako at hindi tutulungan.

"Ms. Grace, pinapabigay po ng Aurea." Nang makasalubong ko si Ms. Grace malapit sa faculty.

"Oh Thank you, tapos na ba kayo sa Aurea? Is it okay being there?" Tanong ni Ms. Grace.

"Yes ma'am." Tumango tango na lang si Maam at agad ding umalis kasi may meeting pa daw siya.

Bumalik ako sa kotse ko at, tinignan sa salamin ang namumula kong pisngi, hays... ano nanaman kaya ang gagawin ni kuya kapag nakita niya 'tong sampal sa mukha ko.

Accidentally in love with a bad boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon